news

Dingdong Dantes on Marian Rivera's sexy magazine cover: "Alam ko naman na basta siya yung subject, kahit sa pag-pose niya, magagawa niya tastefully yun."

by Rose Garcia posted on June 4, 2012  STATS: 14325 Views | 48 Comments

Dingdong Dantes (in photo) taped his last scene for My Beloved before leaving for America where he will attend Philippine Independence celebrations. He and Marian Rivera plan to meet up in Canada for work and to take a short vacation.

Photo By: Noel Orsal

Ang tungkol sa bagong sexy pictorial ni Marian Rivera na lalabas sa Rogue Magazine ang unang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Dingdong Dantes sa taping ng My Beloved.

 
Ang wedding scene ang huling ginawa ni Dingdong noong Biyernes, June 1, sa Sta. Ana Church bago ito umalis nuong Sabado, papuntang New York para sa selebrasyon ng Philippine Independence Day doon.
 
 
Sabi naman ni Dingdong, “Alam ko naman na basta siya yung subject, kahit sa pag-pose niya, magagawa niya tastefully yun. Kumbaga, may tiwala ako sa kanya.”
 
 
Kaya ba siya pumayag na mag-pose, kung sakali, si Marian sa FHM?
 
 
“Ah, magpu-pose raw ba siya sa FHM?” ang tila nagulat naman niyang sabi.
 
 
“Gusto ko siyang manalo [sa FHM 100 Sexiest Women], pero, iba yung magpu-pose,” natatawa niyang sabi.
 
 
Pero pinaalala namin sa kanya na may sinabi siya sa online chat nila na okay sa kanya na mag-pose si Marian sa FHM.
 
 
 “Ah, yeah, okay…okay sa akin. Basta ako ang magpi-pictorial,” natatawa niyang sabi.
 
 
“Joke lang, joke lang,” bawi niya rin sinabi.
 
 
THE END. Naikuwento na sa amin ang ending ng My Beloved. Masaya ba siya sa magiging katapusan nito?
               
 
“Alam niyo, ang daming nangyayari na ikinagugulat namin dahil ganoon siya ka-unpredictable. 
 
 
"Kung anuman yung magiging ending is a result ng lahat ng pinagdadaanan ng mga characters.  So, kailangan talaga mag-end ng ganoon.
 
 
“Baka kasi sa umpisa, light. So, ine-expect nilang kailangan palaging sweety-sweety. Pero, drama pa rin siya na nagiging heavy minsan.
 
 
"Mas mahirap ang mga conflict.  So, hindi all the time masaya. Parang ganoon.”
               
 
Malulungkot na naman ang fans ng loveteam nila ni Marian dahil matagal na naman bago sila mapanood muli na magkasama.
 
 
“At least, it’s something to look forward in the future," ang sabi ni Dingdong.
 
 
OTHER PROJECTS. Magtatapos na ang My Beloved ngayong Biyernes. Wala raw ideya ang aktor kung may follow-up teleserye na siya.
 
 
Pero ang sigurado, kasama siya bilang host ng Protégé. Pagbalik niya galing abroad naman daw niya sisimulan ang shooting ng pelikula niya sa Star Cinema.
 
 
Pero sa October, kuwento nga ni Dingdong, ipapalabas na ang Tiktik: Aswang Chronicles na ang GMA Films ang magri-release.
 
 
Sabi naman ni Dingdong, “I’m hoping nga na yung Indak will be shown first.  Sabi kasi sa August, pero, I’m not sure about that. 
 
 
"GMA  Films ang makakasagot no’n dahil GMA  Films din ang magri-release.”
 
 
Ano pa ang mga future projects ng Agostodos Pictures na kunsaan siya, ang may-ari o producer?
 
 
“Siyempre, bukod sa Segunda Mano, ang pag-produce ng Tiktik:  Aswang Chronicles.”
 
 
NO PLANS TO GO SOLO. Wala ba siyang plano na solong  magpo-prodyus ng pelikula?
 
 
“Mahirap na ngayong mag-solo.  Mas maganda talaga na collaboration
 
 
"Kumbaga, nasa bagong panahon na tayo na. Mas maganda na mas marami kang kakampi.  Marami kang partners."
 
 
Tinanong namin si Dingdong kung ano pa ang gustong gawin ng Agostodos?
 
 
“Ako, I would like to do something for Marian. Kahit wala ako, kahit for Marian lang. 
 

"Siguro, kung meron ng magandang materyal."
 
 
Noong nakaraang Huwebes naman, May 31, nabalita naman na nasa Camp Crame si  Dingdong dahil siya ang dineklarang Youth Champion ni Secretary Jess Robredo ng Department of Interior and Local Government.
 
 
Ayon kay Dingdong, “Ni-launch namin ang partnership namin with DILG. 
 
 
"So, officially, parang binigyan kami ng seal, na certified ang Yes Pinoy Foundation to conduct yung mga disaster preparedness seminars.”
 
 
DONGYAN. Naikuwento rin ni Dingdong na ang Dongyan din ay nagiging bahagi ng mga projects ng Yes Pinoy.
 
 
Sabi ni Dingdong, “Noong Thursday last week, nagpunta sila sa opisina namin. Nag-turn-over sila ng [pera]. 
 
 
"Apat na taon na sila, e. Parang kasing tagal din ng samahan namin [ni Marian]. 
 
 
"Every anniversary nila, nagse-celebrate sila, nagpa-party.  Gumagastos talaga. Kumukuha ng funding abroad. Nagko-contribute ang mga members.
 
 
“Pero this year, parang sabi nila, magko-contribute na lang sila.”
 
 
Ayaw lang daw ipaalam ng mga fans kung magkano ang nai-donate nila.
 
 
“Ayaw nilang ipaalam, e.  Kasi, ang ginagawa namin, kapag may nagdu-donate, pino-post namin sa website.
 
 
"May listing kami palagi. Pero in this case, ayaw nilang ipaalam.”
               
1  

more on this story

Show/Hide Comments

48 Comments

  • 48  wackwack11241989

    06/14/2012 | 10:59 PM
    love talaga ni dong si yan tama yan dong huwag na mag pose si yan sa fhm pang cheap lang yan eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  kayee

    06/06/2012 | 05:46 PM
    mas magaling ang akting ni Jennylyn ,haert at Lovi kesa iyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  kayee

    06/06/2012 | 05:45 PM
    maghubad ka nlng jan bagay sayo total wala ka pang napatunayan...lahat flop!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  MissHugoBacungan

    06/05/2012 | 09:55 AM
    MARIAN RIVERA. THE COUNTRY'S MOST POLARIZING SUPERSTAR. at Rouge. Ang GANDA ganda ganda ganda to the super super superlatives ng COVER pix ni Marian sa Rouge Magazine. Classy, beautiful, sexy, stylish! Thank you Rouge for recognizing MARIAN as the COUNTRY's SUPERSTAR!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  jakar

    06/05/2012 | 09:51 AM
    at if naman napavirginal ng bibig mo no.45????hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  cy2

    06/05/2012 | 09:03 AM
    ewwww as if kng mang lait kau ung idol nyong e2 maria clara at v i r g i n pa. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  Stantiel

    06/05/2012 | 08:03 AM
    ... and the great thing about Marian is, she didn't have to do all these sexy poses in magazines just to gain fame or to prove anything because the truth is, she's already the superstar of this generation with international recognitions. She's pure beauty and great talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  kapamskoo

    06/05/2012 | 07:08 AM
    classy ang dating ng mga mags cover ni Marian. It was done in good taste talaga. Napanood ko kagabi sa 24 oras, Sobrang ganda nya talaga. Nag iisa lang talaga si Marian. Grabeh! sobrang ganda nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  kayee

    06/05/2012 | 02:19 AM
    KUNG SIKAT KA WAG KA NA SANA HALOS MAGHUHUBAD SA MAGAZINE. ANU MALIIT LNG BA TALENT FEE MO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  kayee

    06/05/2012 | 02:16 AM
    HALA POSE KA NG POSE NLNG JAN MARIAN TOTAL FLOP LAHAT NG SHOWS MO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  Stantiel

    06/04/2012 | 11:38 PM
    ... and the title given to her on Rogue truly fits her beauty - "The Country's Most Polarizing Superstar!" Dingdong is right, she did it tastefully.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  kapamskoo

    06/04/2012 | 11:31 PM
    GMA has another sure winner na soap sa primetime. Napanood ko ang pilot episode ng Makapiling kang muli at napakagnada. Sa cinematography pa lang sobrang ganda. Napakagaling ni Jennilyn Mercado sa soap pang award talaga. Ang ganda din nya. Nasa Gma na yata lahat mga magagaling at magandang artista. Lalong sisiraan na naman ang gma nito ng mga inggitera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  kapamskoo

    06/04/2012 | 11:13 PM
    napaka class ng dating sa mga mags cover ni marian nakita ko sa 24 oras. Superb talaga. Napakaganda talagang tingnan. Siya lang talaga ang may K mag cover.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  Speed_OfLight

    06/04/2012 | 08:58 PM
    pati abs-cbn news dot c om bina-balita ang Marian Rivera ROGUE magazine June 2012 edition.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  kapamskoo

    06/04/2012 | 08:11 PM
    sobrang ganda ni marian sa kanyang mga mags cover bago ko lang nakita sa 24 oras. Sobrang ganda nya talbog lahat. Siya lang talaga may k mag cover sa mga mags. Dapat lang naman na mag pose siya sa mga mags dahil sobrang ganda nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  landstown

    06/04/2012 | 08:11 PM
    ang ganda ganda ni marian sa rouge magazine, wow na wow. bitter na naman ang mga gaybs chew. at san ka pa nakakita na si marian sunod sunod ang cover sa magazine. yan ang sikat. sino ang makakagaya nito wala as in wala sa chew. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  jams_mom

    06/04/2012 | 07:51 PM
    if i were dingdong, i would make a life size mural of marian's rogue photos... these are the best photos ever of MR, and of any actress we've had on phil showbiz... so classy and so beautiful!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  pwearl105

    06/04/2012 | 04:45 PM
    walang taste talaga itong babaeng ito. walang alam kundi magpose ng nakahubad. hubadera ang lowka. hahaha.... ang cheap cheap talaga ng gme talents... actually starlets kc wala naman talent eh. hahaha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  zephyrinthesky

    06/04/2012 | 04:04 PM
    Anung pinagssabi nitong Dingdong n to n mggawa ni Marian ng tastefully ung photoshoot!! KELAN P NAGING TASTEFUL itong c Marian n to?? Pngpalengke taste! Ever!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  maypaolo

    06/04/2012 | 03:48 PM
    Pwearl105! kamukha mong cheap ang mga idol mong hubaderang laos!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About