news

Ara Mina says she has forgiven sister Cristine Reyes, but still demands public apology from her

by Gorgy Rula posted on June 6, 2012  STATS: 60044 Views | 61 Comments

Ara Mina (right) on filing cases against sister Cristine Reyes (left): “Pinag-isipan ko ng maraming beses bago ko ‘to gawin. Lahat naman ng tao nauubos ang pasensiya. Hindi naman lahat kukunsintihin. Kasi sa ginawa sa akin, naisip ko tuloy na all these years, pinaplastik lang pala niya ako. Na nagpi-pretend siya na mahal niya ako, yun pala, hindi. Kasi nilabas niya lahat dun, e, ang sama ng loob niya.”

Photo By: Noel Orsal

Magmula nang magsampa si Ara Mina ng mga kasong libel at grave coercion laban sa kapatid niyang si Cristine Reyes, hindi pa rin pala sila nagkita o nagkausap man lang.

Ayon kay Ara, nakakatanggap lang daw siya ng text messages mula sa kapatid, pero hindi naman niya ito sinasagot.

Dapat ay magkikita na sila sa preliminary hearing ng mga kasong isinampa niya sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Gibson Araula Jr. ng Quezon City Prosecutor’s Office kahapon, June 5, pero ang abugado lang ni Cristine ang sumipot.

Sabi ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-counter affidavit siya.

“Hindi siya sumipot sa schedule talaga namin, pumunta siya sa ibang araw. Nandito ako ngayon para sagutin yun.

“Hindi siya sisipot, sinabi na niya sa lawyer niya.”

HINDI MAGKATAGPO. Sa June 8 ay kasal ng kapatid nilang si Heidi. Doon sana sila magtatagpo ni Cristine, pero hindi naman makakadalo si Ara.

Aniya, “Talagang hindi kami pinagtatagpo ng Diyos kasi kasal ng sister ko sa June 8, and I’m leaving for Dubai, may show ako.

“Hindi ako maka-attend sa wedding ng sister ko kasi matagal na rin ‘tong naka-book.”

Ang huling text naman daw na natanggap niya mula kay Cristine ay noong birthday ni Ara last May 9.

Saad ni Ara, “Alam naman niya na ano, e… ‘For sure matatanong naman ang ate ko kung binati ko siya sa birthday niya. Kaya ayun, ‘te, happy birthday.’ Yun lang.

“Sa text naman niya, wala naman akong nakikitang sorry. Yung basta matapos lang ‘to.”

HINDI IUURONG ANG KASO. Bagamat nilinaw ni Ara na matagal na niyang pinatawad si Cristine, pursigido pa rin siyang ituloy ang kaso—hindi lang daw para sa kanyang sarili kundi sa kanilang ina na sobrang nasaktan sa nangyari.

“Sabi ko nga, kahit hindi pa siya humihingi ng sorry, pinapatawad ko na siya.

“Pero dapat maramdaman ko na totoo talaga, hindi lang yung for the sake of media o for the sake of ano.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

61 Comments

  • 21  hooney

    06/06/2012 | 05:46 PM
    magbayad ka ng utang mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  krenda

    06/06/2012 | 05:34 PM
    you need to say sorry Cr.. kasi nasaktan mo pamilya.. laki na talaga ng ulo mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  malaya2007

    06/06/2012 | 05:34 PM
    tinext pa kasi nya sa ibang tao eh kung sinabi nya sa harapan ni ara e di walang libelo, malamang rambol lang, away pamilya lang talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  cy2

    06/06/2012 | 04:58 PM
    sweetum basahin mu nlg ang comment ni no.16 pra alam mo at matuto ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  cy2

    06/06/2012 | 04:57 PM
    sweetum kailangan yun dahil sa sikat nga cla dba? ta nga ka talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  humandynamics

    06/06/2012 | 04:54 PM
    Pagkatapos sabihan ni CR ng nakahiga lang at nakanganga at naghihintay ng mga lalaking gagalaw sa kanya, at poor dirty animal mahirap kapa sa daga, at kung ano anong kabastusan ang pinamamalita sa ibang tao, dapat bang isang text lang ni CR makikipagbati na si ARA?! kung dapat mong patawarin agad dahil magkapatid kayo bakit si CR hindi niya naisip na kapatid niya ang minamaliit niya? kung ako si ARA hindi rin agad ako makikipagbati dahil minsan sa isang buhay ng tao dapat may paninindigan at prinsipyo. NO ONE HAS THE RIGHT TO ABUSE ANYONE. ang ginawa ni CR ay verbal abuse she should suffer the consequences of her actions.. Tama lang ang ginawa ni ARA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  whatever536

    06/06/2012 | 02:47 PM
    talaga nkkgigil ang mga may utang n d ngbabayad. tas sila pa ang may ganang magalit at mg sumbong kung kani kanino pag inaaway n sila xe hindi ngbabayad.hmmp. i go for cristine on this one.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  neophyte

    06/06/2012 | 02:44 PM
    Halos gabi-gabi umiiyak ang Mommy ko. Hindi kaya kagagawaan mo ARA kaya umiiyak ang Mommy mo? Eh gusto mo ang KORTE ang umayos ng away ninyong magkapatid. Public apology pa ang hinihingi mo! EWAN, mahirap talaga MAGPAPANSIN lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  whatever536

    06/06/2012 | 02:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  sweetum

    06/06/2012 | 02:11 PM
    cy 2 it doesnt mean na artista na ang tao pag nagaway ang magkapatid public apology kagad, magiging magulo ang mundo ng showbiz kung ganitong klaseng patakaran, baka ikaw ang ta nga di mo alam ang meaning ng public at bakit kailangan ang public apology lol! Broaden your vocabulary iha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  skittlesrainbow

    06/06/2012 | 02:02 PM
    eh kung totoo bakit mag so-sorry!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  malimali

    06/06/2012 | 01:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cy2

    06/06/2012 | 01:43 PM
    anu ang prolema ng taong nasa ibaba? hndi nya ba alam na natural lg ma involve ang karamihan dahil sa artista ang mga taong e2. ai ta nga.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sweetum

    06/06/2012 | 01:27 PM
    Ara Mina what you have with your sister is a private matter, why do you have to involve the public for that? Do you think you would ask that apology from your sister kung di sya medyo sikat ngayon? Kung totoong ate talaga ikaw at kapatid ang turing mo sa kanya, you wouldnt ask this from her, you can settle this behind close doors, coz the public has nothing to do with it. It was not scandalous until you cried foul but It happens to siblings. Forgive and forget. Wag nyo nang hayaang pagfiestahan pa ng publiko ang mga baho nyo pareho.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aiveec

    06/06/2012 | 01:18 PM
    Hindi yata alam ni Ara at ng mga lawyers niya ang ibig sabihin ng libel. Kung sa text message ipinadala ni Christine ang mga messages niya, paano naging libel iyon? Pag-aralan na lang muna nila kung ano ang ibig sabihin ng libel.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/06/2012 | 01:05 PM
    wala na kasing career kaya nagiingay....tapos sabihin mag quit sa shobiz after matapos ang kaso...kahit naman hindi ka mag quit ara, you are done already.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rhianlibog

    06/06/2012 | 01:00 PM
    umasa ka pa sa kapatid mo parang ok lang sa kanya ang lahat lahat,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    06/06/2012 | 11:48 AM
    kung ganyang klaseng kapatid na si CR na yan mas gugustuhin ko pa na hindi nalang makita siya dahil magugulo lang ang buhay ko.....dumestansya nalang para iwas gulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • halabira

    06/06/2012 | 11:33 AM
    go go go ara,turuan ng leksyon ang kubeta.wag ka mag quit sa showbiz,marami ka pang matutulungan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joosy

    06/06/2012 | 11:22 AM
    hoy CR magbago ka na! Naapektuhan tuloy pati ang pagmumukha mo sa sama ng ugali mo! Look at you mukha ka ng witch dahil sa kagaspangan ng ugali mo sa pamilya mo. Remember pamilya mo sila, yung mga kaibigan mo mawawala yan lalo't palaos ka na. Wala na kase silang mahihita sayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About