news

Vaness del Moral one of five leading ladies in new TV series

by Glen P. Sibonga posted on June 16, 2012  STATS: 10104 Views | 10 Comments

After a number of supporting roles, Vaness del Moral (in photo) gets her big break in Faithfully, as one of five leading ladies, including Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli and Isabelle Daza. The series starts June 18 on GMA Afternoon Prime.

Photo By: Noel Orsal

Natutuwa si Vaness del Moral dahil unti-unti nang nagle-level up ang roles na ginagampanan niya sa mga teleserye ng GMA-7.

Kung dati kasi ay supporting lang siya hanggang sa maging full-fledged kontrabida sa Kokak, sa bagong Kapuso afternoon soap na Faithfully ay isa na siya sa limang bidang babae kasama sina Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli at Isabelle Daza. Mapapanood ang serye simula June 18 sa GMA Afternoon Prime.

“Masaya ako, nakaka-touch siyempre dahil napansin nila ako ulit at binigyan nila ako ng isa pang magandang role pagkatapos ng Kokak at ng pag-guest ko sa Broken Vow.

"So, thankful ako sa GMA at saka sa Artist Center dahil nakikita naman nila yung efforts ko. Masaya ako na yung ibinigay nilang project na bago ay sobrang bago rin ang role na ginagampanan ko,” sabi ni Vaness nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano naman ang challenge sa kanya ng role niya rito?

“Yung challenge nitong role ko rito bilang si Dina Carvajal, sa iba kasi all through out kontrabida ako dere-deretso. Dito nagba-vary, nagpapalit.

"Parang minsan ang bait-bait ko, tapos biglang sasama tapos babait na naman. Bida-kontrabida yung role, parang ganun. So, nag-level up talaga.”

BEING FAITHFUL. Dahil Faithfully nga ang title ng soap nila, natanong tuloy ng PEP kay Vaness kung gaano ba kahalaga sa kanya ang pagiging faithful sa isang relasyon?

“Siyempre mahalaga yun lalo na kapag meron kang partner o boyfriend. Ang pagiging faithful hindi lang siya dahil nandiyan siya sa tabi mo or nakikita mo siya, kailangan kahit wala siya o hindi mo siya nakikita at malayo siya, alam mo sa sarili mo na siya lang ang mahal mo, sa kanya ka lang, sa iyo lang siya, and masaya kayo.

"Pag hindi ka faithful iyan yung isa sa magiging cause ng problema at ng paghihiwalay kapag merong kang partner.”

So, confident naman siya na faithful sila sa isa’t isa ng boyfriend niyang si Biboy Ramirez?

“Of course, yes. Ako, lalo na ako, confident ako.”

STILL NO WEDDING BELLS. Two years and nine months na raw ang relasyon nina Vaness at Biboy pero wala pa silang planong magpakasal.

“Ang dami ngang nagtatanong kung kailan ang kasal. Ang sabi ko, hindi ko pa alam.

"Sabi ko, sabihin na lang nila kay Biboy na mag-propose na siya para pag nag-propose na siya, oo naman ang isasagot ko e.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

10 Comments

  • 10  yuri_alex

    06/18/2012 | 10:55 AM
    Ganda din ng babaeng 'to! Magaling din umarte at sumayaw. Keep it up Vaness!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    06/16/2012 | 06:06 PM
    Dun na ako sa pango compared dito sa unknown nametag starlet. Daming margarine sa mukha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    06/16/2012 | 06:05 PM
    magaling c vaness umarte. nung napanood ko siya sa PP, nagulat ako marunong pala siyang sumayaw. dati kasi lagi siyang sidekick ni jennylyn. buti naman at napansin din siya. feeling ko maganda itong faithfully. pang primetime talaga ang pang hapon ng GMA. magaganda ang istorya at refreshing ang casting. sana may rotation din sila. gawing pang hapon sina dingdong, marian at richard.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lexx

    06/16/2012 | 04:14 PM
    maganda namn compare ke sarah g. pango
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cometstail2

    06/16/2012 | 03:29 PM
    Starletik! Next.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    06/16/2012 | 03:23 PM
    isa syang patunay sa mga nagkalat na starlets ng gma! madami pa sila!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    Paradigm
    06/16/2012 | 06:01 PM
    Tama! Dapat walisin ang kalat.. Kasanib Starlets!
    coolitz4coolitz
    06/17/2012 | 09:39 AM
    At least never nawalan ng project, tuloy-tuloy ang trabaho, despite the fact na siya ang unang natanggal sa Starstruck batch niya...
  • merlion_25

    06/16/2012 | 03:19 PM
    Wow! Parang Legacy via GMA7's afternoon prime. Gotta watch this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    06/16/2012 | 02:41 PM
    Dapat eto ang pasikatin with alessandra d. Kesa kay peborit pamangkin... Paano mo makikilala no.2 ang mundo mo nakaikot lng sa abaias cbn mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    06/16/2012 | 02:36 PM
    sorry but di ko talaga xa kilala... senxa...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    rray
    06/16/2012 | 03:16 PM
    di ko rin xa kilala kc di naman ako tv fanatic hanggang news lang ako.. yong iba kilala ko kc dito sa pep pag bored ako nagbabasa ako..
  • tatoyadik

    06/16/2012 | 01:57 PM
    magaling to lalo na sa basahang ginto...sana tuloy tuloy ang projects...good luck...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About