news

PEP TALK: Marian Rivera reveals one issue that made her cry; explains why she has no social media accounts

by Erwin Santiago posted on June 12, 2012  STATS: 445895 Views | 345 Comments

GMA-7 primetime queen Marian Rivera (center) in her most candid interview!

For almost an hour— no takes and no breaks— she sat down with PEP editors (L-R) Monching Jaramillo, Karen Pagsolingan, Erwin Santiago, and Rommel Llanes for the pilot episode of PEP Talk—the first online showbiz talk show in the Philippines.

Photo By: Noel Orsal

Sa isang pambihirang pagkakataon ay humarap si Marian Rivera sa editors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa pilot episode ng PEP Talk—ang kauna-unahang online showbiz talk show sa Pilipinas.

Isang kakaibang karanasan din ito para sa editors ng PEP na sina Karen Pagsolingan (managing editor), Erwin Santiago (associate editor), Rommel Llanes (associate editor), at Monching Jaramillo (senior desk editor).

Kung noon ay nababasa lamang ang kanilang mga pangalan dito sa website, sa pagkakataong ito, kasama nilang humarap sa kamera ang artista.

Ang inaasahang 20-minute interview ay umabot ng mahigit 40 minutes. Maganda ang nangyaring batuhan ng tanong at sagot, at nakatulong ang pagiging open at honest ni Marian.

Sa pilot episode ng PEP Talk ay ibinahagi ni Marian ang kanyang saloobin sa kanyang career, pamilya, at ang kanyang relasyon sa kasintahang si Dingdong Dantes.

Sinagot din ng Primetime Queen ng GMA-7 ang ilan sa pinakamaiinit na isyung patuloy na ibinabato sa kanya—gaya ng pagiging suplada at selosa raw niya, at maging ang naging alitan diumano nila ng My Beloved co-star niyang si Katrina Halili.

Bukod dito, isiniwalat din ni Marian ang kanyang “hidden talent” na tiyak na ikagugulantang ng marami.

Sa kabuuan ay isang masaya at makabuluhang kuwentuhan ang naganap sa pagitan ni Marian at ng PEP editors.

Narito ang unang bahagi ng panayam ni Marian sa PEP Talk:

ROMMEL: Ano ang maipapayo mo sa mga umiidolo sa ‘yo?

MARIAN: “Siyempre, masaya ako na… ang bawat artista talaga may iniidolo din ‘yan, e.

“Kung ako man ang nasasabi nila, siyempre, thankful ako doon.

“Siyempre, lagi kong sinasabi na, ‘Be yourself. Mahalin mo ‘yong trabaho mo.’

“At saka, natututo na ako. Kailangan, kapag artista ka, may malaking responsibilidad ka.

“Hindi ‘yong basta gusto mo lang ‘yong gagawin mo, gagawin mo lang ‘yon.

1  2  3  4  5  6  7  8  9  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

345 Comments

  • guinevereofcamelot34

    06/12/2012 | 07:39 AM
    Thanks brainfool a.k.a ipot 4G... sa walang sawa mong pag support kay MR, talagang laman sya ng isip at puso mo ayaw mo lang ipahalata dahil baka wala kang sweldohin sa amo mo sa E B S....ikaw na ang tunay na number1 FAN!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/12/2012 | 07:38 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • showbizfiend

    06/12/2012 | 07:27 AM
    Thanks Pep. Na-post na rin. Haba, 9 pages. Hindi pa pala kumpleto. Medyo natagalan basahin kaya matagal pa sa comments pero thank you kay brainful na laging nakaabang sa mga articles ni Marian. Bwahahaha....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/12/2012 | 07:19 AM
    Buti nman at may isang langaw napad pad para magcomment dito. Okay, heres my official comment para masundan naman un nag iisang langaw. Marian dear, magtwitter ka na kase, hinde naman required ang English. Basta kontrol mo lang temper mo at puleezz HUWAG ilock ang computer sa kwarto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Gemski

    06/12/2012 | 06:59 AM
    Go Marian!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About