Sa ikatlong bahagi ng story ng Paparazzi Showbiz Exposed kay BB Gandanghari at Zoren Legaspi, kung saan in-interview ng huli ang una, nagbigay ng challenge si Zoren: Ngayong magkaharap sila, anong tatlong katanungan ang gustong ibato ni BB sa kanya?
Ani Zoren, “Bibigyan kita ng opportunity. Sige, tanungin mo 'ko ng tatlong tanong, na gusto mong itanong sa akin? Kahit na ano.”
THREE QUESTIONS. Na mabilis naming tinugunan ni BB ng, “Kahit ano?
"Bakit mo ako gustong ma-interview?”
Tugon ni Zoren, “Gusto kita talagang ma-interview, hindi ako, kundi si Carmina because I want that closure in the eyes of the public."
Si Carmina ay si Carmina Villarroel na pinakasalan at naging asawa ni BB noong siya'y si Rustom Padilla pa.
Patuloy ni Zoren, “Gusto ko sanang masara siya and maintindihan ng publiko na it’s really not a big deal, sa ating tatlo, it’s just a big deal dahil hindi pa tayo nagkita-kita.
"Pangalawa, sa akin, ang reason why gusto kitang ma-interview because I really want to get to know you, dahil kasama ka sa past niya, e.
"You're part of her history. Hindi na yun mabubura kahit ano pang sabihin mo. You're still included and gusto kitang makilala.
“And I’m very thankful na you said yes to this interview, nagkakilala tayo, and I’m very happy na nabunutan ako ng tinik sa mga narinig ko sa 'yo and lalo kitang nirespeto.”
RUSTOM OR BB? Pangalawang tanong ni BB kay Zoren, “Given the choice, sinong gusto mong ma-interview, si Rustom o si BB?”
Tugon ni Zoren after ilang segundong pag-iisip, “Sa tingin ko, ikaw, dahil mas marami akong magagandang itatanong sa’yo.
"Mas marami kang masasabi, mas magiging kabado ako kung si Rustom yung mai-interview ko.”
Pabalik na tanong ni BB, “Why?’
Paliwanag ni Zoren, “Magiging guy-to-guy talk, e, hindi kagaya natin, you know, mas calm, may tawanan...




CALLED OUT
ALL COMMENTS
28 labandera75
27 Ornusa
26 betsylane
25 T_Steigert
24 CmonTryMe
23 MissHugoBacungan
22 pinoycali_ako
21 wilfredonggago
20 alibangbang
19 heart07
18 diocyl
17 syetedos
16 pearl102
15 pretty
14 qazx
13 puckerlips143
12 puckerlips143
11 hot_momma
10 hot_momma
9 lynn_q8
more comments