Kasamang nagkumbinsi ang talent manager na si Annabelle Rama sa batikang aktor na si Phillip Salvador na sumama sa cast ng GMA-7 primetime series na Makapiling Kang Muli, na tinatampukan ng anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez.
Pinatotohanan ito ni Phillip nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 29, sa presscon ng Makapiling Kang Muli sa Studio 7 ng GMA Network.
Kuwento ng aktor, “When they told me that it was going to be with Richard… si Inday Annabelle agad ang tumawag sa akin, e.
“Tinawagan niya ako, sabi niya ‘Dong,’ sabi ko, ‘O, Inday!’
“‘May serye ka with Richard, maganda yung role. Maganda yung role, tanggapin mo na Dong, ha,’ sabi niya sa akin.
“’A, okay,' sabi ko, ‘Kausapin ninyo na si Malou.'"
Si Malou Choa-Fagar ang talent manager ni Phillip.
Ayon sa aktor, wala siyang exclusive contract ngayon sa GMA-7; sa Makapiling Kang Muli lang siya may kontrata.
“Pagka sa mga ganun, bahala na si Malou pagka may ganun, si Malou din ang… what she decides, amen!
“Alam ninyo naman si Malou, hindi naman pumapasok ng alanganin si Malou.”
DARK CHARACTER. Bilang isang mahusay na artista, paano niya inatake ang role niya sa Makapiling Kang Muli?
“Well it’s dark, dark person si… dark character si Amadeo.
“Tinuturuan niyang pumatay ang anak niya, tinuturuan niyang maging siya yung anak niya, e, weakling si Dominic [Roco].
“So si Richard ang nakikita kong may potensiyal, so iyon ang inano ko, minolde [molded] ko.
“E, ano rin ‘yan, para makuha ko rin yung Rancho Paradiso, I’m after Rancho Paradiso,” kuwento ni Phillip sa karakter niya.
WORKING WITH OTHER STARS. Sa Makapiling Kang Muli, bida sina Richard, Carla Abellana, at Sarah Lahbati.
Kasama rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez, TJ Trinidad, John Lapus, Robert Arevalo, Rio Locsin, Mark Gil, Janine Gutierrez, Paolo Paraiso, Dominic Roco, Rocky Gutierrez, at si Ms. Gloria Romero.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
30 twozerofive
29 liwayway
28 cinelamour
27 angie_po
26 pearl102
25 humandynamics
24 hototguy
23 Einstein_1
22 Maria1
21 chypre2013
20 lostris
19 amaya_rivera
18 Stantiel
17 pinay123
16 sweetum
15 prettyme4sure
14 pearl102
13 pearl102
12 greencardholder
11 merlion_25
more comments