"Growing stronger" daw ang relationship ni Jon Santos sa kanyang Italian-American husband na si Samuel West Stewart, isang waste recycling management expert na nagtatrabahong consultant sa isang malaking kumpanya dito sa Pilipinas.
Ikinasal sila noong August 24, 2005 sa Toronto, Canada kung saan legal ang same-sex marriage.
“Seven years na kami sa August and growing stronger. Totoo ba yung seven-year itch?” tanong ni Jon nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.
Ano ang feeling niya tungkol sa sinasabing seven-year itch sa mga mag-asawa?
“Wala. Siguro kasi nagkakilala kami, matanda na kami, 40 ako 'tapos 50 siya.
"Di ba, 'pag may na-meet ka na oldie na kayo, hindi na kayo masyadong naghuhulaan?
"Dalawa lang naman iyan, e—yung isa give nang give, yung isa take nang take.
"So, yun sa amin, give and take.”
Feeling niya ba natagpuan na niya ang perfect relationship?
“Oo, and as usual, si Tessie Tomas [best friend at idol niya] na naman ang may kinalaman, 'tulad ng lahat ng mga naging bahagi ng buhay ko.
"Na-meet ko siya sa bahay ni Tessie kasi common friend namin siya.”
Ano ang mga nagustuhan niya kay West?
Ayon kay Jon, “Maunawain at saka alam niya yung trabaho ko. Hindi siya naba-bother sa hanapbuhay ko.
"At saka walang isyu na naka-bestida ako sa hanapbuhay ko.
"I make sure naman na nakahiwalay din ang trabaho sa totoong buhay ko.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
11 hooney
10 pinay_rn
9 partyPPol
8 hototguy
7 marchioness
6 greencardholder
5 dustmyeat
4 under_rated
3 BERNARD2010
2 humandynamics
1 aaronick