news

Paul Jake Castillo on admitting his relationship with Melissa Ricks: "I don’t wanna hide it na we are together."

by Rey Pumaloy posted on June 5, 2012  STATS: 86029 Views | 12 Comments

Former PBB housemate Paul Jake Castillo on girlfriend Melissa Ricks: “I don’t know kung ano ang meron sa akin. Aside from being not as tall as she is… hindi ko alam. I’m happy na napasaya ko siya. Yes, people are saying na napasaya ko. Yes, I’m happy to make her happy.”

Photo By: Allan Sancon

Pumangalawa ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate at ang kaibigan niyang si Jan Señerpida sa kauna-unahang Jollibee Drive-Thru Cross-Country Challenge.

Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa awarding ceremony nito sa Sunset Pavillion ng Sofitel Hotel noong May 31.

Nasa venue rin ang girlfriend niyang si Melissa Rickks, na nagpaalam sandali sa kanyang taping ng Walang Hanggan para suportahan si Paul Jake.

Unang nakapanayam ng PEP si Melissa at dito ay inamin niyang opisyal na ang relasyon nila ni Paul Jake bilang magkasintahan.

(CLICK HERE to read Melissa’s interview.)

Dito na rin umikot ang interview ng PEP sa dating PBB housemate.

Sampung araw ang itinagal ng challenge na sinalihan ni Paul Jake at iba pang participants, kung saan inikot nila ang buong Luzon at Mindanao.

Mabilis sa pagsagot niya si Jake sa tanong namin kung na-miss ba niya si Melissa.

“Oo naman!” bulalas niya.

“Well, as we all know, we have the freedom to use the Twitter naman. So, yun.

“Pero the whole 10 days, wala kaming phone, kinuha nila. “

Sa awarding ceremony ay sumayaw siya kasama ng ibang participants para sa kanilang dance number.

Awkward man ang mga dance moves niya, halatang enjoy na enjoy si Paul Jake sa ginawa niya, lalo’t panay ang sulyap niya sa kinalulugaran ni Melissa kasunod ng pagbati, pagkaway, at pagngiti niya sa young actress.

Masaya ba siyang nandun sa venue si Melissa at sumusuporta sa kanya?

“Of course naman. Siyempre, yung taong importante sa iyo, ‘pag nakikita mo siya around, sasaya ka, di ba?” tugon niya.

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  alexis2222

    06/05/2012 | 10:28 PM
    yan na naman ang mga kapusong hindi kilala si paul jake eh nakuha ngang endorser ng bench si PJ... samantalang yung mga callboying starlets nila sa timog... nakabalandra sa kawalan... walang offers dahil alam ng mga advertisers na wala naman pambili ang audience ng GMA... mwahahaahahahha....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  tatoyadik

    06/05/2012 | 05:43 PM
    parang iisa type nila ni jake...si sam din niligawan ni jake pero nung sumikat itinigil...tapos sa pbb muntik na mging cla ni sam at ni paul..tapos si melissa naging sila ni jake...ngaun nmn cla na ni melisaa...hmmmmnnn...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  Speed_OfLight

    06/05/2012 | 05:09 PM
    hu das?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    06/05/2012 | 04:48 PM
    CORRECTION....kaso na unsyami kasi......
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    06/05/2012 | 04:48 PM
    da who..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    06/05/2012 | 04:47 PM
    tingin ko nagkahiyaan na lang sila ni Sam P...saka ayaw ni Sam na ma accused na cause of his break up with his ex gf....sayang, mukhang nabaliw din kasi siya kay Sam P kaso di na unsyami kasi mukhang pinairal ni Sam ang isip at ingat in her bid for stardom.....sana maging totoo na siya this time with Melissa R....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    06/05/2012 | 04:43 PM
    si denise you ex gf niya na non-showbiz before he joined pbb.....nag -appear pa nga itong babaeng ito sa pbb dati eh at mukhang galing din sa de buena familia tulad niya...kaso, medyo na dis illusioned yata nung makita niyang medyo sweet na si PJ kay Sam P after PBB....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    06/05/2012 | 04:40 PM
    pilyang maganda....denise da silva and denise padilla....hahahaha.......joke...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    06/05/2012 | 04:31 PM
    he broke up with his gf dahil ke sam pinto, na iniwan sya kasing bilis ng alas kuwatro, nung nagsimula ng sumikat.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    06/05/2012 | 04:30 PM
    flyndance you mean denise laurel?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • FlyNDance

    06/05/2012 | 04:27 PM
    he really seems like a nice guy, i liked him when he was in pbb. he's a good catch and he's really rich. it didn't worked out with denise, i thought with sam na, then here's melissa. parang out of his league si melissa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SuPeRdAnY

    06/05/2012 | 03:19 PM
    totoo na kaya ito?..alam nang marami dati na ang totoong gusto niya ay si Sam Pinto....kaya nga nakipag break siya sa GF niya dati eh dahil kay Sam P....kung hindi, another heartbreak for Melissa R. coming soon....wawa naman....sana mali.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About