news

Quezon City court orders Annabelle Rama's arrest

by Erwin Santiago posted on June 11, 2012  STATS: 46026 Views | 58 Comments

The Quezon City Regional Trial Court Branch 92 has issued a warrant of arrest against talent manager Annabelle Rama after failing to show up at the arraignment of 14 counts of libel filed against her by Nadia Montenegro.

Photo By: Noel Orsal

Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 ang talent manager na si Annabelle Rama pagkatapos nitong hindi sumipot sa naka-schedule niyang arraignment kaninang umaga, June 11.

Ang arrest warrant ay inisyu ni RTC Branch 92 Judge Eleuterio Bathan.

Ito ay kaugnay ng 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng dating aktres na si Nadia Montenegro.

Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer (dzIQ) kay Nadia, “Nag-hearing kami kaninang 8:30, ‘tapos as usual, no-show na naman siya. So the judge ordered a warrant of arrest.”

Sabi pa ng dating aktres, sa pagkakaalam niya ay P140,000 ang bail na kailangang bayaran ni Annabelle.

Itinakda ng korte ang arraignment pagkatapos nitong ibasura ang motion to suspend ni Annabelle para sa kanyang hearing.

Hiniling ni Annabelle ang suspensiyon ng kanyang arraignment dahil mayroon daw siyang nakabinbing motion for reconsideration sa city prosecutor na kumukuwestiyon sa April 12, 2012 partial indictment niya.

Mamayang hapon naman daw ay pupunta si Nadia sa Caloocan City Regional Trial Court para sa hiwalay na libel case na isinampa ng kanyang partner na si Boy Asistio laban kay Annabelle.

Samantala, sinusubukan na ng PEP na kunan ng pahayag si Annabelle. Bukas ang website na ito sa anumang reaksiyon na meron siya tungkol sa report na ito.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

58 Comments

  • 18  diane84

    06/11/2012 | 03:18 PM
    BOOM! BOOM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  HornBlower

    06/11/2012 | 02:54 PM
    Good on ya Nadia.....Pero tanong ko lang sa kinauukulan kung sakaling hindi kilalang tao si Nadia at Boy, ganito ba rin kaya ang kahahatungan ng kaso? Kaya lang hindi aabot sa ganito ang kaso pag mahirap ang sumakdal dahil sa pag file pa lang ng kaso talo na ang mga ito, dahil walang pambayad ng kaso. Hanga lang ako dito kay Nadia dahil binangga niya ang sa tingin ng iba ay ga pader ang tibay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  shidax

    06/11/2012 | 02:31 PM
    sa sunod anabel huwag ka ng pauto sa nadiang mukhang pera na hindi tumatanaw ng utang na loob.sana pinabayaan mo nalang ang mga iyan tumira sa bangketa noong nawalan sila ng tirahan.......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  bhengot

    06/11/2012 | 02:29 PM
    Hooray! The fall of the mighty.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  matoy_babyron

    06/11/2012 | 02:12 PM
    dapat si nadia ang ipakulong walang kwentang ina mga anak ang pinagta-tratrabaho nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  zephyrinthesky

    06/11/2012 | 02:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  rotoscaper

    06/11/2012 | 01:46 PM
    alam na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  madam01

    06/11/2012 | 01:41 PM
    si bisaya pa? hindi makukulong yan hangga't hindi nagbabago ang justice system natin. daming koneksyon nyan...at higit sa lahat daming pera nyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapusodbest

    06/11/2012 | 01:32 PM
    mabuti naman kahit papaano madala dala at para sa susunod maghinay hinay sa mga binibitawang salita!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    06/11/2012 | 01:20 PM
    Dapat silang dalawa ni Nadia ang makulong tapos sa iisang selda pa...Matira ang matibay!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • skittlesrainbow

    06/11/2012 | 01:09 PM
    na excite ako sa headline akala ko convicted na sya sa mga hindi magagandang bagay na ginawa nya sa mga kaaway nya eh false alarm lang pala!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manster10

    06/11/2012 | 12:51 PM
    HindI yan makukulong pera lng katapat nyn solve ang kaso wew.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jojomlndz

    06/11/2012 | 12:46 PM
    Go go go! Ipakulong na ang sobrang matayog na Madam Bisaya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • TigerPack

    06/11/2012 | 12:42 PM
    buti nga sa kanya dahil sa kanya nadadamay ang mga anak nya bad feedback lage pag si annabelle ang may intriga mas malilinis ang gutierrez clan pag nakulong na siya..buti nga sayo madam para naman mataohan ka isama nyo pa si nadia, mukha kasing mga tooooottt...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • flydarnafly

    06/11/2012 | 12:25 PM
    how can annabel rama make it to the arraignment when she is currently here in the u.s. where she watched the pacquiao-bradley fight in las vegas last night?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purong_kapamilya

    06/11/2012 | 12:23 PM
    Maraming andalus si anabelle kaya kaya nyang magpiyansa eh si nadia kaya pag pinaaresto may pang piyansa rin kaya.hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • humandynamics

    06/11/2012 | 12:16 PM
    Naku ibi bail lang ni anevil ng 140k yan at malaya na namang magdadakdak si bisaya. Baka mas malaki pa ang suhol niyan sa ibang kasong napanalunan niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • monjuaquin

    06/11/2012 | 11:37 AM
    nakahanap tlga c anabil ng katapat na c nadia wah... pusta ko may excuse yan.. baka nasa ospital din yan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
123

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About