news

Sarah Geronimo and Gerald Anderson having trouble with their relationship?

by Rose Garcia posted on June 4, 2012  STATS: 83855 Views | 83 Comments

Sarah Geronimo on status of relationship with Gerald Anderson: “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”

Photo By: Richard Gay

Sa gitna ng mga balitang patuloy sa panunuyo at panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, biglang lumabas ang mga balitang diumano’y nagkakalabuan na ang dalawa.

Kasabay nito ang isang blind item na diumano’y tila ang dalawa ang tinutukoy.

Si Gerald daw ay nakitang may kasamang ibang babae sa isang gimikan.

Hindi pa man kumpirmadong si Gerald ang tinutukoy sa blind item na ito, tila makahulugan ang naging magkahiwalay na panayam ng The Buzz kina Sarah at Gerald.

Sa isang interview kay Sarah, sinabi nitong, “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa.

“Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”

Sa panayam kay Gerald, katulad din ng naging pahayag ni Sarah ang naging reaksiyon nito.

Ayon sa young actor, “Wala rin po akong karapatan kung may gusto siyang i-date and vice versa.

“Sa ngayon, I am single and si Sarah is single.”

Sa premiere night ng pelikulang Born To Love You noong nakaraang linggo, naging kapansin-pansin ang pagdating ng dalawa—pero sa halip na magkasama ay magkahiwalay sila.

Nang tanungin ang tungkol sa hindi nila pagsasama sa panonood ng pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto, sinabi ni Gerald, “Actually, nagkita lang kami dito. Actually, nandito siya para kay Angeline yata.”

Nang si Sarah naman ang tanungin, sinabi nitong: “A, oo, nandoon siya. Nagulat naman ako, hindi ko naman alam na pupunta siya.”

Pero bakit hindi sila magkasabay?

Sagot ni Sarah, “Hindi ko po alam. May lakad po yata siya.”

Dahil sa naging pahayag nila, tila lumalabo ang posibilidad na mauwi sa magandang pagtitinginan ang anumang pagkakaibigan meron sila.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

83 Comments

  • 83  jamby03

    06/17/2012 | 09:08 PM
    sana u both stay as friends na lg..i'm sorry but mas bagay pa rn sina kim at gerald
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  clois18

    06/14/2012 | 11:23 PM
    Laki na ng inimprove ng itsura ni Sarah since nag-umpisa sya sa showbiz. Panay bleaching ng balat at buhok. hehe.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    06/15/2012 | 04:16 AM
    obviously, can afford! as long as hindi inutang ang perang ginamit oks lang yan... bagay naman! basta wag sumobra
  • 81  lanieguillen

    06/13/2012 | 02:41 PM
    hayaan ninyo sila... mga may isip na yang mga yan... if ever they are together or not paki natin no?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    06/15/2012 | 04:17 AM
    korek!!!
  • 80  pinoycali_ako

    06/11/2012 | 01:55 PM
    Hindi kasi pwde yan pa sweet2x or pa acting na parang bata kasi yan di ang ginagawa ni kim chiu noon kaya hiniwalayan siya ni Gerald. Wake up call yan sa mga babae na be a woman, not a child!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    06/15/2012 | 04:13 AM
    define woman!
  • 79  batangkumon

    06/07/2012 | 07:39 PM
    Of course kung ang articleis about kapamilya stars nandyan palagi yun taga parlor na walang iba kundi si missBakulaw, pansinin nyo, wala sya sa article ng kapuso, palibhasa di sya updated sa mga shows ng gma Kasi pinapanood nya palagi shows ng abs, o di ba tambay ng parlor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  lulu_girl

    06/07/2012 | 03:32 PM
    playboy talaga si Gerald hahaha peace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  beyond_words

    06/05/2012 | 02:50 PM
    It's sad how The Buzz downplayed the whole scenario. They just picked up bits and pieces ang pinagtagpi tagpi to create an issue. So for people who doesn't follow the two, talagang magdadoubt and magjajudge based on what the Buzz aired last Sunday. It's funny though how Sarah indirectly addressed the issue sa SarahGLive. She said she was full of love and when Luis asked if the rumour is true about them na nagkakalauban, she said "ano yun?" Kasi wala naman talagang ganung issue between them. So people who doesn't like them or hates them like Bacungan would really take advantage of this issue para malait either Sarah or Gerald. Well, let's just wait for July 7. I'm pretty sure all these nega/doubt issues about the real score will be put to end.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  mhinnie

    06/05/2012 | 02:44 PM
    MissHugoBacungan>>> The Sarah and John Lloyd movie was postponed for awhile because John Lloyd replaced the left character of Derek-Bea movie but on the brighter side, it will resumed after the shoot of Bea-John Lloyd movie so don't worry, you will still see Sarah-John Lloyd on the big screen, just wait and relax! :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  mhinnie

    06/05/2012 | 02:41 PM
    This news is very very late. On the recent interview of Gerald, he stated there that people must better believe him than those news appearing on TV and newspapers. They are matured enough and as I can see, they've already learned something from their last relationship. This is the reason why Gerald and Sarah want to keep their relationship private. Give them a break and support them all the way. :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    ledfarani
    06/15/2012 | 04:21 AM
    tama ka mhinnie... as a fan, i respect Sarah's wish to keep her lovelife private. mas ok na yung ganun, para walng maraming nakikialam... basta hindi lang ma-apektuhan ang performance at pag-entertain.
  • 74  MissHugoBacungan

    06/05/2012 | 02:20 PM
    DELAYED. Na delay na naman pala yung progress ng movie nina JLC at Sarah. It appears that the movie is NOT a PRIORITY to Star Cinema, perharps due to DISMAL box office performance of Sarah's latest movie several months ago. Kawawa naman si Sarah, parang GOMA ng sasakyan na na FLAT, napudpod na, pati nga BOSES niya hindi na tulad ng dati, PANAY ang SABIT at DISPALENGHADO na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  rray

    06/05/2012 | 02:07 PM
    bacungan ang idol mo Not Worth it kc sa age niya grabeh na ang mga experiences pagdating sa alam mo na ..kaya gusto mo ganyan din si sarah gaya mo hahahahaha support mo nalang idol mo para makatikim din naman xa ng box office movie at sana maturuan siya ni sarah ng magandang asal sabihin mo yan sa idol mo ha at sarili mo.....advice lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  MissHugoBacungan

    06/05/2012 | 01:05 PM
    NOT WORTH IT. A word of advice to Gerald Anderson, now that you still have time to BACK off, stay as FAR as you can now from Sarah, while nothing is definite yet between you too. She is NOT worth it, kasi wala siyang SARILING disposisyon, LAHAT inaasa niya kay Mother DIVINE. Pag naging kayo, posibleng mag MELT DOWN si Sarah in time of CRISIS and EMERGENCIES, maawa kayo sa magiging anak nyo. Sana pareho kayong MAGKA ISIP na MAG ARAL muna para naman LUMAWAK ang mga isipan ninyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  Pinaysamerika1926

    06/05/2012 | 11:46 AM
    Sa sobrang obedient ni Sarah sa parents miserable sya pag dating sa lovelife kawawa naman sa parents pls your daughter is 24 years old siguro naman matured at responsible naman sya to handle her own personal affairs... dami na naman naitulong ng bata sa inyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  MissHugoBacungan

    06/05/2012 | 08:30 AM
    WALANG KARAPATAN. Iyan ang naging tugon ni Sarah sa mga katanungan tungkol sa kanya at kay Gerald. You can see so MUCH FRUSTRATIONS in Sarah's replies. Frustrated siya sa love life niya. In the same token, FRUSTRATING na rin ang nangyayari sa career niya, in particular sa position niya sa bansa bilang isang singer. It appears na LOW quality na ang lahat ngayon pagdating sa pagKANTA ni Sarah. Hindi na tulad noon na kaya niyang MAKISABAY sa pagbirit sa kantahan. Like last Sunday, yung duet niya kay Haji Alejandro, ang BABA ng timbre ng boses ni Sarah, parang NAGBABASA na lang ng pasyon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  Monicafer

    06/05/2012 | 08:19 AM
    Miss Bacungan, you're pathetic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  khay0511

    06/05/2012 | 07:52 AM
    si MissHugoBacungan, siguro wala nagmamahal sa iyo.. kawawa ka naman.. Yung galit mo binubuhos mo sa ibang tao.. You still have to change..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  msweh

    06/05/2012 | 07:36 AM
    Naniwala naman kayo sa news na ito? Tsk tsk tsk! The buzz wala pala talaga kayong credibility, edited na ang interview dami nyong cut, inalis nyo yung explanation why they said that, for what? To make a negative issue? And to pep bakit naaaprove mga comment ni bacugan? Please bacugan kung meron man ditong uneducated ikaw yun! Makapagsalita ka about sarah g kala mo kung sino kang mataas halata naman na wala kang breeding! Ampalaya ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  lanalang08

    06/05/2012 | 07:01 AM
    ganyan lang talaga dahil may bagong pakulo ang kim gerald na pelikula syempre para tangkilikin ay lie low muna ang sarah gerald. for the record.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  MissHugoBacungan

    06/05/2012 | 06:27 AM
    NOTHING BUT TROUBLE. Kawawa naman ang isang SARAH Geronimo. At the age of 24, WALAng maipagmalaki na boyfriend, so much trouble. Parang may DIPERENSYA ang utak dahil sa edad na 24 hindi maka connect at makapag develop ng meaningful na relationship na puwedeng lagyan ng LABEL na magkasintahan. TROUBLE din si Sarah at the age of 24 dahil HINDI na kayang BUMIRIT ng mataas na nota. Hindi na kaya ni Sarah na ibirit ang kantang I Will Always Love you, SUMASABIT na ang boses ni Sarah at the age of 24!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  myca_bag

    06/05/2012 | 06:23 AM
    ang mga nakakaumay na kimerald tards lang naman ang nagsasabing promo promo. noong inamin ni gerald na nanliligaw siya ke sarah wala naman silang project no'n together. kahit umamin pa yang mga yan, magpakasal at magkapamilya, sasabihin pa rin nga mga tards promo promo. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About