Sa pangalawang bugso ng istorya ng Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5, ipinakita na nga ang pagdating ni BB Gandanghari sa location ng nakatakda niyang panayam kay Zoren Legaspi. Naganap ang kanilang panayam sa Napa Bar & Restaurant along Scout Borromeo sa Quezon City noong May 30, 2012.
May inihandang bouquet of flowers ang show para kay BB. Ayon sa isang insider ay pinagdiskusyunan ni Zoren at ng staff kung sa huli ba ng interview ito ibigay o mismo sa kanilang pagkikita.
Pero nanaig daw ang nais ni Zoren na ibigay ang bulaklak kay BB bago pa man ang kanilang interview dahil gusto daw niya na makapalagayang loob na niya ang kontrobersiyal na si BB Gandanghari, ang bagong katauhan ng namayapang si Rustom Padilla (ayon mismo kay BB).
Sinimulan ni Zoren ang kanyang interview, “Good afternoon mga Kapatid! I don’t know where to start, matagal nang hinintay 'to, pero urong-sulong ang communication kung magaganap ba o hindi.
"Pero ngayon, believe it or not it’s going to happen… and I’m here right now with Madame BB Gandanghari.”
Simpleng "Hello" lang ang naging tugon ni BB sa mahabang introduction ni Zoren, kaya naman nag-follow up question agad si Zoren: “Is that correct? OK lang ba sayong tawagin kitang Madame BB Gandanghari?”
Na sinagot naman ni BB ng, “Pwede bang BB lang?” sabay nagkatawanan na ang dalawa.
Dagdag pa ni Zoren, “Kasi, unang-una, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Papaano ko ba... how do I [address] her?”
Pero para kay BB, “No thank you, but yeah, BB is fine.”
Sabi naman ni Zoren, “This is really the first time na magkikita tayo.”
Pagsang-ayon naman ni BB, “Tama! Tama! Actually, tinanong ako kanina dun sa pre-interview. Sabi ko 'Hindi pa kami nagkita. He has never met Rustom and I guess he's gonna be meeting BB,' so yeah.”
Medyo palagay na nga ang dalawa sa kanilang paghaharap kaya nagsimula nang magtanong si Zoren.
NO RESENTMENTS. “...Nanay Cristy [Fermin] asked me, 'Kung iinterbyuhin mo si BB Gandanghari, ano yung unang itatanong mo sa kanya?'
"Out of nowhere I said, 'I want to know kung meron siyang sama ng loob sa akin or hinanakit.' Or something... na hindi mo pa nasasabi sa akin.”
Mabilis naming sinagot ni BB si Zoren ng, “Honestly wala, kasi sa totoo lang, wala ka naman talagang kinalaman dun sa kung ano man yung nangyari sa past ni Carmina at ni Rustom."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
33 starkings
32 Prd2bpnay8
31 thelastpepbender
30 lostris
29 milomilo123
28 BelleGrey
27 xeteh7
26 shellphone
25 ambrossia
24 ambrossia
23 arvor82
22 pepe2
21 thelastpepbender
20 T_Steigert
19 wilfredonggago
18 alibangbang
17 K4rm4
16 humandynamics
15 syetedos
14 alime
more comments