"Pero I’m excited to do one indie film kahit na mag co-produce ako siguro sa Star Cinema."
TRIP TO HAWAII. Masaya ring ikinuwento ni Ate sa PEP ang balak nilang mag-anak na magbakasyon sa Hawaii.
"Para iba naman. Napansin n'yo naman, mula pa nung birthday ko puro kami Asian countries.
"So, sa Hawaii naman, para maiba naman."
"Honeymoon" ba nila ito ni Senator Ralph Recto?
"Naku, pagbigyan n'yo na kami, kasi 'pag out-of-the-country lang naman kami nakakapag-honeymoon!" natatawang pahayag ni Ate Vi.
Pagkakataon na ito ni Ate Vi na makapagsuot uli ng two-piece swimsuit.
"Ayaw ko, baka may paparazzi!" at natawa ulit ang Star for All Seasons.
This weekend daw sila lilipad patungong Hawaii.
NATIONAL ARTIST? Lumalabas ang pangalan ni Ate Vi sa hanay ng mga artisang sinasabing karapat-dapat maitanghal na National Artist dahil sa mga naging kontribusyon niya sa industriya.
Pero aniya, "No, hindi na ako nakikipagkumpitensiya sa National Artist na ‘yan.
"Basta 'pag sa iyo, sa iyo! 'Pag ukol, bubukol!
"Kaya hindi na tayo dapat makipag-contest kung kani-kanino.
"I think mas marami pang dapat mauna sa akin—si Dolphy, si Rosa Rosal... a lot of them.
"Institution na sila noong araw pa, '50s pa lang nandidiyan na sila.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
48 Queenofkings
47 umaga
46 hototguy
45 mamamomchang
44 mamamomchang
43 sandrab
42 thelastpepbender
41 hototguy
40 hototguy
39 femca
38 hototguy
37 hototguy
36 hototguy
35 hototguy
34 hototguy
33 hototguy
32 hototguy
31 avidreader53
30 gma_pinay
29 syetedos
more comments