news

Alden Richards on being the Kapuso counterpart of John Lloyd Cruz: "Nakaka-flatter po, pero nakaka-pressure din."

by Rommel Gonzales posted on June 9, 2012  STATS: 16216 Views | 135 Comments

Alden Richards, who stars with Louise delos Reyes in GMA-7's new soap, One True Love, was asked about his one true love: "...Nung bago ako maging artista, schoolmate ko po. Pero nagkahiwalay din po kami kasi nung nagsisimula na akong pumasok sa showbiz, nawalan na po kami ng time para sa relasyon, hanggang sa nagkahiwalay na po kami,” he says.

 

Photo By: Noel Orsal

Ang lola ni Alden Richards ang isa sa mga nakasama niyang nangarap noon ng magandang buhay, bago pa man pumasok sa showbiz at sumikat ang aktor.

Kaya naitanong namin kay Alden, ngayong may trabaho na siya, ano na ang mamahaling bagay ang nabili niya sa kanyang lola?

“Bag po. Binilhan ko po siya ng bag noong nasa Amerika ako para sa premiere ng The Road,” ang sagot ni Alden.

Sa pangungulit namin, sinabi ni Alden na isang Louis Vuitton bag ang binili niya para sa kanyang lola, pero hindi na namin napilit ang binata na sabihin kung magkano ang pagkakabili niya sa naturang bag.

At dahil nga may magandang showbiz career ngayon si Alden, ang isa sa naging kapalit nito ay ang malaking pagbabago sa buhay nila ng kanyang pamilya.

“Nabibigyan ko na po ng magandang buhay ang pamilya ko ngayon.

“Noon po inaamin ko naman na hirap kami sa buhay pero at least ngayon po, medyo maayos na ang lahat. Hindi ko naman po sinasabing ako ang breadwinner, pero nakakatulong na po ako.

“Tulad po ng… yung kuya ko po, ako ang gumagastos para sa review niya sa nursing board and yung bunso ko pong kapatid na babae, ako na po ang nagpapaaral sa kanya sa college.”

Hindi pa raw siya bumibili ng bagong kotse.

“Iyon pa rin po, yung gamit ko nung nagsisimula pa lang akong mag-artista. Pero pinag-iipunan ko na po para makabili ako ng mas malaking sasakyan,” ang nakangiting sinabi pa ni Alden.

SEXY BILLBOARD. Pinag-usapan ang sexy billboard ni Alden para sa ini-endorso niyang clothing line na Folded & Hung kung saan naka-boxer shorts lamang siya at shirtless.

May ginawa na rin daw siyang pictorial na pang-back-to-school pero wholesome siya doon at nakadamit.

Handa ba siyang maging mas daring pa sa mga susunod na billboards niya for F&H?

Halimbawa next year, sa kanilang summer campaign?

“Baka po puwede, kung iyon ang kailangan, handa po akong gawin.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

135 Comments

  • 95  shastarose

    06/10/2012 | 09:53 AM
    excuse me PEP, marami pa kakaining bigas kung sino man magiging counterpart ni John Lloyd Cruz please. Sana makilala man lang itong Alden Richards na ito sa buong Pilipinas or metro manila man lang for that matter bago mai-compare kay John Llyod. masyado kayong biased sa artists ng GMA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  rray

    06/10/2012 | 09:31 AM
    number 90 patawa ka at least nagbox office movie nila at boq and bok sila.. walang nakagawa niyan sa istasyon ng gma na back 2 back sila lang .. sana may maging box office queen naman sa bagets ng gma katulad ni sarah..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  monjuaquin

    06/10/2012 | 09:29 AM
    cgeh ipagmalaki nio yang mga artista niong ham.. dahil sa pagpasok ni mvp.. dun dalhn ni mvp gme artists sa tb5 at ang tb5 artists sa gme!!! ano mangyayari eh d babagsak ang artista ng gme at lalong magiging da hu ang mga mapupunta sa tb5.. at babagsak nman ang gme dahil artista ng tb5 ang mapupunta sa gme na pinagsawaan ng abs at gme!!!!!! cnong mananatili sa pwestong number 1?!! eh di ang ABS-CBN
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  rray

    06/10/2012 | 09:27 AM
    dami nyang kamukha sa showbiz di ito sisikat .. parang jao mapa lang ang mukha..goodluck dong.. masa appeal lang kailangan para maging jlc ka.. hala manglibre kana jole
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  grazildachuvastra

    06/10/2012 | 09:13 AM
    worldclass ba talaga si JLC na the height of his career eh makapartner si Sarah G.? Diba dapat mga premyadong actress at batikang direktor ang makatrabaho nito!...magrain dance ka kaya brainfulet para mangyari ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  grazildachuvastra

    06/10/2012 | 09:07 AM
    Hindi siya funny brainfwet...nakakainsultong macompare kay JLC na alcoholic!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  GMAsimplyTHEbest

    06/10/2012 | 09:06 AM
    sorry pero wala pa sa kalingkingan ng naabot ni JL ang naabot ng batang ito.. kaya wag ikumpara nakakahiya naman kay JL dba??? para tuloy nagagamit si JL sa lagay na ito para sa promotion ng nalalapit na teleserye nitong si Alden Richards...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  grazildachuvastra

    06/10/2012 | 09:06 AM
    sabi nga ni brainless...GAAAS! si Alden young at malago ang buhok v.s JLC panot!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  Manster10

    06/10/2012 | 08:59 AM
    Naku mortal sin yan pagkumpara ky JLC wew., hu u ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  pretty

    06/10/2012 | 08:33 AM
    Proud kapuso daw e bakit proud siyang macompare sa artista ng kapamilya. Hahaha. I-compare nyo na lang sa mga same kapuso na sina Dindong, Richard, at Aljur. Hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  lifehouse232

    06/10/2012 | 08:21 AM
    Who is??? Magka blockbuster movie ka muna bago ka mangarap na maging si John Lloyd Cruz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  monjuaquin

    06/10/2012 | 08:15 AM
    sa gme kc tong pep kaya ganyan mga posts d2!!!!!... lahat ng mga threads d2 ay ,,,,,,,,1. ginagamit ang kapamilya para pagusapan ang gme network pati artists nito.. 2. used pang praise release ng gme!!! 3. para ibrowse ang site na to ng kapamilya dahil kung puros gme lang nakalagay d2.. malamang matagal ng close to dahil wala nmang kakayahan mag internet ang kapusak fantards... pagkain nga eh sa gme pa galing like sardinas at noodles ni gozon at malapit na sila magka drinks courtesy of mvp.. gas at langis!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  jeac3

    06/10/2012 | 08:07 AM
    good luck sa bagong show mo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  Stantiel

    06/10/2012 | 08:07 AM
    Let's be objective guys. There's nothing wrong with the comparison. Most of the great actors we have today had been likened to more senior ones when they were just starting. Alden is a good actor. That's the truth. In addition, he's good looking and seems to be kind. Especially to the critics, the way you're reacting indicates some hurt and insecurity, because you know that this guy has the potential to be even greater than JLC someday. You'll see.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  pinas48

    06/10/2012 | 07:09 AM
    at comment number 79- malaking TAMA ang sinabi mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  pretty

    06/10/2012 | 06:58 AM
    Ginger hindi naman kagwapohan lang ang sinabi, basahin mo ulit. Nung nag-uumpisa pa lang si JLC ang sinasabi, next Aga Mulach siya, hindi naman ganito na kalevel daw si JLC sa acting. Alam ko na sa GMA pala angPEP. Yun lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  pilyangmaganda

    06/10/2012 | 06:54 AM
    Eh sino ba etech? Ni hindi ko nga kilala eh! Kakaloka eh compare ba eh hindi nga kilala kahit name nito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  ginger2007

    06/10/2012 | 06:51 AM
    Iisang taon pa lang sya sa showbiz pero may nga nakuha na syang awards noh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  ginger2007

    06/10/2012 | 06:45 AM
    Ibig sabihin noong nag uumpisa pa lang si JLC at naicompare din kay Aga Muclach eh makapal din mukha nya kasi wala pa syang napapatunayan noon? O common ang awayin niyo yung nag interview, dahil yun ang nagtanong! Pwede ba nyang piliin mga itatanong sa kanya? Mga ob ob!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  ginger2007

    06/10/2012 | 06:35 AM
    Haha nakuha ng PEP ang tamang title para mapansin ang article bi Alden..Mega react ang iba!baka naman ang gusto nilang sabihin eh male counter ni JLC dahil medyo magkahawig sila..mas guwapo ngalang si Alden dahil si JLC mataas na hairline..hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About