Kahit kontrabida madalas ang papel niya sa mga teleserye, sa tunay na buhay ay never daw na nanakit nang pisikal si Jean Garcia.
Sabi ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Palagi kong tinuturo, maski sa mga anak ko, na ang kamay, ginagamit pang-caress... pang-pat ng shoulder... pang-embrace... alam mo yun?
“Hindi pang-sampal, hindi pananakit.
“Kasi para malagay sa mind nila yun, maisip nila na hindi dapat nananakit ang isang tao talaga.
“Puwede ka sigurong magsalita ng masakit, kasi siyempre tao ka lang.
“Pero yung manunulak ka o mananakit nang pisikal, hindi mo dapat ginagamit ang kamay mo, di ba?” pahayag ni Jean.
DISCIPLINARIAN MOM. Malayo sa image niya na kontrabida sa television at pelikula na nananampal at nang-aapi…
“Alam mo, dumating na nga ako sa point na… kaya ang mga anak ko… hindi naman kasi sila iyakin, e—si Jennica, si Kotaro.
“Ang ano [command] ko sa kanila, ‘Stand in the corner, face the wall!’ Iyan ang ano ko sa kanila.
"Pero kung minsan yung parang kailangang i-disiplina hindi ko gagamitin ang kamay ko, e.
“Gagamit ka ng ruler or gagamit ka ng tsinelas, pero hindi ko pa rin natutuloy.
“Kaya sila, si Jennica hindi nananakit, hindi sila marunong manakit.
“Maski yung anak kong bunso… kaya lang minsan dahil all-boys school, e, minsan yung mga bangga-banggaan na ganyan.
“Naku minsan, nao-office [principal’s office] ako dahil nagkukulitan itong mga bata, bully-bully, nao-office kaming mga magulang!
“Yung anak ko talagang, ‘Honey, what did I tell you? Di ba, ever since I’m telling you, di ba?’




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 MIKYA
5 oskieness
4 Princess_Irish18
3 ashleymadison
2 milomilo123
1 wilfredonggago