news

Vic Sotto on rumored cool-off with Pauleen Luna: "Natatawa na lang ako. Ang importante, alam n’yo naman kung ano ang tunay na nangyayari.”

by Gorgy Rula posted on June 13, 2012  STATS: 94023 Views | 17 Comments

Vic Sotto of M-Zet Productions (extreme right) with the other producers of Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME—(from left) Atty. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films, Rowena Bautista-Mendiola and Andrea Bautista-Ynares of Imus Productions, Mr. Tony Tuviera of APT Entertainment, and Orly Ilacad of OctoArts Films.

Photo By: Gorgy Rula

PAULEEN LUNA. Hindi na rin naiwasang itanong kay Bossing Vic kung kasali rin ba si Pauleen Luna sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si ME.

Nagkaroon kasi ng cameo role si Pauleen sa nakaraang pelikula nila ni Ai-Ai delas Alas, ang Enteng ng Ina Mo.

“Kung may magandang role, bakit hindi?  

“Titingnan natin kung may magandang role na puwede sa kanya. Bahala na.

“Ang mga Dabarkads naman, hindi mawawala yun, e,” maingat na sagot ng comedian-TV host.

Alam niyang tutuloy na sa napabalitang relasyon nila ni Pauleen ang susunod na tanong namin, pero kaagad kaming sinabihang wala siyang sasagutin.

Ngunit sinundan pa rin namin ng tanong tungkol sa lumabas sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star na “cool-off” na raw sila ni Pauleen.

Sagot niya, “Hindi ko alam yun. Tawagan n’yo si Ricky Lo, siya ang tanungin n'yo kung saan nanggaling yun.

“Sometimes, hindi mo maintindihan kung saan nanggagaling yung mga… kung anu-ano ang mga nadidinig mo, e.

"Natatawa na lang ako. Ang importante, alam n’yo naman kung ano ang tunay na nangyayari.”

Naniniwala si Bossing Vic na maiintindihan siya ng fans niya kung bakit nananatili siyang tahimik pagdating sa kanyang lovelife.

“Sabi n’yo nga, less talk, less intrigues, di ba?

“Siguro ang mga tao, maintindihan naman nila if I don’t want to talk about it, or if I don’t want to talk about that.

“I don’t think they will take it against me if I don’t want to talk about it.”

Sabi pa niya, “If I want to keep something’s private, hindi naman magbabago sa ekonomiya ng Pilipinas yun, e, kung ano ang mangyayari sa lovelife ko.”

« Prev  1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  kadabarkads

    06/22/2012 | 05:08 PM
    go lang ng gow bossing, anong magagawa nila kung nagsawa ka kay Pia? waley! nuhay mo pa rin yan, single ka, na develop kay Poleng, si inday Poleng gusto ka nman. So why not? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  hetonanaman

    06/20/2012 | 04:59 PM
    still, ewwwwwww....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  rhianlibog

    06/14/2012 | 08:50 AM
    go go go bossing masarap talaga pag bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  thelastpepbender

    06/14/2012 | 01:45 AM
    haay naku ang daming naki ride on na producers. pati na yung GMA 7 ride on ng ride on na lang ang ginagawa. kaya naman ng production company ni vic at bong yan. and i agree nothing new with agimat and enteng. si juday naman nanamlay na ang career recently. di kumita yung ploning nya. si bong naman nag 3rd lang sa box office yung last movie. so ang magadadala lang talaga ng movie na ito ay si vic sotto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    rom_05
    06/24/2012 | 03:42 PM
    di ba matagal na yung ploning?? Dalaga pa yata siya noon.
  • 13  myrth

    06/13/2012 | 10:46 PM
    pero dun sa pagsasama uli nila ni Bong revilla. NAKAKASAWA NA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    semsem
    06/14/2012 | 04:53 AM
    pansin ko nga rin..puro agimat..ano ba yan..wala na ba kayong matinong pelikula na pwede nyong gawin?
  • 12  myrth

    06/13/2012 | 10:44 PM
    pwede ba? pakialaman nyo family buhay nyo?kung ano gusto ni vic, la na kayo dun,di naman kayo napeperwisyo nya.yung mga anak nya kung ayaw nila kay Pauleen,ano magawa nila?bakit sila na ba ang susundin ni vic,ngayon nag asawa na sila? buang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    semsem
    06/14/2012 | 04:52 AM
    tamaaa
  • 11  MadamClaudia

    06/13/2012 | 08:48 PM
    eto yung part 2 sa pagsasama nina Bossing at Bong Revilla, idinagdag lang si Juday as new major character ng show....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  tinks05

    06/13/2012 | 06:59 PM
    gusto ko yung sagot ni bosing sa last part, tama naman as in two thumbs up, uwede ka namang tumulong sa mga tao kahit di kana magpulitiko, gagamitin lang kasikatan mo ng ibang pulitiko...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_worldclass

    06/13/2012 | 03:45 PM
    beware ladies.. this guy is a man whoooreee... look what happened to pia guanio after so many years she reliaze that their relationship would not go to church at the end....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    06/13/2012 | 03:38 PM
    sa mga makikitid ang mga isip na nagpost nang mga comment nila dito ay isa lang ang dapat ninyong isipin may karapatan si bossing na ibigin kung sinuman ang gusto niyang ibigin. wala na kayo doon keh bata or matanda wala na tayo doon. baket di ninyo sabihin iyan mga comment ninyo kay tito dolphy. walang pinagkaiba si tito dolphy at bossing. si zsa zsa ay 23 nang maging sila ni tito dolphy and si pauleen ay 24 while bossing is 58. so ano ang problema ninyo tungkol sa age gap. di naman kayo mga magulang ni bossing para husgahan siya sa kanila ni pauleen. aber sino ang gusto ninyo para kay bossing sige nga magbigay kayo nang mga pangalan. kaya si bossing ay very mum pagdating sa pag-ibig niya dahil maraming mga pakialamerong katulad nang mga critics dito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    semsem
    06/14/2012 | 04:57 AM
    oo nga naman..wala naman talaga silang pakialam kung sino dapt ibigin nya kahit 18 y.o. pa yan ay wala kayong magagawa kung magugustuhan sya ni vic soto..meron nga nun, lolo na 65 tsaka 15..dun kayo mag rally kay lolo..
  • lanalang08

    06/13/2012 | 03:32 PM
    basta maligaya ka bossing oks na oks lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amaya_rivera

    06/13/2012 | 01:50 PM
    saludo ako sau bossing pagdating sa pagtulong sa mga tao.. sablay nga lang pagdating sa lovelife.. sana piliin mo nmn yung babaeng ggwin mong karelasyon, may edad kana wag ka nmn sanang tumanda ng paurong.. ikaw ang matanda, ikaw ang may mas matinong pgiicp, khit na ba gusto ka ni pauleen sana ikaw na lang ang umiwas.. delicadeza na lang.. khit na ba ilang beses nyo sabihin ni pauleen na wla kau sinasagasaang tao, the mere fact na ayaw ng mga anak mo at kasama nyo pa si Pia sa EB, sana dun pa lang matauhan na kau.. respeto na lang.. minsan mahirap ipilit ang hinde pwede..
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    bulagafan
    06/13/2012 | 10:52 PM
    Pagdating mo sa edad ni Bossing, mauunawaan mo ng lubusan ang lahat. Napakahirap mag isa lalo na at malalaki na ang mga anak mo. Swerte lang si Bossing dahil may mga handang samahan siya sa kanyang pag iisa. May pangangailangan siya na di mabibigay ng kanyang mga anak. Ang mahalaga ay walang sabit ang nagbibigay ng ligaya at inspirasyon sa kanya.
    kadabarkads
    06/22/2012 | 05:11 PM
    excuse me, si Pia ang lumayas sa EB ano? so pipigilan nlang nila ang feelings nila dahil nandyan si Pia? sino va sya? Bossing dumped her s odapat lang sya ang mag exit ano, mas sasaya pa ang EB kung wla sya dyan para hindi awkward pag nagkaka tuksuhan na sa set
    kadabarkads
    06/22/2012 | 05:15 PM
    welll said bulagafan. Hindi porket ayw ng mga anak nya, yun na ang masusunod. Hindi nman retrded si bossing na hindi alam ang ginagawa,LOL
    rom_05
    06/24/2012 | 03:47 PM
    kasal na si Pia so kung magseselos siya o feeling awkward sa mga karelasyon ni Vic aba eh dapat siyang mag-isip baka mali ang pagpapakasal niya. At ang mga anak lagi namang hindi 100 percent boto sa karelasyon ng magulang nila.
  • lynn_q8

    06/13/2012 | 01:41 PM
    hay naku khit babae ang lalapit hwag daw patulan....hmm ok ka lang? sa ganda ba naman ng mga babaeng lumalapit sa single na lalaki at inaakit.....hayzz lalaki yan! at di na bata si Pauleen....sobra sobrang experience na yan....!! bossing kung saan ka happy go fight win!! u deserve it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lefty

    06/13/2012 | 12:51 PM
    ano ba tunay na nangyayari bossing??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kansilay

    06/13/2012 | 12:39 PM
    Idol tlaga to ng tatay ko! Kaso lng now si Bossing prang tumatanda ng paurong, sana nman kahit babae pa lumalapit sau lalo na parang anak mo na,hwag nyo na patusin kc kawawa nman kahit gusto pa nila! Bossing kau po ang may mas isip sa mga batang pinapatos nyo! Lolz...kailan kaya matatapos Story ni Agimat at Enteng, nkakasawa na give chance to others nman! Lolz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/13/2012 | 12:33 PM
    pag nagkatotoo masya siguro si oyo, danica, dina, pia, coney, paula, vico, KRISTINE,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pepreader123

    06/13/2012 | 12:07 PM
    Hahaha, hindi bossing hindi namin alam ang tunay na nangyayari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About