news

John Lapus reveals childhood memories of his estranged dad

by Rose Garcia posted on June 17, 2012  STATS: 10791 Views | 0 Comments

John Lapus (in photo) says that when he was a little boy, his father Jojo Lapus would bring him to the Film Center where he would watch general patronage and bold movies while his father worked. "That’s something na puwede kong ipagpasalamat.  Ang tatay ko ang isa sa mga nag-expose sa akin sa pelikula," John says of his estranged father.

Photo By: Noel Orsal

Sa mga nakakakilala kay John "Sweet" Lapus simula pa lamang siguro noong bata ito, alam na nila ang totoong kuwento sa pagitan niya at ng kanyang ama na si Jojo Lapus.  Matagal na rin namayapa ang ama ni John na isang manunulat.

Kumpara sa ibang relasyon ng mag-ama, aminado naman si John na hindi sila naging ganoon kalapit ng tatay niya noong nabubuhay pa ito.

Ngayong Father’s Day, tinanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John noong press conference ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli  tungkol sa mga alaala niya ng tatay niya.

Napa “Oh my God!” ito sabay sabi nang, “Kaka-guest ko lang sa Sharon, Kasama Mo Kapatid and I was saddened by the idea na wala akong masyadong masagot kay Sharon [Cuneta sa tanong na yun], although naintindihan ng Megastar.

“Well, sinabi ko yun, sa guesting ko.  Na nakakalungkot na guest mo ako ngayon para sa isang Father’s Day episode pero, wala akong masabi. 

"Kasi yun ang episode para sa mga taong naging estranged yung relationship nila sa tatay nila.

“Nakakalungkot na isa ako sa mga yun.  Pero, ganoon talaga.  Wala naman akong magagawa. 

"Hindi naman ako dapat mag-sour graping, hindi ko naman dapat ikalungkot yun dahil yung nangyari sa amin ng tatay ko ay naging dahilan para maging malakas akong tao at matatag sa buhay.

“At maging magaling sa larangan na aking pinasok which is, show business.”

HE WON'T LIE TO HIMSELF. Ayon pa kay Sweet, hindi nga raw magandang pakinggan na hindi siya nagkaroon ng magandang relasyon sa sariling ama noong nabubuhay pa ito, pero mas pangit naman kung ikakaila pa niya ito.

Sabi nga niya, “Ang pangit pakinggan, pero, yung nangyaring pag-iwan sa amin ng tatay ko ay dapat ko pa yatang ipagpasalamat sa tagumpay na tinatamasa ko ngayon. 

"Kasi, otherwise—well, tinanong nga ako ni Sharon, kung hindi ka iniwan ng tatay mo, ano ka ngayon?

“Well, malungkot na nagta-trabaho sa isang hotel o restaurant bilang HRM [Hotel and Restaurant Management] ako at malamang ang lungkot-lungkot ko.”

Eleven years old pa lang daw si Sweet nang umalis ang ama niya.

Ayon pa kay Sweet, “After noon, naging estranged father na siya to me hanggang sa mamatay siya.”

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About