news

Edu Manzano not receptive to idea of being paired with younger actresses: “I will tell them to give it to Luis.”

by Allan Sancon posted on June 16, 2012  STATS: 9110 Views | 3 Comments

Who's the better game show host? Edu Manzano or his son Luis? “Siyempre naman, tinatanong pa ba yan?....Si Luis! Ha ha ha ha! [sabay tawa ng malakas]. Ang importante kay Luis, e, he has to challenge himself, e. Kaya lagi kong sinasabi sa kanya na he needs to read, learn  and watch other shows," Edu says. 

Photo By: Noel Orsal

Kung ang mga nakasabayan niyang aktor ay naipapareha sa mga mas batang aktres, iba naman ang pananaw ni Edu Manzano tungkol dito.

“I will tell them to give it to Luis," ang sambit ng Game N' Go host sa isang mini-press conference na naganap noong June 13 sa Mario's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang pinanggalingan ng komentong ito ay ang panayam ni Vilma Santos, ina ng kanyang panganay, kung saan tinanong ang veteran actress tungkol sa posibleng movie project nila ni Derek Ramsay.

"Puwede" ang sagot ng gobernadora nang usisain siya kung papayag ba siyang magkaroon ng kissing scene kasama ang aktor na inilarawan din niyang "yummy."

Ang mabilis na reaksiyon ni Edu, “Wow! Ah talaga?"

Dugtong ng host, "For the record ha, I would say, never never akong gagawa ng pelikulang may kissing scene with Derek Ramsay. Never! Ibahin niyo ko, ha. Ibahin niyo ko...”

Nasa plano ba niya ang gumawa ulit ng pelikula?

“The last movie, I made is Tanging Yaman... Very proud ako sa film na 'yan, e..." aniya.

At para mapapayag siyang lumabas ulit sa big screen, "Kailangan ma-capture mo interest ko, tulad nga niyang Tanging Yaman na maganda yung istorya. It has a beautiful cast, fantastically directed, and it touched many hearts.”

Paano kung ipareha siya sa younger actress gaya ni Angelica Panganiban?

“I’m sorry, ilang beses na ako nakagawa ng pelikula with Angelica Panganiban na kung saan anak ko siya, so, hindi na maganda.

Nagkomento rin si Edu tungkol sa mga anak niya.

“I wanna spend [more time with] my children. Ang dami kong sinasabing I bring acts of love, [but] I let too many years pass, kung saan ay binigyan ko ng priority ang trabaho.

"Kumita [ako] ng pera… but I did not spend enough time with my children. Kaya ngayon, any time I have I spend it with Stephanie.”


NO TO POLITICS. May balak pa ba siyang tumakbo sa susunod na eleksiyon?

“I did this morning sa UP, bago ako pumunta rito [sabay tawa!]

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3 Comments

  • diane84

    06/17/2012 | 04:14 PM
    dpt lng nmn na bawal ka na umapak sa ABS, aftr all! loook what happened to you! katawa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    06/16/2012 | 09:00 PM
    Good for you Edu...hayan Gabby Concepcion, Bong Revilla, Robin Padilla...makinig kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/16/2012 | 06:20 PM
    Thats a good receptive idea Edu,.. di gaya ni Aga at Vic, tanggap lng ng tanggap ng leading ladies kahit galing pa sa Going Bulilit o Little Miss Philippines. Yak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About