Isabelle Diaz says people often tell her about her mom's (Gloria Diaz) wet T-shirt scene in the film classic, Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa. “I’ve seen Pinakamagandang Hayop, pero half of it lang.  Ang pangalan pa nga ng mommy ko sa movie is Isabel tapos nangangabayo. Half lang yung napanood ko, kasi yung Betamax namin nasira.  Pero I should get it."

Photo: Nimfa Bonifacio

Ang bagong lalabas na serye sa GMA7 na Faithfully, ang kauna-unahang paglusong ni Isabelle Daza sa acting.

 
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Isabelle sa nakaraang press launch ng nasabing serye na pinagbibidahan rin nina Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Vaness Del Moral, Isabel Oli, Mike Tan at Marc Abaya, sinasabi niyang hindi pa niya maramdaman ang pagiging aktres dahil wala pa siyang crying scene.  Pero naranasan na niya ang mapuyat dahil sa trabaho.
 
 
Friends and betrayal ang tema ng kuwento sa Faithfully kung saan isa si Isabelle sa makikipag-agawan sa iisang lalake.
 
 
“Mayaman ang character ko dito, sosyalera pero hindi ko pa alam kung magiging mean ako dito. Makikita natin in the following months kung magbabago yung character ko, kung magiging mabait or balimbing ako,” sabi ni Isabelle.
 
 
Ano ang reaksyon ng mommy (former Miss Universe Gloria Diaz) mo sa paglusong mo sa acting?
 
 
“Kakarating pa lang ng mommy ko from Europe, hindi pa kami nakakapag-usap about the shoot.  Kasi since first week ko pa lang, I think I only had two tapings pa lang.
 
 
“Alam niya [yung paga-artista] and she keeps telling me to do my best.  Kasi sabi niya, 'You’re only as good as your last scene.'  Ang dami niyang advice, actually, bago pa may show.”
 
 
Hindi ka ba pinigilan na mag-artista?
 
 
“Hindi. Actually, siya nga yung may gusto na umarte ako para matuto ako to earn my own money, at kung ano ang ginawa niya her whole life para malaman ko yung feeling niya.  So, ayun…
 
 
“Okey naman, okey naman.  Mahirap.  A lot of people think that pag nasa showbiz ka, glamorous, and daming perks.
 
 
"Pero I think ang mga artista—[they're] one of the most hardworking people. Siyempre, everybody sa set, puyat.
 
 
“Nabago talaga yung buhay ko.  Kasi 24-hour shoot.  Pero masaya.  Masaya silang kasama.”
 
 
Pagpapatunay ni Isabelle hindi raw niya pinangarap o inisip ang mag-artista dahil unang-una, hosting ang gusto niyang career path at modeling.
 
 
“Ang acting hindi siya talaga naging pangarap ko.  I dreamt more of hosting dahil mas personality ko. 
 
 
"You know, magtanong ng mga questions, kumausap ng mga tao.  Parang ang acting for me napakahirap at kailangan talagang pag-aralan. Hindi yung puwedeng okey na ito, act ka na.
 
 
“I think that’s why I'm hesitant and even up to now, I still have a lot to improve on.”
 
 
ISABELLE, THE ACTRESS. Tanggap mo na ba na artista ka na?
 
 
“Ahmm, ewan ko. Siguro tatanggapin ko na pag may first crying scene na ako or pagwawala.”
 
 
Hindi makapaniwala si Isabelle sa mga papuri sa kanya ng press na hindi lang maganda ang rehistro ng mukha niya sa screen, kundi may potensyal daw siyang maging isang aktres.
 
 
“Talaga?  Actually, when I see myself on TV medyo nahihiya ako sa sarili ko.  I don’t really like to watch myself. 
 
 
"But my mom always tells me, 'Kailangan talaga you watch yourself. It’s the only way you’re gonna learn.'
 
 
"O, mali pala ito.  Masyadong gumagalaw or ganon.”
 
 
NO PRIVACY. Handa na ba siyang ma-invade ang kanyang privacy?
 
 
“Actually, since I started showbiz nangyari na, marami ng nagtatanong, papa-picture.  Minsan galing gym, you go to the grocery kahit hindi naka-ayos, may magpapa-picture. 
 
 
"Nahihiya naman ako kasi people always perceive you na dapat sobrang ganda ka. Dapat role model.
 
 
“So,  I guess, that’s the only side na I’m not yet used to.  'Are you sure na gusto mong magpa-picture sa akin na ganito ang mukha ko?'
 
 
“Hindi ako naiirita because ever since I was young, ganun na yung…pag pumupunta kami ng mall ng mom ko, laging may nagpa-picture, may nagpapa-autograph.
 
 
“Hindi naman naiinis pero hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan. Siyempre, I grew up with that at laging sinasabi ng mom ko na 'Eto ang mga taong nagbayad ng movies ko. These are my fans.'”
 
 
NEEDS IMPROVEMENT. Since nagsisimula ka pa lang, ano ang mga kahinaan mo at dapat mong i-improve?
 
 
“Lahat!  Lahat needs improvement. Siyempre, sa pagdi-deliver ng lines kailangan natural.  Nakakapagsalita ako ng Tagalog pero kailangan pa ring pagbutihin para hindi nabubulol. 
 
 
"Kasi pag teleserye napaka-deep ng tagalog.  Hindi katulad nito na para lang tayong nagkukuwentuhan.”
 
 
Bukas ka na ba sa mga kissing scenes?
 
 
“Wala pa akong kissing scenes, pero tignan natin,” parang kinikilig na excited na sambit ni Isabelle.
 
 
“I’m so nervous na yun ang kinakatakutan ko...wala lang.
 
 
“Lahat sila possible na puwede [maka-kissing scene]. Pero hindi ko pa kasi naiisip yan.”
 
 
KISSING SCENE. Kung papipliin ka ng mga leading men sa Faithfully, sino kaya ang  pasado na maka-kissing scene mo?
 
 
“Sino ba ang pinakamatangkad d'yan? Yun na lang siguro yung ano…mga bagay sa akin.”
 
 
Wala sa cast ng serye mo, pero puwede ba si Richard Gutierrez?
 
 
“Si Richard?...I mean, naging ex siya ng cousin ko [Georgina Wilson].  So, sa family namin napakalapit niya. Si Raymond [Gutierrez, kapatid ni Richard] best friend ko, lagi kaming magkasama.
 
 
“Although, if it happens with Richard, I guess I’m gonna be less scared kasi I know him personally, but….
 
 
“Sino kaya here [sa Faithfully male cast]?  Mike Tan? Puwede si Mike, pwede si Victor [Aliwalas] at si Will [Devaughn] kasi matatangkad kami.
 
 
“Siyempre, gusto ko ng matangkad kasi I wanna feel like a lady.”
 
 
WHAT SCARES HER. Nabanggit ni Isabelle sina Mark Anthony Fernandez at TJ Trinidad.  Bagamat pasado rin naman si Dingdong Dantes pero parang walang interes dito ang dalaga. Natatakot ba siya kay Marian Rivera na girlfriend ni Dingdong?
 
 
“Hindi naman.  I see her, nagha-hi naman kami.  I say hi to her naman sa Party Pilipinas.


“Siyempre naman umiiwas ako [sa intriga].  Pero hindi ko naman iniisip yung kung anuman.
 
 
“Basta, I’m scared sa mga kissing scenes, sa mga crying scenes.  Yung dalawang yun. Doon ako takot.”
 
 
Ngayong contract star na siya ng GMA-7 at nagsimula na rin siyang mag-artista, malabo na sumali sa mga beauty pageants si Isabelle.
 
 
“Baka next year na!” biro niyang bulalas na binawi rin. 
 
 
“Hindi. Yes, I’m with GMA.  Happy naman ako dito sa GMA.  Happy naman ako sa trabaho," dugtong niya.
 
 
Nagsimula na si Isabelle sa Eat Bulaga! bilang ka-alternate ni Solenn Heussaff.
 
 
“So, I’ll be busy."
 
 
LOVE LIFE. Pagdating naman sa love life, hindi itinatanggi ni Isabelle na meron siyang non-showbiz boyfriend. Isa itong  athlete-businessman.
 
 
Matipid si Isabelle sa pagsasabi ng mga detalyeng pagkikilalan sa boyfriend niya dahil hindi naman ito taga-showbiz.
 
 
Ready ba ang kanyang boyfriend na ma-intriga siya at ma-link sa kung kani-kaninong male celebrities?
 
 
“Ah, oo," sagot niya.  “I think it’s more me naman—kung ready ako.  I think with showbiz, dala talaga ang intriga di ba?  Para something juicy.”
 
 
Wala bang pagbabawal ang iyong boyfriend sa mga gagawin mo sa showbiz?
 
 
CONSERVATIVE MOM. “Hindi siya ang may mga restrictions.  Ang mom ko ang nagri-restrict sa pagiging sexy na ganito-ganyan...sa mga sexy. 
 
 
"Ayaw niya.  Sa akin okey lang, I understand. Ako rin naman I don’t wanna jump right into it.
 
 
“Siyempre, very conservative ang mommy ko.”
 
 
Nabanggit nga namin ang tungkol sa unang sexy movie ng mommy niya, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, kung saan braless pa ito sa suot niyang kamison.
 
 
“Alam mo, ang nakakatawa, ang daming nagsasabi sa akin ng ganyan.  Siyempre, she’s a sex symbol or a sex icon.
 
 
"It’s funny, ang sinasabi lang niya, 'Iba na ngayon, iba dati, iba na ngayon.'
 
 
“I’ve seen Pinakamagandang Hayop, pero half of it lang.  Ang pangalan pa nga ng mommy ko sa movie is Isabel tapos nangangabayo.
 
 
“Half lang yung napanood ko, kasi yung Betamax namin nasira.  Pero I should get it.”
 
 
SMALL BREASTS? Laging sinasabi ni Isabelle na maliit ang dibdib niya kumpara sa iba.  Ito raw ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumali ng pageant. 
 
 
Naliliitan ka ba sa breasts mo?
 
 
“No! not at all.  It’s a joke.  My friends ask me or people ask me [if I will join pageants, so I tell them], 'No, I don’t have boobs or ganito.'  It’s a joke to make people laugh. 
 
 
Magpapa-enhance ka ba?
 
 
“No.  Bakit kailangan ba?” tanong niya.
 
 
Sigurado si Isabelle na hindi siya sasali sa mga pageants at hindi niya susundan ang yapak ng kanyang ina na isang beauty queen.
 
 
“I think, it’s something na nagawa na ng mom ko and I’m very proud of her.  I think I don’t need to do that to be able to prove myself.
 
 
“Walang pressure from my mom.  [She] always tells me...kasi people always ask that.  In fact, yun ang pinaka-number one question—if I’m gonna join. 
 
 
"When my mom and I talk about it, nagju-joke kami. Oh, would I rather be smart or beautiful?  Mayaman or mahirap...yun ang mga beauty pageant questions.
 
 
“My mom always tells me, 'Kung gusto ko ng korona, isuot ko na lang yung sa bahay.'  Yun na yun.
 
 
“Nasuot ko na yun, I wore that at Tim Yap’s party and nanalo naman [ako] ng best-dressed.  Okey naman, happy na ako doon.”