news

Daniel Padilla on Kathryn Bernardo's pronouncement that they're more than friends: "Alam namin na di kami, pero parang kami, pero di pala kami. Nalalabuan ako, pero masaya."

by Melba R. Llanera posted on June 10, 2012  STATS: 17306 Views | 21 Comments

There was a time when Daniel Padilla (in photo) thought of quitting showbiz because he felt his career was going nowhere. “Nakakatuwa kasi papunta ako dati sa point na di na ako mag-aartista talaga, di ko siya gusto," says the now fast-rising actor. "Nagsimula ako sa G-mik na di naman ako napapansin, at parang dumating ako sa point na nagpapaalam na ako sa Star Magic pero binigyan nila ako ng isang chance pa. Sabi nila sa akin, kung 'di talaga, okay lang, pero pag nakuha ka e, di mas okay.”

Daniel finally found success when he was cast as one of Kathryn Bernardo's leading men in the ABS-CBN serye, Princess and I.

Photo By: Melo Balingit
Sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Daniel Padilla as one of the hottest young actors of his time, inamin niya sa amin na dumating din pala siya sa punto na gusto na niyang mag-quit sa showbiz at talikuran na ito nang tuluyan.
 
 
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actor last Monday sa SM Skydome, Quezon City, kung saan dinaos ang kanyang fans' day, ikinuwento niya sa amin ang rason kung bakit muntik-muntikan na siyang mag-quit.
 
 
“Nakakatuwa kasi papunta ako dati sa point na di na ako mag-aartista talaga, di ko siya gusto.
 
 
"Nagsimula ako sa G-mik na di naman ako napapansin, at parang dumating ako sa point na nagpapaalam na ako sa Star Magic pero binigyan nila ako ng isang chance pa.
 
 
"Sabi nila sa akin, kung 'di talaga, okay lang, pero pag nakuha ka e, di mas okay.”
 
 
Sa seryeng Princess and I, sinasabing pinakasikat ang tambalang Daniel-Kathryn Bernardo kesa sa tambalang Enrique Gil-Kathryn at Khalil Ramos-Kathryn. Agad namang klinaro ito sa amin ng young actor.
 
 
“Di ko masasabi kung ako talaga, kasi mukhang malalakas din naman yung ibang loveteam ni Kathryn, sila Enrique and Khalil, malalakas din naman sila. 
 
 
"Ako naman ginagagawa ko lang ang trabaho ko na pasayahin ang mga fans namin ni Kathryn.”
 
 
 
SOLO STAR OR POPULAR LOVETEAM? Kung bibigyan siya ng choice, gusto ba niyang makilala as a solo actor o bilang may ka-loveteam katulad ng sa kanila ni Kathryn?
 
 
“Okay din naman na if ever ako lang, pero masaya din naman na may kasama, masarap na may... kasabayan.
 
 
"Siguro pag tiningnan mo ng partikular, walang masama kasi sumiksikat naman kayong pareho, nagtutulungan kayo kaya walang masama dun.
 
 
"Nagkakaroon din ng issue na ginagamit ko raw si Kathryn, sabi ng kaibigan ko, sa Twitter daw, may nagkakalat na ginagamit ko lang si Kathryn para sumikat. Ang sagot ko, 'Bakit ko naman gagawin yun?'"
 
 
Kinumusta namin ang samahan nila ng kapareha at ang bali-balita na panliligaw niya kay Kathryn.
 
 
“Masaya ako at mukhang masaya din naman siya. Relax lang kami, kumbaga di naman kami nagmamadali dahil mahaba pa naman ang panahon, sixteen pa lang siya at seventeen pa lang ako.
 
 
“Kung puwede naman, wala namang problema, kaso ngayon di pa yata puwede, so wala pa.”
 
 
MORE THAN FRIENDS. Sa Showbiz Inside Report, kung saan na-feature si Daniel kamakailan, ay na-interview si Kathryn at sinabi nito na wala pa silang relasyon ng ka-loveteam, pero higit sa magkaibigan ang samahan nila.
 
 
Ikinagulat naman ito ni Daniel nang tanungin namin ito sa kanya, pero inamin niya na sobrang ikinasaya niya ang sinabi ni Kathryn.
 
 
"Nakakatuwa, ngayon ko lang nabalitaan ‘yan. Totoo ba  yan? Masaya, sobrang masaya, di ako makapagsalita.
 
 
"Ganun pala, ngayon alam ko na more than friends [kami]. Alam namin na di kami, pero parang kami, pero di pala kami. Nalalabuan ako, pero masaya," ang masayang pahayag ni Daniel.
 
 
Nabanggit din sa nasabing interview kay Kathryn na minsan daw ay nagseselos si Daniel sa mga close niyang kaibigang lalake at di siya pinapansin nito. Ipinaliwang naman ito sa amin ng aktor.
 
 
“Ganun naman talaga siguro ang lahat pag nagseselos. Siyempre magtatampo ka...
 
 
"Siguro ganun, ganun lang. Di mo maiwasan pag gusto mo talaga ang isang tao.  Natatakot kang mapunta sa iba.
 
 
“Wala naman sa mga taga-showbiz, more on nagseselos ako sa mga non-showbiz friends niya."
 
 
CHICK MAGNET? Galing si Daniel sa Padilla clan na kilalang matitinik daw sa babae.
 
 
May ilang nagsasabi na playboy at bolero daw si Daniel lalo’t may pagka-bad boy ang dating ng image ng young actor.  Siniguro niya sa amin na malinis ang intension niya kay Kathryn.
 
 
“Di ako ganun.  Siguro yung mga tao na insecure lang sa akin.  Malinis na malinis ang intensyon ko, walang dumi, walang mantsa.”
 
 
Hiningan din namin siya ng reaksyon sa pahayag niya sa SIR na pakakasalan daw niya si Kathryn.  Marami ang nagulat sa nasabing ito ni Daniel, lalo’t napakabata pa raw nito para banggitin ang salitang kasal.
 
 
“Maganda yun, sana puwede...
 
 
"Nakita ko kasi sa kanya yung gusto ko sa isang babae.  Saka ang pinakaimportante kasi kung masaya ka sa taong kasama mo at masayang-masaya ako pag kasama ko siya," ani Daniel.
 
 
Nanduon pareho ang mga magulang ni Daniel sa fans' day niyang ito kung saan kitang-kita ang suporta nila sa kanilang anak.  Ang nasabing fans' day ay handog ni Daniel sa mga tagahanga niya na walang sawa na sumusuporta sa kanya.
 
 
“Sila Papa at Mama, sobrang natutuwa. Lalo na si Mama, kasi unang-una, nakakatulong ako. 
 
 
 
"Kay Papa, kahit papaano nakakatulong din ako, so cool at masaya sila sa mga nangyayari ngayon. Nagugulat din sila.”           
 
“Yung fans' day ko para sa mga fans ko na di nagsasawa na suportahan ako.
 
 
"Nakakatuwa, sobra kahit yung ibang mga staff naming nandito, sobrang pasasalamat kasi nandito ang pamilya ko, mga kaibigan ko, lahat ng fans.
 
 
“Kinabahan ako kasi hindi ako sanay masyadong kumanta ng live. Kinabahan din ako na baka walang pumunta, pero nakakatuwa naman na ang daming sumuporta.”
1  

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  alexitorin

    06/12/2012 | 02:13 AM
    FlyNDance, ikaw din ? Ha ha. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  lanalang08

    06/12/2012 | 12:13 AM
    asikasuhin muna ang pagsikat at paghandaan ang kinabukasan bago ang pag-ibig or pagnonobya. ang bata bata pa eh pulos pag-ibig ang nasa isip. hindi pa ninyo alam kung ano ang pag-ibig para maging seryoso. bf/gf then once na magmatured kayo ay marerealize ninyo na mali pala na umibig at an early age. too young to both to be talking about pag-ibig. ingat lang dahil baka mausyami ang kasikatan dahil nag-uumpisa pa lang. baka masilat kung lalagyan na agad nang kaek ekan na puppy love. bubot na bubot pa kayong dalawa. sa mga manager nitong mga batang ito puwede ba hwag gamitin ang ganitong gimik para pasikatin ang dalawang ito. turn off.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  FlyNDance

    06/11/2012 | 06:44 PM
    iba ang karisma nitong si daniel, kahit akong hindi na teen. kinikilig..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  walau_we

    06/11/2012 | 04:12 PM
    me too, kinikilig dn sa knila. sila lng at c xian/kim ata ang nakita kong luvteam na may kilig talaga sa panahong ito. un time nila richard dawn, maricel william. may mga luvteam kc walang kilig eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  pinoycali_ako

    06/11/2012 | 01:24 PM
    Napaka OA talaga nitong dalawa. Although mas ma take ko pa si Daniel kesa kay Kathryn...Grabeh ka OA ni Kathryn akala niya Kim Chiu or Marian Rivera ang dating! Echos, belo ka muna!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  TigerPack

    06/11/2012 | 12:38 PM
    cute siya kaso ang payat payat at saka parang nangunguyayat, parang may lubhang karamdaman sana pataba ka ng mejo daniel, mas cute siya tignan kesa kay kalil ramos mukha kasing dug...yot un
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  greatness

    06/11/2012 | 12:29 PM
    Einstein, di mo pala kilala e, what r u doing here?? pa-epal ??ha ha ha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  grinandgiggles

    06/11/2012 | 06:39 AM
    Sikat na talaga sya at kitang kita yan sa dami ng pumunta sa promo at bumili ng album nya. Kaya yung nag comment na di sya kilala i google mo lang para me malaman ka about him.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  alexitorin

    06/11/2012 | 02:08 AM
    May crush ako noong high school na ganitong ganito umasta. ANG CUTE. Tanda ko na pero kinikilig pa rin ako. Bata pa kayo, so enjoy life. Kung masaya kayo sa isa't isa, go. . . There is something to talk about, memories pag tanda ninyo. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  newyorker1969

    06/11/2012 | 01:52 AM
    paging dra belo, this kid needs eyebag removal procedure asap! eh mas malaki pa ang eyebags sa mata nya eh, not flattering at all esp. for a young up and coming actor daw oh!:
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Einstein_1

    06/11/2012 | 12:41 AM
    anong itsura?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  thelastpepbender

    06/10/2012 | 11:57 PM
    mmm wala pang pantapat ang GMA 7 dito. kasi si DANIEL MATANGKAD at MAY ITSURA talaga at may talent. si JHAKE VARGAS? talented at may itsura pero walang height. Josh? Parang di naman marunong kumanta. Derick? may dugo lang kano pero kulang sa kagwapuhan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    06/10/2012 | 10:39 PM
    d mukang artista.. kilala b tlaga to.. pati to, pinag aaksayahan ng pep. next please
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinas48

    06/10/2012 | 09:29 PM
    KathNiel for the win..kilig much lang..basta maging responsable lang silang dalawa..bata pa kayo,enjoy your life..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Einstein_1

    06/10/2012 | 09:01 PM
    da who...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    06/10/2012 | 08:34 PM
    Di ako nagulat na marami ng naging GF si Daniel, style ng mga padilla yan. Huwag kang pabobola kathryn bata pa kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    06/10/2012 | 08:30 PM
    Parang si robin padilla. Lahat ng leading ladies niya nililigawan. Pustahn tayobigyan nyo ng ibang kalove team si daniiel sakto liligawin din ang bagong kalove team
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chowee143

    06/10/2012 | 08:09 PM
    ay ewan! kilig na kilig ako sa knila !!! looking forward everyday mapanuod ko cla.. prang robin padilla jr itong bata nato. titig pa lng kiliting kiliti nko hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • damnitbabay

    06/10/2012 | 07:57 PM
    After work, the first telerserye na pinapanuod ko ay Princess and I! Naku para akong teens. Kilig na kilig!! hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gohan0411

    06/10/2012 | 06:39 PM
    ewan ko ba at kinikilig ako sa mga batang ito heheheh.sweet huwag kayo magmadali mga bata pa kayo, enjoy nyo na lang muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About