news

Sarah Geronimo and Gerald Anderson having trouble with their relationship?

by Rose Garcia posted on June 4, 2012  STATS: 83910 Views | 83 Comments

Sarah Geronimo on status of relationship with Gerald Anderson: “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa. Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”

Photo By: Richard Gay

Sa gitna ng mga balitang patuloy sa panunuyo at panliligaw ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo, biglang lumabas ang mga balitang diumano’y nagkakalabuan na ang dalawa.

Kasabay nito ang isang blind item na diumano’y tila ang dalawa ang tinutukoy.

Si Gerald daw ay nakitang may kasamang ibang babae sa isang gimikan.

Hindi pa man kumpirmadong si Gerald ang tinutukoy sa blind item na ito, tila makahulugan ang naging magkahiwalay na panayam ng The Buzz kina Sarah at Gerald.

Sa isang interview kay Sarah, sinabi nitong, “Wala naman po kaming karapatan sa isa’t isa.

“Wala rin naman po akong karapatang magselos kung halimbawa may ma-link sa kanya kasi single siya. Single din ako.”

Sa panayam kay Gerald, katulad din ng naging pahayag ni Sarah ang naging reaksiyon nito.

Ayon sa young actor, “Wala rin po akong karapatan kung may gusto siyang i-date and vice versa.

“Sa ngayon, I am single and si Sarah is single.”

Sa premiere night ng pelikulang Born To Love You noong nakaraang linggo, naging kapansin-pansin ang pagdating ng dalawa—pero sa halip na magkasama ay magkahiwalay sila.

Nang tanungin ang tungkol sa hindi nila pagsasama sa panonood ng pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto, sinabi ni Gerald, “Actually, nagkita lang kami dito. Actually, nandito siya para kay Angeline yata.”

Nang si Sarah naman ang tanungin, sinabi nitong: “A, oo, nandoon siya. Nagulat naman ako, hindi ko naman alam na pupunta siya.”

Pero bakit hindi sila magkasabay?

Sagot ni Sarah, “Hindi ko po alam. May lakad po yata siya.”

Dahil sa naging pahayag nila, tila lumalabo ang posibilidad na mauwi sa magandang pagtitinginan ang anumang pagkakaibigan meron sila.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

83 Comments

  • worryfreebabe

    06/04/2012 | 01:20 PM
    syempre may movie sila na iba partner kaya dapat dumistansiya muna sila sa isat isa .. kaya mahirap din talaga ang artista .. for Sarah .. okay lang yan .. darating yung talagang para iyo .. i like your show at talagang lagi ko itong pinapanood .. Sarah G Live evey Sunday nakikita ko yung big improvement mo as host .. keep it up ! ..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bagtit12

    06/04/2012 | 01:17 PM
    Isa ka na dun sa ala self confidence dami insecurities bakukang hahaha..nauna talaga bitter teh
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    06/04/2012 | 01:07 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About