news

Andi Eigenmann says she will not press Albie Casiño to admit he's the father of her baby Ellie: "Kung ayaw, ayaw; kung wala, wala."

by Melba R. Llanera posted on June 16, 2012  STATS: 13229 Views | 19 Comments

Will Andi Eigenmann allow her daughter Ellie to join showbiz?

“Kung commercial at may mag-aalok, bakit hindi? Payag ako pero wag artista. Gusto ko sa ibang mundo lumaki ang daughter ko. Ako, nandito na ang family ko, nandito na ako. Gusto kong ma-expose siya sa iba pero eventually, paglaki niya, pagtanda niya, pagka-graduate niya ng college at gusto niya talaga e, di sige. Matagal pa naman yun pero sa ngayon, ayaw ko,” Andi says.
Photo By: Allan Sancon

Balita na tuluyan na raw tatalikuran ni Albie Casiño ang showbiz at ipagpapatuloy na lang ang pag-aaral nito. 
 
 
Naituturong ama ng anak ni Andi Eigenman at kamakailan nga ay naugnay sa isang insidente kung saan binugbog siya sa Fiama Bar ng ilang kalalakihan na sinasabing malalapit na kaibigan daw ng aktres. 
 
 
Para sa iba, ang mga di raw magagandang kaganapan na kinasangkutan ni Albie ang maaaring rason kung bakit nagdesisyon na raw ang young actor na piliin na lang mamuhay bilang isang ordinaryong tao at iwanan na ang showbiz.
 
 
Sa  nakaraang trade launch ng mga bagong bubuksang shows ng ABS-CBN sa NBC Tent sa The Fort, Thursday, June 14, kung saan isa sa main cast ng seryeng Kung Puso’y Masugatan si Andi, agad hiningan namin ng reaksyon ang young actress sa desisyon na ito ng ex-boyfriend.
 
 
“Okay yun kasi nung nakakapag-usap pa kami ni Albie, gusto naman talaga niyang mag-aral, yun ang talagang gusto niya. I’m happy to hear na he’s back to school talaga, buti naman yun.”
 
 
Tinanong din namin si Andi sa sinabi raw ni Albie na nasira raw ang buhay niya dahil sa showbiz kung saan ang di magagandang nangyari sa kanila ang isa sa ikinasira raw ng showbiz career ng aktor.
 
 
“Depende naman yun kung paano tatanggapin ang mga pangyayari sa buhay natin di ba?
 
 
"Kung ganun ang pinaniniwalaan niya, wala naman tayong magagawa doon, ang mas mahalaga ay kung ano ang nasa puso mo.”
   
 
 
Consistent pa rin si Andi sa paniniwala niya na kung darating ang panahon na kikilalanin ni Albie ang anak niya, ay lagi siyang bukas dito.
 
 
“I’ll always be open to that because he’s the father of my child.  Hindi mawawala yun, pero hindi mo ipipilit ang ganun.
 
 
"Kung ayaw, ayaw; kung wala, wala. 
 
 
"Kung masama ang ano nila sa amin, hindi kami gaganti, walang ganun-ganun, pero hindi rin namin ipipilit yun kasi puwede ko namang mapalaki si Ellie kahit hindi niya makilala si Albie.”
 
 
Kinumusta namin  kay Andi ang kaso na isinampa ni Albie dahil sa pambubugbog daw sa kanya kung saan naniniwala daw ang young actor na may kinalaman daw dito si Andi.
 
 
“Hindi ko alam, wala naman talaga akong alam dun,” ang sagot ni Andi.
 
 
Kapansin-pansin na walang bitterness o sama ng loob na mababanaag kay Andi habang kausap namin siya.  Ayon sa young actress ay wala talaga siyang anumang negative feelings kay Albie o kahit kaninuman.
 
 
“Bakit pa ba ako magiging bitter, I wouldn’t want [to live] my life any other way. 
 
 
"Ang saya-saya ko ngayon, walang dahilan para maging bitter ako, walang nawala sa akin nung nawala siya. 
 
 
"Masayang-masaya ako kay Ellie, nawala nga siya [Albie] pero may naibigay naman sa akin na sobrang gandang angel and I really want to take care of her and really love her really.
 
 
"It’s a waste of time for me to be bitter over someone who doesn’t even care.”
 
 
FATHER'S DAY. Tomorrow, June 17, is Father’s Day. We asked Andi how she will celebrate this special occasion.
 
 
“Magla-lunch kami with my Dad [Mark Gil] kasama si Ellie.
 
 
"Aware naman ako dun at naiisip ko din yun. Minsan maiisip mo masakit. Pero minsan... para mas ma-appreciate natin ang mga magagandang bagay sa buhay... matapos nating masaktan at mahirapan.
 
 
"Kailangan nating pagdaanan ang mga masasakit. Feeling ko it’s just part of life.
 
 
"As much as much as it would hurt me and Elli, we have to face that and eventually, find out why. Pero hindi pa natin alam. Malay mo, biglang gusto niyang makilala ang anak niya.”
 
 
Tulad ng kanyang mga magulang ay gumawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz si Andi. Pero nang tanungin namin kung papayagan ba niyang mag-artista si Ellie tulad niya, ito ang sinagot sa amin ni Andi:
 
 
“Kung commercial at may mag-aalok, bakit hindi? Payag ako pero wag artista.  
 
 
"Gusto ko sa ibang mundo lumaki ang daughter ko.  Ako, nandito na ang family ko, nandito na ako.
 
 
"Gusto kong ma-expose siya sa iba pero eventually, paglaki niya, pagtanda niya, pagka-graduate niya ng college at gusto niya talaga e, di sige. Matagal pa naman yun pero sa ngayon, ayaw ko.”
 
 
BACK TO WORK. Balik-telebisyon si Andi sa pamamagitan ng Kapag Puso’y Masugatan. Excited ang young actress sa kanyang pagbabalik-telebisyon.
 
 
“Masayang-masaya ako, excited [ako] na bumalik ng TV. Siyempre parang rebirth ko ito. Yun ang tinatawag ko dito sa pagbabalik ko. 
 
 
"Ibang-iba ang makikita nila. More mature level na magpopokus talaga ako sa craft ko, sa acting ko, sa sarili ko. 
 
 
"Gustong-gusto ko lang talaga maging mas mabuti pa ko kaysa before saka trabaho lang nang trabaho. 
 
 
"Sana yung mga taong sumusuporta sa akin, nandiyan pa rin sila hanggang ngayon, na naghihintay pa rin sila na makita ako sa TV."
1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  cinelamour

    06/21/2012 | 01:13 AM
    if andi wants to shut up albie, go with the dna. at least she can shove to albie's throat the truth. or mag-party na lang tayo sa bar at mangbumbog?? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  cinelamour

    06/21/2012 | 01:08 AM
    malaking insulto sa babaeng matino ang dna? of course! but andi is quite the opposite.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  pearl102

    06/17/2012 | 09:59 PM
    Malaking insulto ang DNA kung ang isang babae ay alam ng lahat na matino at hindi kung sino sinong lalaki ang napapabalitaang kasama sa mga bars at nakikipag inuman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  puckerlips143

    06/17/2012 | 03:16 PM
    malaking insulto sa babae ang iask ng lalki ang dna test lalo na kung ng unang malaman ng lalaki ang pagbubuntis ay inadmit naman. hindi naman dna ang sagot dyan tingnan nyo ang latest pic ni ellie nabrowse ko lang sa isang website kapareho ng ilong ni albie malaki ang dulo ugh. sana magbago paglaki at makamukha ni andi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  gossiphungry

    06/17/2012 | 02:44 PM
    ang comment ko lang Andi, next time na tanungin nila si Albie.. dont bother to answer na... hindi sya worth it ng kahit na ano galing sa yo.. not even words... good luck! happy father's Day sa yo Andie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  sa_totoo_lang

    06/17/2012 | 12:56 PM
    Kung bakit naman kasi pumatol ka sa bata, e ikaw itong may-edad na dapat nagturo kay Albie na mag-ingat at hindi pa puwedeng maging tatay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  fifiandtheflowertots

    06/17/2012 | 09:44 AM
    si albie ayaw niyang panagutan ang kanyang anak kaya ang alibi niya ay hindi angkinin ang bata. at sigurado si andi kung sino ang ama ng kanyang anak, kaso nga lang, si lalaki bahag ang buntot at ayaw aminin. ganyan lang ka simple yun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  delicatepetals

    06/17/2012 | 09:31 AM
    DUH!!! ur nothing compares to my Idol MARIAN RIVERA!!!! ur so cheap andi!!! unlike my idol very beuatifulnesss! and sexiness!!! and gorggeousness!!! best Actress pa!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    cy2
    06/17/2012 | 10:35 AM
    anu na mn ang problema ni delicatepetals? ok ka lg teh? bakit kinu compare mo ung dalawa? ang layo2 na mn nila, for ur info mas magaling na actress c andi kompara sa bansot mong idolo. helloooooooooooo asan na2lo ng best actress yang flop mong idol? ikw ata tong cheap,feeling....
    delicatepetals
    06/17/2012 | 12:46 PM
    DUH! Andi???? Yuck!!! So cheap! no father the baby! Unlike Marian which is so freshness!!! Marian is also bright and smartest! Unlike aAndi which is so Stupidness!!!
  • 11  BeckyLeeKelly

    06/17/2012 | 06:48 AM
    I think kahit si Andi di rin sigurado kung sino ang ama ng baby nya! Hindi naman makakabawas sa pagkatao mo yung DNA test! kung sure ka talaga na si Albie ang father ng baby mo! Bakit di mo isupalpal ang DNA test result sa family ng Albie na yan para mapahiya sa pagtanggi sa anak mo! In the end, ang kawawa dyan ang baby mo kasi paglaki nya for sure may mga mapapanood syang video ng interviews mo sa internet at malalaman nyang itinatanggi sya ng alleged father nya! Kaya habang wala pang isip ang baby mo ipa-DNA mo na para tapos ang usapan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  shidax

    06/16/2012 | 11:03 PM
    kayo kaya mabuntis at sabihan ng lalaki na ipa DNA ang bata hindi kaya kayo mainsulto????e di para nyo naring sinabi na may ibang lalaki pang gumalaw sa inyo!pagsigurado ang babae hindi talaga yan magpa DNA!!!!!!
    Reply |  5 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    06/17/2012 | 02:08 AM
    di naman maghahamon ang lalaki nang DNA kung alam niyang kanya ang pinagbubuntis. may doubt kaya ganoon. you yourself will know kung iyo nga ang bata. eh kaso masyadong playgirl itong si babae kaya sobrang doubtful kaya di maamin nang lalaki na kanya ang bata.
    pearl102
    06/17/2012 | 05:36 AM
    Hindi magda doubt ang lalaki kung walang naririnig or nakikita? Bakit naman si Jennilyn Mercado, Dina hinusgahan din siya ng nanay ni Patrick Garcia at ni Patrick mismo. Nag dare sila ng DNA pero tumanggi ba si Jennilyn?? Di ba hindi? Sa dinami dami ng masasakit na salita na nakuha ni Jennilyn sa matobreng ina ni Patrick pumayag pa rin siyang ipa DNA ang bata. Kahit masakit kay Jennilyn pinatunayan pa rin niya thru DNA. Hindi ba si Patrick pa ang naghabol at ginawa ang lahat para mapalapit sa anak dahil sa galit ni Jennilyn ay hindi niya ito binigyan ng visiting rights not until lately ng lumambot na ang puso ni Jennilyn.
    puckerlips143
    06/17/2012 | 03:21 PM
    parang wala naman akong nabasa na pumayag ipa dna ni jennelyn ang anak nya. tumanggi syang sumailalim sa dna test ang anak nya. ang alam ko lang ng makita ni patrick yun bata na kamukhang kamukha nya. hayun sya talaga lumapit kay jennelyn. sino ba ang mali ang info pakicorrect doon sa nakakaalam. thanks.
    sheepangga
    06/17/2012 | 05:00 PM
    korek ka dyan! :
    pearl102
    06/17/2012 | 09:50 PM
    Puckerlips, naniniwala kang nakita lang yung pic eh nagpapakamatay na si Patrick na magkakaroon ng chance na magkasama silang mag ama? Really? Sa tingin mo basta na lang papayag yung matapobreng nyang nanay? Walang sinabi yung naging experience ni Andie kay Albie sa pinagdaanan ni Jennilyn kasi hindi ito galing sa angkan ng mga artista.
  • landstown

    06/16/2012 | 09:34 PM
    ang hiling lang naman ay dna test,bakit ayaw mo. takot ka ba malaman ng lahat hindi si albie c. ang tatay? panay kasi ang pasaring mo kung ayaw niya ay di wag, hindi nga siya sigurado kung siya ang ama kaya pa dna test ka na. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gummybears6

    06/16/2012 | 09:27 PM
    move on !!tumino ka na kasi si albie hindi ikaw ang gustong kasama sa buhay nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    sheepangga
    06/17/2012 | 05:22 PM
    and who said naman that andi wants albie na kasama sa buhay?!
  • pearl102

    06/16/2012 | 09:03 PM
    Will not press yung Albie? Baka naman deep inside her hindi siya sigurado na yung lalaking yon ang AMA ng kanyang baby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    06/16/2012 | 08:59 PM
    bakit si Andi parang hindi na train ngpersonality development ng abs? pag nasagot sya parang may kaargue lang sa kanto. Nagtatanong lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bus_stop

    06/16/2012 | 07:56 PM
    xltr foz38560;12428;12390;28961;12392;12363;12395;12399;12473;12467;12521;12392;12379;;fxbvzcvyt
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fernan

    06/16/2012 | 06:22 PM
    Buti naman at may mga mapagmahal kang magulang at mga kaptid. God bless you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fernan

    06/16/2012 | 06:21 PM
    Hindi mo talaga dapat panghinayangan ang isang lalaking katulad ni Albie, Siya ang nawalan sa pagtalikod nya sa katotohanan, ang bata ay isang blessing na matatawag at kanyang tinalikuran may karmang darating sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    lanalang08
    06/17/2012 | 02:11 AM
    doubtful si lalaki dahil hindi siya seguradong siya lang ang lalaki sa buhay ni andi ganoon lang iyon. hindi tatalikod ang lalaki sa isang responsibilidad kung alam niyang siya ang ama. kaso may agam agam. kaya nga nga na lang siya. karma hindi ako naniniwala na makakarma si albie dahil ayaw niyang panindigan si andi at aminin siya ang ama baka si andi pa.
  • prettyme4sure

    06/16/2012 | 04:27 PM
    I'm sorry pero iba talaga ung impression na nun time na nabugbog si Albie, she's at the bar, I don't know. also in her interview always includes albie and ellie, pwede un project mo na lang pag usapan????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    06/16/2012 | 04:19 PM
    Ang ingay mo ANdi! Siya yung artista na pag ini-interview sa TV kailangan mong eh change channel ang INGAY niya at napaka ANNOYING. Feeling tama siya sa mga pinagsasabi!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    cinelamour
    06/21/2012 | 01:10 AM
    agree. she is coming of self-righteous! inay na nakikparty sa dis-oras ng gabi at iniwang ang 3-month old baby?

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About