news

Alden Richards on being the Kapuso counterpart of John Lloyd Cruz: "Nakaka-flatter po, pero nakaka-pressure din."

by Rommel Gonzales posted on June 9, 2012  STATS: 16201 Views | 135 Comments

Alden Richards, who stars with Louise delos Reyes in GMA-7's new soap, One True Love, was asked about his one true love: "...Nung bago ako maging artista, schoolmate ko po. Pero nagkahiwalay din po kami kasi nung nagsisimula na akong pumasok sa showbiz, nawalan na po kami ng time para sa relasyon, hanggang sa nagkahiwalay na po kami,” he says.

 

Photo By: Noel Orsal

Ang lola ni Alden Richards ang isa sa mga nakasama niyang nangarap noon ng magandang buhay, bago pa man pumasok sa showbiz at sumikat ang aktor.

Kaya naitanong namin kay Alden, ngayong may trabaho na siya, ano na ang mamahaling bagay ang nabili niya sa kanyang lola?

“Bag po. Binilhan ko po siya ng bag noong nasa Amerika ako para sa premiere ng The Road,” ang sagot ni Alden.

Sa pangungulit namin, sinabi ni Alden na isang Louis Vuitton bag ang binili niya para sa kanyang lola, pero hindi na namin napilit ang binata na sabihin kung magkano ang pagkakabili niya sa naturang bag.

At dahil nga may magandang showbiz career ngayon si Alden, ang isa sa naging kapalit nito ay ang malaking pagbabago sa buhay nila ng kanyang pamilya.

“Nabibigyan ko na po ng magandang buhay ang pamilya ko ngayon.

“Noon po inaamin ko naman na hirap kami sa buhay pero at least ngayon po, medyo maayos na ang lahat. Hindi ko naman po sinasabing ako ang breadwinner, pero nakakatulong na po ako.

“Tulad po ng… yung kuya ko po, ako ang gumagastos para sa review niya sa nursing board and yung bunso ko pong kapatid na babae, ako na po ang nagpapaaral sa kanya sa college.”

Hindi pa raw siya bumibili ng bagong kotse.

“Iyon pa rin po, yung gamit ko nung nagsisimula pa lang akong mag-artista. Pero pinag-iipunan ko na po para makabili ako ng mas malaking sasakyan,” ang nakangiting sinabi pa ni Alden.

SEXY BILLBOARD. Pinag-usapan ang sexy billboard ni Alden para sa ini-endorso niyang clothing line na Folded & Hung kung saan naka-boxer shorts lamang siya at shirtless.

May ginawa na rin daw siyang pictorial na pang-back-to-school pero wholesome siya doon at nakadamit.

Handa ba siyang maging mas daring pa sa mga susunod na billboards niya for F&H?

Halimbawa next year, sa kanilang summer campaign?

“Baka po puwede, kung iyon ang kailangan, handa po akong gawin.”

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

135 Comments

  • 15  Einstein_1

    06/10/2012 | 12:25 AM
    sikat c jl sa local.. itong c alden, sa local at internationa sikat. nung nagsisimula c john lloyd, d xa pinapansin, 20 years bago sumikat c JL. eto, andami ng achievement ala pang one year. andami nga awards at recognitions abroad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Speed_OfLight

    06/10/2012 | 12:09 AM
    pag nakalbong tuluyan si JLC, kamukha na nya si wally bayola.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Speed_OfLight

    06/10/2012 | 12:08 AM
    natawa ako sa panot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Speed_OfLight

    06/10/2012 | 12:07 AM
    ano ba kayo?!, di nyo muna hinantay unang mag post si iam brainful!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  grazildachuvastra

    06/10/2012 | 12:07 AM
    layo ng comparison! si JLC alcoholic at panot...Alden young, fresh and innocent. JLC world class Kapamilya actor in their feeble minds..Alden newbie but promising. JLC box office star pang local...Alden may international movie na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  henriettopex

    06/10/2012 | 12:07 AM
    John Lloyd Cruz ba ang gamitin para mapagusapan at sumikat? Haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • henriettopex

    06/10/2012 | 12:05 AM
    Gamitin ba si John Lloyd Cruz para sumikat at mapagusapan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • delicatepetals

    06/09/2012 | 11:53 PM
    Dreaming!!!! LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ambrossia

    06/09/2012 | 11:52 PM
    john lloyd cruz agad ang counterpart hindi ba pwedeng gerald anderson muna!!?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    06/09/2012 | 11:49 PM
    basta Alden, wag mo lang gayahin ang humpy dumpy body ni JLC ha. please lng. hahahaha! we'll watch One True Love via GMA Pinoy Tv. Congrats Alden!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    06/09/2012 | 11:34 PM
    Wapu siya at magaling talagang umarte, may future sa showbiz pero para sa akin hindi siya yummy na katulad ni JLC...sensya na hindi kasi ako mahilig sa tisoy..type ko yung mala Alfred Vargas hihihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    06/09/2012 | 11:28 PM
    c john lloyd nung nag start, sabit lang sa kolits, hindi napapansin. antagal ng hinintay. eto Hollywood agad in less than a month tas andami ng awards.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/09/2012 | 11:24 PM
    yummy as in.. compare sa kabila... super yawcky.. mga p4m!nt4.. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/09/2012 | 11:21 PM
    bakit yummy ka ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About