news

John Lapus reveals childhood memories of his estranged dad

by Rose Garcia posted on June 17, 2012  STATS: 10789 Views | 0 Comments

John Lapus (in photo) says that when he was a little boy, his father Jojo Lapus would bring him to the Film Center where he would watch general patronage and bold movies while his father worked. "That’s something na puwede kong ipagpasalamat.  Ang tatay ko ang isa sa mga nag-expose sa akin sa pelikula," John says of his estranged father.

Photo By: Noel Orsal

Tinanong din namin si Sweet kung sa labing-isang taon na nakasama niya ang Daddy niya, may magagandang memories ba siya rito?

“Wala,” saad naman niya.

MEMORIES OF TATAY. Pero dugtong din niya, “Well, naalala ko na sinasama niya ako, sa Magnatech, very memorable sa akin ang lugar na yan, kasi mag-e-edit siya o magda-dubbing.  Sa lobby na puro surot, papahigain niya ko ro’n, matutulog ako.

“From 9 p.m. gigisingin niya ako ng 9 a.m. at uuwi na kami.  Yun ang mga naaalala ko sa tatay ko.”

Kuwento pa rin ni Sweet, “Naaalala ko sa Film Center, manonood kami  ro’n at ang pinapanood ko mga bold na pelikula.  E, staff yung tatay ko.  Pero feeling ko naman, siguro tinitingnan niya, general patronage, o, diyan ka.

“E, ang tagal niyang mag-trabaho.  Yung next na pelikula, bold na!  Pero that’s something na puwede kong ipagpasalamat.  Ang tatay ko ang isa sa mga nag-expose sa akin sa pelikula.

“At saka ang tatay ko, bata pa lamang ako, nagdadala na yan ng mga magazines.  Kaya bata pa lang ako, mahilig na ako sa mga artista.  Kasi, sumusulat siya sa mga publication ng showbiz.”

MESSAGE TO FATHERS. May mensahe si Sweet ngayong Father’s Day.

Ayon dito, “Ngayong Father’s Day, ang mensahe ko lang naman ay sana, yung mga ibang tatay out there, huwag naman nilang pabayaan ang kanilang mga pamilya para huwag pagdaanan ng kanilang mga anak ang mga pinagdaanan ko sa buhay.

“At kung sakaling may iba na pinagdadaaanan niyo ngayon yan, sana, hindi naman sa pagmamayabang, maging katulad ko sila na ituring yun na talent sa buhay.  Inspirasyon yun na maging mabuti kang tao in the future.”

Sabi pa niya, “I have friends na nagloko ang mga tatay. Sila, naging mabuti silang ama kasi, ayaw nilang mangyari sa mga anak nila yung nangyari sa kanila. 

“So, ngayong Father’s Day, kasi ako, kapag nakakakita ako ng tatay, mabait o hindi, naiinggit ako.

"Na-realize ko na kapag nakakakita ako ng magandang pamilya, sumasaludo ako sa tatay, humahanga ako dahil alam ko, hindi madali para sa isang ama na buhayin ang kanyang pamilya at patuloy na mahalin ang kanyang asawa kahit maraming temptation.

“So, sumasaludo talaga ko sa mga tatay na nagiging loyal sa kanilang mga asawa at nagiging mabait na tatay sa kanilang mga anak.”

                   

« Prev  1  2  

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About