Victor Aliwalas on settling down with Liz Almoro: "Everybody keeps asking coz everything’s going great. Talagang masaya kami. We get along really well and we’re happy. So siyempre you know, we wanna eventually work towards that. Hopefully in our future plans."

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Victor Aliwalas sa presscon ng bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Faithfully, noong June 11 sa Studio 7 ng Kapuso Network.

Tinanong namin siya sa balitang ikakasal na raw sila ng karelasyong si Liz Almoro, na ex-wife ng TV host na si Willie Revillame.

“Wala, e. No tsismis, I didn’t hear that. People are asking?" tanggi niya sa balita.

Pero sila pa rin ba ni Liz?

“Yeah, yeah. Matagal na kami, e. Almost two years na kami, e.”

Baka kaya nababalitang ikakasal na sila dahil medyo matagal na silang magkarelasyon?

“Yes, yes. Everybody keeps asking 'coz everything’s going great.

“Talagang masaya kami. We get along really well and we’re happy.

“So siyempre, you know, we wanna eventually work towards that. Hopefully in our future plans.

“The fact that we both mentioned it and want it, it’s a great thing. So sana. Sana in the Lord’s time.”

Puwede na silang pakasal ni Liz?

“Yeah, yeah,” nakangiti niyang sabi.

Annuled na raw ang kasal ni Liz kay Willie Revillame.

WEDDING DATE? So, kailan nila plano magpakasal—this year or next year?

“We’ll see, we’ll see...