Jessy Mendiola on tackling a mature role in next project: “I mean, kung magpapakita man ng skin, I think it’s for a valid reason naman. I mean, making love, di naman puwedeng nakadamit kayo. Pero nung sinabi naman sa akin ng management itong project, sinabi nila from the start na mayroong kissing scenes, love scenes... Nagawa ko na naman ito before, why not again? It’s a different project naman.”

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos magbida sa seryeng Sabel at maging leading lady ni Gerald Anderson sa Budoy, mapapanood muli si Jessy Mendiola sa Precious Hearts Romances Presents Isla.

Makakapareha niya rito si Matteo Guidicelli.

    

Ayon sa young actress, kahit nagbida na siya sa ilang serye ng ABS-CBN ay hindi pa rin nawawala ang kaba at pressure sa kanya sa bagong proyektong ipinagkatiwala sa kanila ni Matteo.

  

“Palaging mayroon. Hindi yun nawawala. 

"‘Pag nabibigyan ka ng isang project na alam mong ibinigay sa iyo nang buong tiwala, napaka-overwhelming 'tsaka nakakakaba [ng puso].

"At the same time kasi, hindi mo alam kung tatanggapin ng tao. 

“Mamaya sabihin nila parang maling desisyon yung ginawa namin.

“The fact na ibinigay sa akin nang buong puso, nakaka-humbling lang. Ang saya lang na napu-push ako na galingan pa.

“Masaya kasi parang pinagkatiwalaan nila ako uli ng isang lead role, ‘tapos medyo matured pa yung tema. 

“Kinakabahan din ako kasi sana matanggap nila yung kakaibang ako naman ngayon. 

“Nagawa ko na yung Sabel before, pero ngayon mas matured talaga siya," pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

  

HER NEW CHARACTER. Sa Isla ay ginagampanan ni Jessy ang papel na Yanie. 

“I play the role of Yanie. Madiskarte siyang babae, mapagmahal sa pamilya, sa kaibigan, raketista.

“Mahilig siyang tumanggap ng kahit na anong raket para sa tuition fee ng kapatid niya, panggamot sa nanay niya.

“’Tapos kung anu-anong mga trabaho na tinatangap niya para ma-juggle lahat para sa pamilya niya," paglalarawan ng young actress sa kanyang role.

   

Ano sa tingin niya ang pagkakapareho nila ng karakter niya?

  

“I can say na mapagmahal din ako. Siguro masasabi ko yun kasi gustung-gusto ko na natutulungan ko ang pamilya ko.

“'Tapos nakakapag-ipon ako para sa pamilya ko. 

"I guess, kay Yanie, sa perspective niya in juggling, ito yung akin. 

“Juggling my own savings and pagtulong ko sa pamilya ko.”

  

MATTEO GUIDICELLI. First time niya na makakatrabaho si Matteo.

   

Sabi ni Jessy, “Hindi ko pa siya nakakatrabaho dito, pero I mean magkakilala kami.