“Mahaba talaga ang pasensiya ko. Mas understanding na ako ngayon.
“I mean, siyempre kung marami talaga, like siyempre marami ring fans and marami talagang girls na 'andiyan.
“But you know, kung secure ka naman dun sa relationship ninyo, wala ka naman dapat ipagselos or wala namang dapat problema.
“Mas naging understanding talaga ako, selosa kasi ako, e.”
BYE NEIL ETHERIDGE ISSUE! Dahil may boyfriend na si Michelle, matitigil na ang pagtsitsismis sa kanila ni Neil Etheridge.
Sabi ng Kapuso actress, “I hate it kasi parang naaano ako, na parang ‘pag sinusulat yung tungkol sa amin ni Neil na… napapagod na ako kasi wala naman talaga yung tungkol sa amin.
“And unfair talaga siya dun sa taong dine-date ko because parang wala namang dapat pag-usapan tungkol sa amin ni Neil.”
Hindi naman nagseselos ang boyfriend niya 'pag may nasusulat tungkol sa kanila ni Neil?
“He’s not jealous. Pero siyempre 'pag may nababasa siguro yung mga friends niya, ‘tapos sa ibang lalaki ako nili-link, parang siyempre medyo may mali, di ba? Off din?”
At ngayong may girlfriend na si Neil na isang British, sa tingin ni Michelle ay matatapos na ang pagli-link sa kanila ng Azkals player.
“Dyusko, sana naman! Kasi kahit, di ba, like kayo, hindi naman ninyo alam kasi siyempre sa iba siya nakatira.
"And… pero siya talaga, never niya dine-deny kahit sa Twitter, sobra yun na, ‘I love you, baby!’” pagtukoy niya sa mensahe ni Neil sa kanyang British girlfriend kaya tigilan na raw ang pag-uugnay sa kanila.
“Ganun sila, so sana matapos na!” natatawang sabi ni Michelle.
Magkakilala raw sina Neil at ang boyfriend ni Michelle…
“Kilala niya kasi sina James [Younghusband]. Kilala niya si Neil, so wala naman siyang problema kasi kilala niya itong mga ito.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 MarvelousMum
9 frostedflakes
8 MarvelousMum
7 BeckyLeeKelly
6 ivano
5 pwearl107
4 meganontalaga
3 meganontalaga
2 kapamilya_worldclass
1 SuPeRdAnY