news

Derek Ramsay on John Lloyd-Angelica kissing video: “Well, maybe there is—yung pelikula nila. Baka kinunan ang eksena na naghahalikan sila, baka yun ‘yon."

by Arniel C. Serato posted on June 9, 2012  STATS: 55265 Views | 27 Comments

Reacting to rumors that John Lloyd Cruz is allegedly a frequent visitor at the condo of Angelica Panganiban, Derek Ramsay (in photo) says: “Alam n’yo guys kung totoo ‘yan, ang daming picture n’yan, si John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz. He is the most popular actor in the country. If he walks around Eastwood, there’d be a lot of people showing pictures of John Lloyd, so I don’t think that is true.”

Photo By: Arniel Serato

Martes ng mga alas singko ng umaga, June 5, lumapag ang PAL PR105 galing San Francisco, California sa NAIA 2 Centennial Terminal sa Pasay City, lulan ang buong tropa ng TV5 artists na galing sa successful Kapatid TV5 International launch sa America.

At isa nga sa mga dumating ay si Derek Ramsay na mainit na inaabangan ng media sa labas ng passenger lounge ng airport.

Pagod man mula sa mahabang biyahe ay masaya pa ring nakipagkuwentuhan si Derek sa media.

Kanina, sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 ay inilabas ang kabuuang interview kay Derek kung saan isa-isa niyang nilinaw ang mga intriga tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.

KISSING VIDEO? Una na nga rito ay ang tungkol sa diumano’y "kissing video" nina John Lloyd Cruz at Angelica. Pero ayon kay Derek, hindi siya naniniwalang may ganitong video sina Lloydie at Angel.

Aniya, “Well, maybe there is—yung pelikula nila. Baka kinunan ang eksena na naghahalikan sila, baka yun ‘yon. Pero I haven’t seen any videos. Ang alam ko lang, they became good friends in Vietnam.”

SPOTTED AT ANGEL'S CONDO. Sunod na nilinaw ni Derek ang lumabas din na isyu na diumano ay may mga nakakakita daw kay John Lloyd na nagbabad sa condo ni Angelica.

Pagsalungat ni Derek sa isyu, “Alam n’yo guys kung totoo ‘yan, ang daming picture n’yan, si John Lloyd Cruz is John Lloyd Cruz. He is the most popular actor in the country.

"If he walks around Eastwood, there’d be a lot of people showing pictures of John Lloyd, so I don’t think that is true. I’ll clarify, I know it’s not true.”

Pangatlong nilinaw ni Derek sa Paparazzi ay ang pagkakasangkot daw ni Angel sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo.

Depensang patanong ni Derek, “They broke up because of Angelica? John Prats and Angelica are best friends, so that’s it.

“Magkababata yung dalawa na ‘yan. Magkakilala na ‘yan, so nakakatawa naman kung sabihin na naghiwalay si John at si Bianca dahil may 'something' sila ni Angel. That’s not true!”

MOVING ON. Nilinaw din ng Paparazzi ang tungkol sa pagli-live in daw nila noon ni Angel.

Pero, ipinagdiinan ni Derek na "private matter" sa kanila ni Angel kung anuman ang namagitan sa kanila noon sa loob ng anim na taon nilang relasyon.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • Pedrohh

    06/09/2012 | 05:10 PM
    si derek itong issue na lng pinatolan na para mapag usapan kalorkey manahimik kana lang LAOS kana.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • familytree

    06/09/2012 | 05:06 PM
    Aminadong si John Lloyd ang pinakasikat na aktor sa bansa. Buti alam mo Derek.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SimonLaplace2

    06/09/2012 | 04:58 PM
    Halata sa tono nya na he's fallen out of love sa babae. Typical Guy. Ladies, hwag mag astang wife hanggat di kayo kasal. Talo ang babae dahil emosyon ang ininvest. Mga lalake semilya lng. Pag ang babae tumanda ng buka-ng-buka ng legs sa iba't ibang lalaki, karga karga nya emotional baggages na yan. Hanggat maari magtira ng konti sa sarili. Hwag magpabola sa mga mabulaklak na salita ng mga lalaki! Hinde na sikreto yun habol nyan eh katawan mo lng...pag sawa na at di kayo kasal...isa ka lng sa collections nya...arayyyyyy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    06/09/2012 | 04:52 PM
    wow napazu7 utak talaga ha. ang daming article dyan sa tabi tabi kaya nga me google eh madaling maghanap.. kahit hindi magsalita si derek marami pa ring pedeng basahin. Gusto mo lang atang mag-away eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • napazu7

    06/09/2012 | 04:44 PM
    1 hellohappy, masama ang magbintang, o baka tlgang masama k lang. 2 malaya2007, kung di sasagot si Derek, wala kang mababasa. Utak naman jan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • malaya2007

    06/09/2012 | 04:39 PM
    ang daldal mo . Bakit nung GF mo pa sya ni hindi ka nagsasalita pag me issue kayo, tapos ngayong hiwalay na kayo panay naman ang comment mo on everything. E hiwalay na kayo pano mo malalaman yung totoo. Ochoserang palaka ka rin eh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hello2happy

    06/09/2012 | 04:15 PM
    Siguro di na talaga love ni Derek si Angelica.. kaya kailangan nyang gumawa ng mga moves na magpapahiwalay sa kanila.. Then he will not say something bad kasi magiging ungentleman naman sya if he does that.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About