news

Iwa Moto speaks up on marriage breakup of Jodi Sta. Maria and Pampi Lacson

by Glen P. Sibonga posted on June 10, 2012  STATS: 346893 Views | 184 Comments

In a live interview on Paparazzi Showbiz Exposed on June 9, Iwa Moto (in photo) explains why, after two years, she has decided to speak up on the Jodi Sta. Maria-Pampi Lacson breakup: “Ang sakit po ng sinasabihan ako ng kabit, home wrecker, ang sakit po. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo yun at alam din ni Jodi  kung ano ang totoo dahil siya naman talaga ang nag-umpisa ng lahat ng ito.”

Photo By: File

Lumabas na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkumpirma ng Kapatid actress na si Iwa Moto tungkol sa relasyon nila ngayon ni Pampi Lacson, ang dating asawa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

(CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang nauna nang nasangkot noon sa eskandalo sina Iwa at Jodi nang maugnay ang huli sa ex-boyfriend ng una na si Mickey Ablan.

Upang mabigyang-linaw ang lahat ng isyung kinasasangkutan niya, live na nagpa-interview si Iwa kay Cristy Fermin sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed kaninang tanghali, June 9.

Kaagad ngang kinumusta ni Cristy ang puso ni Iwa ngayon.

“Masaya, masayang-masaya po,” sabi ni Iwa.

"Sino ang nagpapaligaya kay Iwa ngayon?" tanong pa ni Cristy.

“Si Pampi po.”

Dahil sa napabalita ngang relasyon nila ni Pampi, may ipinanganak na mga isyu gaya na lang ng hindi umano kumportable ang dating misis ni Pampi na si Jodi sa kanilang relasyon ngayon.

Sunod na tanong ni Cristy: "Sino ba talaga ang may 'utang' kanino – siya ba o si Jodi?"

“Sa pagkakaalam ko, siya [Jodi] talaga ang may utang sa akin,” sabi ni Iwa.

MICKEY-JODI RELATIONSHIP? Pagkatapos ng pahayag na ito ni Iwa, binalikan tuloy nila ang nakaraan. Dalawang taon na ang nakararaan, may sinabi si Iwa sa isang interview na pahimakas kung sino ang babaeng pumasok sa relasyon nila ni Mickey Ablan noon. Pero bigla niya itong binawi. Bakit niya ito binawi?

“Kasi po, una sa lahat noong mga panahon iyon inaayos pa namin ni Mickey… sinubukan naming ayusin at saka inisip ko rin po yung mga taong magiging apektado lalung-lalo na yung mga bata [anak ni Mickey sa pagkabinata at anak nina Jodi at Pampi].”

Kung sa mga nakaraang interview niya ay nagno-no comment lang si Iwa tungkol sa naging kaugnayan nina Mickey at Jodi noon, sa pagkakataong ito ay tuluyan na niyang ibinulgar ang lahat.

“Opo, si Jodi po yung naging babae ni Mickey noong nagkaroon sila ng affair before.”

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

184 Comments

  • 24  filinshanghai

    06/10/2012 | 11:51 AM
    Nakakagigil ang babaeng Ito. First time kong mag comment three times sa isang article. Grabe. Ano karapatan mong I broadcast ang bf ni Jodi? Sino ka? Ano ka? Pasalamat ka matino mga taong involved, kundi sa kangkungan ka pupulutin. Ingat Lang sa pagsasalita iha. Hindi mo ba alam na isang importanteng tao na pinagkakatiwalaan ni Pangilinan ay related sa mga binabastos mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  shellphone

    06/10/2012 | 11:50 AM
    naku Jodi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  filinshanghai

    06/10/2012 | 11:44 AM
    To Lacson Family: Eto kapalit ng isang Jodi Sta. Maria Lacson? Think about it. Suicidal, ex convict daughter, pala away, palit bf like clothes, hubadera sa tapat apo. May malaman na secrets Ito ng mga Lacson, wala na. Ngayon pa Lang nagpapakita na Ito ng pag ba blackmail. Kung makatuluyan Ito ni Lacson jr, Eto ang matatawag nilang ba su rang napulot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  malaya2007

    06/10/2012 | 11:40 AM
    ano ang right ni iwa na ipagsabi kung sino ang new bf ni jodi?friends ba sila? e kung sya new gf ni pampi anong masama kung magkameron din si jodi. I think jinajustify nya yung relationship nila nila pampi na wala namang kumokontra. Hindi dapat palapitin si iwa kay thirdy kasi lahat ng kinukuwento ng bata about jodi itsinitsismis nya sa iba. Sooner or later iha iiwan ka rin ni pampi, with that attitude of yours.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  xoxoxo143

    06/10/2012 | 11:38 AM
    Ang haba-haba ng mga sinabi mo IWA, but all are LIES!!! Sino ba naman maniniwala sa isang bih tulad mo? Ang dami mong issues in life with matching suicidal pa ha. Nung March 2012 lng, sabi mo ur BF Leandro Munoz makes u happy. Then after 3 mos, c PAMPI na naman nagpapasaya sayo??? Kalurki ka girl! Makati ba??? Home wrecker ka nga! Di kelangan ni Ms. JODI ang issue na ito pra ikasisikat nya dahil sikat na siya. Desperate move mo to kaya ikaw pa ang may ganang magsalita sa break-up ng mg asawa. Kakahiya ka! Get lost ka nga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  lifehouse232

    06/10/2012 | 11:33 AM
    Sorry ha pero kung totoong nanlalake si Jodi before, and knowing the Lacsons' reputation, eh di sana matagal ng nabugbog or nasaktan or baka napatay pa si Jodi or si Mickey Ablan kung sino man siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  filinshanghai

    06/10/2012 | 11:33 AM
    Grabe kang pintasan c Jodi. She had her flaws pero nungka iha, wala kang karapatan magsalita against her or anyone about married life. There's always 2 sides of the story. Ikaw na anak sa pagkadalaga ng isang convict japanese should know how hurtful to be in a broken family. Hindi ginusto in Jodi nangyari sa buhay may asawa na nagkahiwalay especially may anak sila. Tawa ko Lang pag ikaw na mag suicide ulit dahil nabubugbog ka and all you can do is to shut up. Hindi magpapa interview c Jodi, respeto na lang sa mga Lacson. At election na next year, get the point?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Kikay2011

    06/10/2012 | 11:32 AM
    Siraulo tlaga toh si Iwa Nakakaloka un Mga pasabog jinowa c pampi para mkaganti Lang Kay Jodi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  greencardholder

    06/10/2012 | 11:28 AM
    Yup. Like most of the posts here, magdadalawang isip paniwalaan si Iwa because of her reputation. at si CF pa talaga nag interview ha. Nung kasagsagan ng away nila ng ex nya grabe sila CF at yung anak ni Dolly Ann sa paglait kay Iwa. Ok na sila kasi nasa 5 na?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  malaya2007

    06/10/2012 | 11:28 AM
    matagal ng sinabi both pampi ang jodi na hindi ikaw ang reason ng hiwalayan nila.wala namang sinabi si jodi about your relationship with pampi saan ka nya inaapi. Isnt it ironic si pampi si jodi si mickey lahat tahimik, youre saying na mahal mo yung bata pero ikaw itong sinasabi mong pakawala ang nanay nya asan ang pagmamahal dun. Masaya ka ba talaga ke pampi? parang hindi eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  malaya2007

    06/10/2012 | 11:22 AM
    ang babaeng to ginagawang trabaho ang mang-away. Then yun namang inaaway nya ayun trabaho ng trabaho.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  bruha

    06/10/2012 | 11:04 AM
    Ganun talaga santa-santahan. Legal action ba kamo??? ayaw nga mag comment ng tao kc totoo may prueba si Iwa sa kalandian ng Santa lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  K4rm4

    06/10/2012 | 10:56 AM
    Sorry Iwa but I dont believe you. may history kana kasi na mga ganitong ka ek ekan. Iniwan ni Jodi si Pampi dahil abusive sya. hinde nagsasalita si Jodi dahil hinde sya kagaya sayo na walang class. sino ba yong suc1dal? diba ikaw yun dahil sa lalaki diba? desper4da ba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  cozywednesday

    06/10/2012 | 10:50 AM
    close friends of Jodi's knows her marriage to Pampi was soooooo over for years., Jodi should consult legal advice about Iwa's statement..she is in the road of ruining her image. Ok fine Jodi was Mickey's lover then and it hurts but then iha you were never married naman...isa ka lang gf!!! tsaka Jodi herself might just been fooled by your ex. Sana nanahimik ka na lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  cozywednesday

    06/10/2012 | 10:42 AM
    Dear IWA! shut your fuk' mouth. You don't know what happened in their marriage. you don't know how jodi was treated by the Lacson, U only heard Pampi's story which is just once side of it. How dare you to talk and ruin the name of the mother of Thirdy- the child whom you professed you love....what you did is so uncool, what you did hurts the child..and believe me..ikaw ang nasa alanganin..you are never an inch close to jodi in class and breeding. Pok 2x ang dating mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • mandaville

    06/10/2012 | 10:42 AM
    I think totoo ang sinabi ni Iwa kasi meron ng ganitong chismis noong masyado ang away nila ni Mickey Ablan. Ngayon baka naman ng time nayun rocky na ang marriage ni Jodi at Pampi. Si Jolo ba ang bagong BF ni Jodi?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Monicafer

    06/10/2012 | 10:30 AM
    There are always two sides of the story. Coming from Iwa, people should not be judgemental about Jodi. Nobody knows what really happened between husband and wife inside their home.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • msbayugo

    06/10/2012 | 10:27 AM
    the nerve naman tong babaeng to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovealone_k2

    06/10/2012 | 10:15 AM
    c jolo revilla na un
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • preciosarosa

    06/10/2012 | 10:09 AM
    Hindi yata maganda para ke Iwa na mag comment siya tungkol sa relationship ni Jodi Pampi. Kasi yung version niya eh version na nakuha niya from Pampi. There is always 2 sides of a coin, siyempre ang side ni Pampi puro pabor sa kaniya. Unfair ke Jodi. And besides Iwa kung meron man siyang nakuhang kuwento from Pampi, di dapat niya ibrodkast publicly, lumalabas tsismosa siya. Nakakahiyang ugali.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About