news

Ehra Madrigal on possibility of marriage proposal from longtime boyfriend DJ Myke Salomon: “Siguro mga ‘pag 30 or 30-plus na ako."

by Rommel Gonzales posted on June 7, 2012  STATS: 17348 Views | 4 Comments

Ehra Madrigal's career is being handled by Ms. Annabelle Rama who plans to run for representative of Cebu. How far does Ehra willing to support her manager's candidacy? Ehra says: “Siyempre susuportahan ko siya katulad ng pagsuporta na ginagawa niya sa career ko."

Photo By: Noel Orsal

Inilarawan ni Ehra Madrigal sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang role niya sa bagong early primetime series ng GMA-7 na My Daddy Dearest.

“Hindi naman hardcore na kontrabida, pero yung motive ko kay Kuya Ogie [Alcasid], may pagkasalbahe.

“Dito nilalandi ko si Kuya Ogie, pero ang gusto ko lang, kunin ang pera niya, huthutan siya.

“Hindi ko siya talaga gusto… ganun.”

Nakausap ng PEP si Ehra sa presscon ng show noong Lunes, June 4, sa Studio 7 ng GMA Network.

FLIRTING WITH OGIE. Paano landiin ang isang Ogie Alcasid? Hindi ba siya nailang sa asawa nitong si Regine Velasquez?

“First time kong makatrabaho si Kuya [Ogie] in a show, pero sa Bubble Gang, sa mga spoofs lang, dun ko lang siya nakakasama.

“Nung una, iniisip ko kasi na parang… 'buti na lang nakatrabaho ko na rin si Ate Regine sa I ♥ You Pare.

“So minsan, sa mga party, nakakasama ko sila, so hindi na ako yung talagang kinakabahan, medyo at ease na ako.

“And si Kuya Ogie, komedyante, so parang mas madali na gawin yung role compared dun sa hardcore na talagang leading man.

“So, okay naman and ang bait ni Kuya Ogie.

“Nakakatawa siya and it’s just a role and okay naman. Kung ano yung sinasabi ng direktor, iyon ang ginagawa ko.

“Okay lang, fun naman siya, hindi siya yung parang kakabahan ka talaga.

“’Pag once kasi na pinasok ko sa utak ko na, ‘Hala, si Kuya Ogie 'yan!’ baka mas kabahan ako, hindi ko magawa lalo nang maayos.

“So, inisip ko na lang na work lang ito, yung character ni Kuya Ogie. Yung ganun, so light siya,” saad ni Ehra.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

4 Comments

  • rhiamags

    06/07/2012 | 09:08 PM
    nagsuot pa ng see-through na damit...pa-shy ng slight effect. haha! spell starlet
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Hanana_tnt

    06/07/2012 | 07:45 PM
    pareho cla ng images magkaptid prang mga paka lng.. kakasawaan dn yan natikim pa iba dish eh laging luwa ang dibdib
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eminem

    06/07/2012 | 03:02 PM
    mag asawa ka na nga lang, hindi ka naman sumikat sikat kagaya ka rin ni sawsaw queen na si bubbles paraiso na mga walang asenso sa showbiz, huwag na kasing ipilit
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/07/2012 | 11:56 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About