news

Iwa Moto speaks up on marriage breakup of Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

by Glen P. Sibonga posted on June 10, 2012  STATS: 346886 Views | 184 Comments

In a live interview on Paparazzi Showbiz Exposed on June 9, Iwa Moto (in photo) explains why, after two years, she has decided to speak up on the Jodi Sta. Maria-Pampi Lacson breakup: “Ang sakit po ng sinasabihan ako ng kabit, home wrecker, ang sakit po. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun at alam din ni Jodi  kung ano ang totoo dahil siya naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng ito.”

Photo By: File

Lumabas na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkumpirma ng Kapatid actress na si Iwa Moto tungkol sa relasyon nila ngayon ni Pampi Lacson, ang dating asawa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

(CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang nauna nang nasangkot noon sa eskandalo sina Iwa at Jodi nang maugnay ang huli sa ex-boyfriend ng una na si Mickey Ablan.

Upang mabigyang-linaw ang lahat ng isyung kinasasangkutan niya, live na nagpa-interview si Iwa kay Cristy Fermin sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed kaninang tanghali, June 9.

Kaagad ngang kinumusta ni Cristy ang puso ni Iwa ngayon.

“Masaya, masayang-masaya po,” sabi ni Iwa.

"Sino ang nagpapaligaya kay Iwa ngayon?" tanong pa ni Cristy.

“Si Pampi po.”

Dahil sa napabalita ngang relasyon nila ni Pampi, may ipinanganak na mga isyu gaya na lang ng hindi umano kumportable ang dating misis ni Pampi na si Jodi sa kanilang relasyon ngayon.

Sunod na tanong ni Cristy: "Sino ba talaga ang may 'utang' kanino – siya ba o si Jodi?"

“Sa pagkakaalam ko, siya [Jodi] talaga ang may utang sa akin,” sabi ni Iwa.

MICKEY-JODI RELATIONSHIP? Pagkatapos ng pahayag na ito ni Iwa, binalikan tuloy nila ang nakaraan. Dalawang taon na ang nakararaan, may sinabi si Iwa sa isang interview na pahimakas kung sino ang babaeng pumasok sa relasyon nila ni Mickey Ablan noon. Pero bigla niya itong binawi. Bakit niya ito binawi?

“Kasi po, una sa lahat noong mga panahon iyon inaayos pa namin ni Mickey… sinubukan naming ayusin at saka inisip ko rin po yung mga taong magiging apektado lalung-lalo na yung mga bata [anak ni Mickey sa pagkabinata at anak nina Jodi at Pampi].”

Kung sa mga nakaraang interview niya ay nagno-no comment lang si Iwa tungkol sa naging kaugnayan nina Mickey at Jodi noon, sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang ibinulgar ang lahat.

“Opo, si Jodi po yung naging babae ni Mickey noong nagkaroon sila ng affair before.”

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

184 Comments

  • 64  winged_angel

    06/10/2012 | 05:44 PM
    Cheap kaaa! Cheaaapppp!!!! Kahit ano pa ang sabihin mo, ikaw ang kabeeeettt!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  kayee

    06/10/2012 | 05:18 PM
    imbis na gusto mong makakuha ng sympathy in public puros inis at galit na ngayun nakuha mo. Jodi has class kahit na forever kang magdadakdak hidi mo sya mapapantayan. CHEAP MO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  kayee

    06/10/2012 | 05:16 PM
    wala ka sa kalingkingan ni Jodi iha, at hindi ikaw ang babaeng magugustuhan ng mga Lacson. KUng love mo ang bata dapat tumahimik ka nlng kc paglaki ng bata , yung nanay pa rin ang mamahalin nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  rhianlibog

    06/10/2012 | 04:59 PM
    pwede si iwa edemanda ni jodi kc siya ang nagsasalita para sa hiwalayan ni pampi at jodi kahit sabihin pa na totoo ang sinasabii nya,gudluck nalang iwa baka malaking tao ang bf ni jodi,dko alam kong sino ang hula ko si jolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  xxxjmb2

    06/10/2012 | 04:47 PM
    Masyado kang matabil.... akala mo kung sino kang maganda..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  xxxjmb2

    06/10/2012 | 04:46 PM
    Watever iwa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  kiwipinay

    06/10/2012 | 04:20 PM
    grabe! kawawa naman si Jodi! Jodi be strong! Lacson yang kalaban mo... Alam naman ng lahat kung ano ang mga Lacson... Siguro mananahimik nalang si Jodie sa part na ito para sa anak nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  malaya2007

    06/10/2012 | 04:13 PM
    dapat magfile si jodi ng restraining order against iwa for her son. Shes using the child to get personal info at pinagsasabi nya sa public. Bakit hindi na lang yung nga issues nya ang ipagsabi nya like yung gumawa sya ng scene sa GMA parking or yung awayan nila because nakabuntis yung ex nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  sweetum

    06/10/2012 | 04:10 PM
    Ganun kumalaban ang mga LACSON patalikod, grabe ang ginawang strategy ni Pampi, talagang ibabaon si Jodi at ginawa pang gf si IWA na parang panakip butas lang, to think mga Lacson yan di papasa si IWa sa taste nila, not a marrying type. This is only a strategy to clean Pampis name or mga lacson, and destroy Jodi's reputation. tssk nagpagamit naman tong si ga ga !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  angelnyt

    06/10/2012 | 04:09 PM
    Iwa, kung magpalit ng bf para lang nagpapalit ng under wear. Biro mo? kakasplit lang nila ni Leandro, meron na agad kapalit!? Ano ba, teh? Hindi ka ba mabubuhay ng walang lalake? And bakit feeling mo eh stepmother material ka na agad? Pinapatawag mo pa sarili mo na mommy sa anak nila? Respeto naman sa nanay nung bata. May nanay na yun eh and hindi ikaw, teh sorry! Wish mo lang! Kita ko mga pics mo sa twitter, lagay lagay ka pa..."watching my two boys..." Talaga lang, teh? "MY two boys!?" Hindi naman galing sa yo si Thirdy kung makapagreact ka eh feeling mo ikaw ang nanay! Mukha kang master manipulator. Manipulate mo yung bata para makuha mo feelings nya na magustuhan ka! Get a life woman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  BeckyLeeKelly

    06/10/2012 | 03:50 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  monjuaquin

    06/10/2012 | 03:22 PM
    pok pok na pok pok ang peg ni iwa wah... ok na yan ksa d mapagusapan... ganyan nman tlga mga artista na iba weh.. gagamitin ang kapamilya artists para pagusapan... sana dedma na lang c jodi para mas magmukhang kawawa c iwa.. ganun din si pampi,, d ba nia inisip na bitter parin c iwa sa relasyong jodi at mickey... malamang ginagamit lang ni iwa c pampi.. c pampi naman ok lang kc napaprausan na nia c iwa... bwahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  skittlesrainbow

    06/10/2012 | 02:38 PM
    BWA HA HA HA SO DESPERADA sa attention at lalaki...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  mrsbirkdale

    06/10/2012 | 02:33 PM
    Feeling mo naman papakasalan ka ni Pampi! Day, tutal, nagpapagamit ka, full time career mo na lang yan. Hangang dyan ka na lang, all time user and be used!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  skittlesrainbow

    06/10/2012 | 02:33 PM
    ayayay...boba yata ang babaing ito ayan nag BACKFIRE tuloy sa'yo ang paawa effect mo! tapang mo kasing maghamon na may pruweba ka eh, imbes na SYMPATHY ang makuha mo daming ASAR sa'yo!!! who cares kung nanglalaki si Jodi nuon? everyone is entitled to be happy and free! yung style mo na GOOD STEPMOTHER eh OVERKILL ang labas at hindi pa AAAAWWW effect! SO PLASTIC!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  pepay

    06/10/2012 | 02:30 PM
    Let her enjoy her 30 minute fame!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  danjiemar

    06/10/2012 | 02:20 PM
    Sino bang ang nakmukhang baliw non at praning sa lalake,,,diba ikaw iwa,,,nakalimutan mo ang mga eskandalong ginawa mo noon sa dati mong station.......haay naku.....kung gusto mong pagusapan sana yung sa talent mo at wag kang manggamit ng sikat tulad ni JODI,,,wala ako ni isang salita na naramdaman na sinabi mong totoo.........di mo ba alam na ka demademanda yang mga sinabi,,,isang uri ng blackmail ang ginawa mong yan...di ka kase di ka nagiisip......sinong maniniwala sayo na mahal mo nga si pampi...baka ginagamit para gumanti kay Jodi na basta mo na pinagselosan.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  shidax

    06/10/2012 | 01:53 PM
    ang sabihin mo IWA insecure ka kay JODI wala ka kasi sa kalingkingan .saksakan kasi ng ka OB=OBhan.shut up isaksak mo nalang si pampi sa hita mo para hindi na makawala sa iyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  cozywednesday

    06/10/2012 | 01:52 PM
    Aginaya is Kris Bernal na lahat ng lalaki sinasamahan basta may gift. Hoy usap usapan ka ng mga lalaki kahit sa ABS easy to get girl. The saying is true, small but terrible lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  dreamcacao

    06/10/2012 | 01:44 PM
    Walang wisyo batang to. Immature pa ang reasoning. She needs parental guidance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About