“Si Coco, mapagbigay ‘yan. Kung may maisip siyang ikagaganda ng eksena, tumutulong siya kahit hindi sa character niya. At marami akong natutunan kay Coco. Kahit i-observe mo lang siya, hindi niya kailangang magsalita, matututo ka na,” says Paulo Avelino when asked about Walang Hanggan co-star Coco Martin.

Photo: Noel Orsal

Bago ang 35th Gawad Urian kagabi, June 13, sa AFP Theater sa Camp Crame, Quezon City ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Paulo Avelino.

Isa si Paulo sa mga nominado sa kategoryang Best Actor para sa pagganap niya sa pelikulang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa.

Saad ng Kapamilya actor, “I never expected that I will be nominated for Urian. Knowing Urian, medyo istrikto talaga yung manunuri nila.

“Noong malaman ko na na-nominate ako, I was very happy.  Actually, yung nomination pa lang, parang award for me.”

Kinakabahan ba siya?

“Kinakabahan din. Pero ayoko kasing malungkot ako after kaya hindi ko na inaangat yung expectation ko.”

Pero bago matapos ang gabi ay si Paulo ang itinanghal na Best Actor.

(CLICK HERE to read related story.)


IMPROVED ACTING SKILLS. Sa panayam pa rin ng PEP kay Paulo bago magsimula ang seremonyas kagabi, nadako ang usapan sa kanyang serye sa ABS-CBN na Walang Hanggan.


Marami kasi ang nakakapansin na pagaling siya nang pagaling sa pag-arte.

“Talaga?” nakangiti niyang sabi.

“Masaya dahil hindi rin naman biro ang karakter ko sa Walang Hanggan.

“At hindi rin naman biro yung parte ng sarili ko na ibinibigay ko kay Nathan... para ma-portray si Nathan," pagtukoy niya sa papel na ginagampanan.

"So, I’m happy na napapansin naman kahit paano.”

Ano ang masasabi niya na tila magaganda ang nangyayari sa career niya ngayon?

“Okay naman. Okay naman. Siguro ngayon lang ang time na namumulat din ako pakunti-konti.

“Namumulat sa sining ng pag-arte at nag-e-enjoy ako sa paggawa ng mga character.