news

Iwa Moto speaks up on marriage breakup of Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

by Glen P. Sibonga posted on June 10, 2012  STATS: 348777 Views | 184 Comments

In a live interview on Paparazzi Showbiz Exposed on June 9, Iwa Moto (in photo) explains why, after two years, she has decided to speak up on the Jodi Sta. Maria-Pampi Lacson breakup: “Ang sakit po ng sinasabihan ako ng kabit, home wrecker, ang sakit po. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun at alam din ni Jodi  kung ano ang totoo dahil siya naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng ito.”

Photo By: File

Lumabas na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkumpirma ng Kapatid actress na si Iwa Moto tungkol sa relasyon nila ngayon ni Pampi Lacson, ang dating asawa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

(CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang nauna nang nasangkot noon sa eskandalo sina Iwa at Jodi nang maugnay ang huli sa ex-boyfriend ng una na si Mickey Ablan.

Upang mabigyang-linaw ang lahat ng isyung kinasasangkutan niya, live na nagpa-interview si Iwa kay Cristy Fermin sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed kaninang tanghali, June 9.

Kaagad ngang kinumusta ni Cristy ang puso ni Iwa ngayon.

“Masaya, masayang-masaya po,” sabi ni Iwa.

"Sino ang nagpapaligaya kay Iwa ngayon?" tanong pa ni Cristy.

“Si Pampi po.”

Dahil sa napabalita ngang relasyon nila ni Pampi, may ipinanganak na mga isyu gaya na lang ng hindi umano kumportable ang dating misis ni Pampi na si Jodi sa kanilang relasyon ngayon.

Sunod na tanong ni Cristy: "Sino ba talaga ang may 'utang' kanino – siya ba o si Jodi?"

“Sa pagkakaalam ko, siya [Jodi] talaga ang may utang sa akin,” sabi ni Iwa.

MICKEY-JODI RELATIONSHIP? Pagkatapos ng pahayag na ito ni Iwa, binalikan tuloy nila ang nakaraan. Dalawang taon na ang nakararaan, may sinabi si Iwa sa isang interview na pahimakas kung sino ang babaeng pumasok sa relasyon nila ni Mickey Ablan noon. Pero bigla niya itong binawi. Bakit niya ito binawi?

“Kasi po, una sa lahat noong mga panahon iyon inaayos pa namin ni Mickey… sinubukan naming ayusin at saka inisip ko rin po yung mga taong magiging apektado lalung-lalo na yung mga bata [anak ni Mickey sa pagkabinata at anak nina Jodi at Pampi].”

Kung sa mga nakaraang interview niya ay nagno-no comment lang si Iwa tungkol sa naging kaugnayan nina Mickey at Jodi noon, sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang ibinulgar ang lahat.

“Opo, si Jodi po yung naging babae ni Mickey noong nagkaroon sila ng affair before.”

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

184 Comments

  • milomilo123

    06/10/2012 | 10:07 AM
    nako hiwa hihiwain na kita. lahat ng sinasabi mo hiwa hiwa.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • bruhakhak1974

    06/10/2012 | 10:05 AM
    Sino ang lalaki ni Jodi? Nakaka shock naman to!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About