Bea Binene graduates from her first leading/title role in Alice Bungisngis and Her Wonder Walis and will move on to the new teleserye Luna Blanca. What is clear, so far, is that she will be "separated" from her loveteam Jake Vargas, who has no assignment just yet.

Photo: Noel Orsal

Nagulat ang 14-year-old actress na si Bea Binene sa isang write-up na nagli-link sa kanya sa lawyer na si Attorney Ferdie Topacio, na napakalayo ng agwat ng edad sa kanya.

         

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Bea sa thanksgiving/farewell presscon ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis noong June 6, ito kaagad ang inusisa sa kanya.

         

“Hay naku, nabaliw po ako! Pagkabasa ko, ‘Ha? Talaga?’" tila hindi makapaniwalang sabi ng young actress.

         

“Nakita ko kahapon, nagulat ako kasi sobrang imposible. 

“Na kahit ang awkward-awkward, ang weird niyang tingnan…

“Nagagawan pa rin nila ng anggulo na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari.”

         

TRUTH OF THE MATTER. Ang totoo raw, tutulong lang si Atty. Topacio sa kanya sa ilang legalities sa plano niyang foundation.

         

Pero naapektuhan ba siya nang mabasa yung isyu sa kanya?

         

“Si Mama po,” sabi ni Bea. 

         

“Si Mama kasi, sensitive siya. Matapang siya, pero madali siyang lumuha. 

“'Tapos yun, nagulat siya. Sobra siyang nagulat. Kasi, di ba?

“It’s a professional thing, pero nagagawan ng malisya na hindi naman.

         

“Kapag ba tayo, nag-meet tayo, like sa mall, may kahulugan na agad, di ba po? 

“Yun lang po yun. At saka, fourteen pa lang ako, parang hindi naman po tama, di ba?”

WISE SPENDING. Ang maganda kay Bea, sa edad niya na katorse ay may mga naipundar na siya galing sa pinagtrabahuhan niya.

Nauna na rito ang sasakyang ginagamit niya.

Ngayon, lilipat na siya sa bago niyang P4.6 million condo sa Greenhills Heights na three years na niyang nababayaran.

           

May bahay silang talaga, pero bakit niya naisipang mag-condo?

         

“Yung condo po kasi, number one, parang mas malapit sa city. Mas malapit sa GMA. 

“'Tapos yung security. At least doon, may security ka na at very private. Residential siyang talaga. 

“Yung bahay naman po namin sa Caloocan, doon pa rin naman po kami at saka yung business.”

         

NO ASSURANCE. Ngayong araw, June 8, ang final episode ng Alice Bungisngis And Her Wonder Walis, pero wala pang balitang follow-up project para sa loveteam nina Bea at Jake Vargas.

Ang next soap opera ni Bea ay ang Luna Blanca, kunsaan papasok sila ni Barbie Forteza sa second generation nito.  

         

So, paano sila naghiwalay ni Jake?

         

“Paano nga ba? Last taping… well, kasi po, magkikita pa rin naman po kami every Party P [Pilipinas]. 

“Wala pa naman pong sinasabi sa amin na parang JoshBie [Joshua Dionisio at Barbie] na wala na talaga. 

“Kami po, wala pang paglilinaw, 'A, tapos na...' na ito na ang last project namin, na tapos na ang JaBea.

"Wala pa pong sinasabi na ganoon.”

         

Pero kung si Bea lang daw ang masusunod, gusto raw niyang si Jake pa rin ang makapareha niya.

         

“Si Jake po kasi, sobrang bait, very gentleman, at hindi siya mayabang. At saka, at ease na po kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakailangan