[x]

Paulo Avelino on how nervous he was when he accepted his Best Actor trophy from Gawad Urian: "Pinilit kong maging malakas para makapagsalita sa harap. At ang dami ko pang kulang na napasalamatan.”

Photo: Noel Orsal

Ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino ang nagwagi bilang Best Actor sa 35thGawad Urian para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

(CLICK HERE to read related story.)

Ito ang unang nominasyon ni Paulo mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino, pero nasungkit na agad niya ang tropeyo.

“Masaya po ako na nakuha ko ang parangal na ito at matagal ko na rin pinapangarap na makakuha ng parangal,” masayang bulalas ni Paulo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters pagkatapos ng awarding ceremonies kagabi, June 13, sa AFP Theater ng Camp Aguinaldo.

“Nasa top ng list ko talaga ang Urian,” pagtukoy niya sa award-giving body na pinangarap daw niyang mapagkalooban siya ng parangal.

“Ngayon, first time kong ma-nominate, nanalo pa. I’m very thankful sa Urian.”


BESTING 10 NOMINEES! Labing-isa ang naging nominado sa kategoryang Best Actor.

Sa labing-isa na yun, kasama na rin dito ang ilang mga beteranong aktor at yung iba naman ay nanalo na rin sa ibang award-giving bodies.

Sabi ni Paulo tungkol sa kanyang mga nakatunggali, “Well, I’ve seen some of the films and I haven’t seen all.

“I think, everyone, hindi naman namimili ang Manunuri natin ng hindi pasok sa Best Actor kapag hindi nila na-nominate.”


HIS FIRST REACTION. Noong marinig niya ang kanyang pangalan bilang nanalong Best Actor, ano ang naramdaman niya?

“Kinabahan ako,” nakangiti niyang sabi.

“Feeling ko, hihimatayin na 'ko! Pero pinilit kong maging malakas para makapagsalita sa harap. At ang dami ko pang kulang na napasalamatan.”

Noong dumating siya sa AFP Theater, in-expect ba niya na mananalo siya?

Sagot niya, “Noong dumating ako, hindi ko talaga ine-expect.

"Gusto ko lang talagang ma-feel ang ganitong parangal. Kasi, Urian, e.

“I just wanna be here. I wanna see the program.