news

Jolina Magdangal on replacing Roxanne Guinoo in My Daddy Dearest: “Kahit ilan pa ang napagpilian siguro... ang mahalaga doon, sino ang natuloy.”

by Rose Garcia posted on June 6, 2012  STATS: 18518 Views | 32 Comments

Jolina Magdangal says she doesn't mind being second choice for her mother role in My Daddy Dearest which was originally intended for Roxanne Ginoo. She says: “Kasi kapag ganoon, ang nega, di ba? Ang nega kung mag-iisip ka pa ng ganoon-ganyan."

Photo By: Noel Orsal

Si Jolina Magdangal ang pumalit sa role sana ni Roxanne Guinoo bilang asawa ni Ogie Alcasid sa bagong early primetime series ng GMA-7, ang My Daddy Dearest.

         

Sabi ni Jolina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong press conference ng show nila last June 4, napakabilis ng naging pangyayari.

“Yes! Wednesday ang call… taping, Friday.

         

“So, pinilit ko talagang mahingi ang script, yung character description para maano [mabasa] ko na.

“Kasi, kapag gumagawa talaga ako ng project, talagang pinaghahandaan ko. 

“Ito nga, nagulat ako. First time ko siyang magawa.

         

“Although, hindi naman ako ganoong nahirapan kasi kilala ko naman na si Ogie so... Party P, Pinoy Idol

“'Tapos, SOP pa. Kaya lang, first time namin na may acting," saad niya.

SECOND CHOICE. Nakapag-taping na si Roxanne para sa My Daddy Dearest at ito sana ang magsisilbing comeback vehicle niya at unang proyekto sa GMA-7.

Pero muling nabuntis si Roxanne at nagdesisyon siyang mag-backout na lang sa show para hindi makasagabal sa taping dahil sa kanyang maselang kalagayan.

At si Jolina nga ang napili ng Kapuso network na pumalit sa kanya.

Tinanong ng PEP Jolina kung wala bang kaso sa kanya na second choice siya sa role na ginagampanan niya.

         

“Wala… kasi bakit naman magkaka-kaso, kasi okay lang.

“Alam mo, in fairness, hindi ko na naisip yun kasi, e, okay lang. Okay lang talaga. 

“Kasi kapag ganoon, ang nega, di ba? Ang nega kung mag-iisip ka pa ng ganoon-ganyan. Ang mahalaga, ako ang natuloy.

         

“Kahit ilan pa ang napagpilian siguro o kahit na ano, ang mahalaga doon, sino ang natuloy, di ba?”

         

Ang totoo raw, noon pa ay may narinig na siyang dapat talaga ay kasama siya sa My Daddy Dearest pero ibang role. 

Hindi lang daw niya alam ano ang unang role na ini-offer yata sa kanya.

         

“Hindi ko lang din sure. Tanong na lang natin kay Mother, kay Perry [Lansigan, Jolina's manager]. 

“E, si Perry, hindi niya ako kinakausap hangga’t hindi talaga sure na sure. 

“So, narinig ko ulit. Akala ko nga, nagtuluy-tuloy na."

         

Kuwento pa niya, “Ang director nito ay director namin sa Personalan. Kaya nag-leave nga sa amin si Direk Don [Michael Perez].

“Babalik na lang siya kapag tapos na ang ginagawa niya. 'Tapos nagsu-shoot na pala sila. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

32 Comments

  • 32  happiness1974

    06/07/2012 | 03:20 PM
    beall I also heard na she's going to be one of the mentors of Protege.... but nothing is sure until she's already taping for the show. She deserves it if it's true. Artista search ang show and Jolina is one of the most versatile artists that we have.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  bujoywu

    06/07/2012 | 02:19 PM
    Were so happy for jolina. Basta out ang nega. Ang mahalaga addtional work for her, di nawawalan sapat na un. More power jolens....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  steelwings

    06/07/2012 | 01:06 PM
    Jolina Magdangal is one of the artists na masasabi mo talagang stable at never nawalan ng projects sa Kapuso network. Although she may not be the SUPERDUPER HOT artist ngayon dahil sa dami na rin na mga baguhang artista, she retains her career and has ongoing tv shows. NEVER syang nawalan. Isa pa, mayaman na rin si Jolens. At least hindi sya ginawang frozen delight. Ask why Jolina remains loyal to Kapuso? Kasi natroma sya sa kabila na mismong home network nya ang sumira sa career nya at ginawang tambay sa bahay dahil sa kawalan ng projects. GMA7 talaga is their saving glory dahil HEALTHY ang company sa dami ng projects na pwedeng ioffer sa mga artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  beall

    06/07/2012 | 12:49 PM
    SHE's so blessed! di man siya hot star ngayon, but she's definitely very stable in showbiz industry.... di man lang nawalan ng project kahit minsan man lang... is it true na she's one of the mentors in the upcoming edition of Protegee?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  exclusibo

    06/07/2012 | 07:35 AM
    I think this will do well. Wala naman kalaban sa ABS na katapat na palabas. I mean tingnan mo naman ang cast ng katapat na palabas. As in the DA WHO at artista pa at buhay pa pa pala ang career niya. Akala ko sa TV5 lang kailangan ng name tags, sa ABS bawat palabas kailangan ng name tags dahil hindi mo kilala kung sino sino ba ang nakikita mo sa kanilang mag serye. Hindi lang kailangan ng name tags kung hubadera silang lahat, lalo na iyong galing sa GMA7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  mj23

    06/07/2012 | 07:29 AM
    JUSKO HATERS IMBIS NA LAIITIN NYO SI JOLINA NA KABIKABILA ANG SHOWS MAGTRABAHO NALANG KAYO OR IPAGDASAL NIYO NA MAGKAROON NG SHOWS ANG MGA IDOL NIYONG FROZEN DELIGHT HAHAHAHHA ..ONE THING FOR SURE SI JOLINA KUMIKITA KAYONG MGA HATERS NAKANGANGA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  yuri_alex

    06/07/2012 | 03:53 AM
    Sikat pa rin si Jolina kasi marami pa rin siyang haters, hahaha. I think secure na naman siya sa showbiz, Like hindi siya mawawala kaya sorry nalang sa mga haters. At tsaka pwede pa maganda siyang role model. Isa siyang matino, desiplinado at desinteng artista. Keep it uP Jolens! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  UNPREDICTABLE_GUY

    06/07/2012 | 03:08 AM
    mas bagay naman talagang katambal ni ogie si jolina..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  gorgeous_aleck

    06/06/2012 | 11:26 PM
    rray - nag research ka ba? ang first best actress award ni jolens ay natanggap niya pag lipat niya sa GMA sa show na magpakailanman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  merlion_25

    06/06/2012 | 09:52 PM
    I'm happy for Jolina. Good things happened when she left the Snakepit network. Lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  rray

    06/06/2012 | 08:21 PM
    sayang talaga si jolens noong nagtransfer xa wala ng award at recognition na natanggap.. sayang talaga.. wrong move talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  kers

    06/06/2012 | 08:09 PM
    JOLINA-OGIE tandem is a new formula, so exciting!!! Congrats Ms. Jolens, positive thinker ka talaga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  beall

    06/06/2012 | 07:17 PM
    yes!hehehe may project na naman si jolina! u deserved it jolens...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  happiness1974

    06/06/2012 | 06:48 PM
    call it crab mentality.... but we're sorry for you haters, you can never put Jolina down, especially now that she's happy and contented with her personal life. Move on guys...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  sk8r_boi

    06/06/2012 | 06:25 PM
    andami paring CHAKA ang bitter kay jolens. move on na po. intindihin nyo na lang ang mga starlets ng dosloas na nagsisiksikan sa cheapipay nyong estasyon. walang mga trabaho and puro mga DA WHO.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  SimonLaplace2

    06/06/2012 | 05:54 PM
    Anong problema ng mga haters dito? Laos kung laos. Basta hanggang ngayon kumikita sya, regular ang shows at may bagong movie. May edad na si Jolens at hinde lahat ng oras eh puede syang mag Ari Ariba. 34 na si Jolens this year...pang Nanay na talaga edad nya. Sa mga nagsabing laos, tanong ko lang kayo ba ay singyaman ni Jolens? Nagka TV show ba kayo? At least sya na maintain nya ang wholesome image nya...hinde nag resort to drug use noong nag shift from tweetums to mature image. Be realistic naman sa comments ninyo. Ang buhay ng artista hinde pang 8 hrs per day. Per project po yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  kapusodbest

    06/06/2012 | 05:50 PM
    Hayaan mo Jolina no matter what marami pa ring nagmamahal sa iyo at nagtitiwala, and for sure mas mahaba pa ang itatagal ng show niyo compared sa makakatapat niyong palabas sa kabila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  thelastpepbender

    06/06/2012 | 05:25 PM
    kahit mostly ng shows sa GMA yung pinapanood ko, pero dahil si JOLINA ang BIDA, naku panigurado BAGSAK ang RATINGS ng show na to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  hototguy

    06/06/2012 | 05:12 PM
    MAPAPAIT ANG TABA NG TALANGKA hehehehe happy na kayo na tawagin TALANGKA hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  hototguy

    06/06/2012 | 05:11 PM
    halatado mong taga dos ang mga nega dito, mga napag iwanan ng panahon, MGA TALANGKA NA DI MAKAWALA SA BANGA NG ABS CBN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About