news

Part 1. Eugene Domingo still gets nervous when her film opens; likes the idea of doing Part 3 of Kimmy Dora

by Rommel Gonzales posted on June 18, 2012  STATS: 6357 Views | 7 Comments

Eugene Domingo on box-office success of Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme: “Napatunayan namin na we really trust this project and we had fun doing it. Siguro ganun ang nararamdaman ng audience habang nanonood, na ‘Masaya sila, o!’ Na bukod sa pinaghirapan, we really enjoyed doing it.”

Photo By: Allan Sancon

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mahusay na aktres na si Eugene Domingo sa block screening ng Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme na ginanap sa Newport Cinema 2 ng Resorts World Manila, kagabi, June 17.

Ang screening ay sponsored ng PASIONISTAS, ang fans club nina Piolo Pascual and KC Concepcion, bilang ang isa sa mga producer ng pelikula ay si Piolo.

Ang block screening na ito ay nagsilbi ring fundraising event para sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ano ang feeling ni Uge (palayaw ni Eugene) na nakaraos na ang shooting at ngayon nga ay showing sa mga sinehan ang Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme?

“Naku, ano pa rin kami, ‘pag nag-uusap kami ngayon, hindi pa rin kami makapaniwala na natapos na namin at naipalabas…

“At puwede ko na bang sabihin na talagang tinangkilik nang wagas na higit pa sa inasahan namin?

“Pero I cannot deny na malaki talaga yung puhunan dito, that’s why kapit na kapit pa rin kami sa panalangin na sana yung word of mouth… kasi gusto mo naman siyempre makabawi ang lahat ng nagsugal, sumugal, para makagawa ulit, di ba?

“Negosyo naman ito, aside from the fact na it’s really ano… buung-buo yung entertainment value nung pelikula at hagip natin lahat ng miyembro ng pamilya.

“So bukod dun, natutuwa din kami dahil ang ganda rin ng timing, na nakabayad na ng tuition fee ang lahat-lahat, ‘tapos sumakto sa suweldo and Happy Father’s Day.

“E, pang-family at pambata itong pelikula namin, talagang ang bait-bait, ang bait, ang bait ng Panginoon!

“Ang bait ng panahon.

“Nai-inspire talaga kami na gumawa pa ng susunod na Kimmy Dora,” saad niya.

PART 3? Papayag ba siyang magkaroon ng Part 3 ang Kimmy Dora?

“Of course! Of course, yes!

“Agad-agad na kasi baka ‘pag naghintay ulit kami ng three years, bale ano na ako nun…” sabay tawa ni Uge.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • dakilangduca

    06/22/2012 | 03:22 AM
    Bongga ang KIMMY DORA 2! Hahaha! Sulit na sulit ang bayad! Either napantayan ang part 1 or nahigitan. Hahaha! Ang bongga ng production this time at mas matindi ang humor! Kudos kay Chris Martiniez for making such a great sequel! More sequels please!! :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chubbycrunch

    06/18/2012 | 10:28 PM
    medyo sablay ang humor ng kimmy dora 2 compared sa first. I do hope they'll get a meatier story for the third. Something like they exchanged identities or more humorous pa sana yung scenes. Ive seen better comedies from eugene in her previous movies than her latest kimi dora. Hope the story gets an upgrade and not just because you shoot outside eh upgrade na sha. Im a fan of eugene pero sana more quality sa story. I want to see her in a movie na parang lagi shang bridesmaid, never the bride. Drama-comedy movies.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lifehouse232

    06/18/2012 | 07:15 PM
    Congrats Eugene! Very in demand ka na talaga ngayon. Looking forward to Bona.
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    siomai
    06/19/2012 | 12:26 PM
    congrats!
    siomai
    06/19/2012 | 12:43 PM
    nice one Eugene!
  • pilyangmaganda

    06/18/2012 | 05:36 PM
    sorry uge like kita pero never like your kimmy dora!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kaepalmilya

    06/18/2012 | 05:29 PM
    Never ako nanonood ng tagalog na movie aside sa Kimmy Dora and some other indie film dahil nandun lang ang matitinong movies. Karamihan ng tagalog mainstream movie puro ginaya ang storyline sa hollywood movies sorry but thats the FACT
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    siomai
    06/19/2012 | 12:44 PM
    true.
  • Joseth

    06/18/2012 | 03:14 PM
    Mas ok naman panoorin itong kimmydora kesa sa ibang tagalog movie na puro pa cute lang at walang ginawa kundi mag sampalan, iyakan, kant..........ahan sa puno ng saging o kaya habulan sa tabing dagat puro ganun na lang kaya wala na talagang manonood sayang ang pera pag walang kwenta ang pelikula. Sobrang gaganda ng mga foreign films kaya anong aasahan mo sa mga pitu-pitong movie ng mga pinoy. Kaya nga kahit may mga award award pa dyan eh ang mga nanalo naman hindi mo alam kung anong pelikula ba ginawa nya kase wla namang nanood diba? CONGRATZ NGA PALA OGE, WINNER NA WINNER KIMMYDORA2.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/18/2012 | 02:59 PM
    medyo lahat ng local films natin ngayon mahihina sa takilya. di na alam ng mga producers kung anong bagong gusto ng mga movie goers. sawa na yata mga tao sa sineng pilipino.
    Reply |  4 Replies
    0   0   0  
    Pedrohh
    06/18/2012 | 03:13 PM
    basta ang alam ko basta gawang ABS gawang star cinema at sa ABS i promote Bongga compare sa iba jan lalo na sa kamuning hahhahaha yan lng...
    aaronick
    06/18/2012 | 03:21 PM
    Weh! Di nga?
    kaepalmilya
    06/18/2012 | 05:26 PM
    Pedrohh ako naman ang alam ko bastang gawang GMA abot sa Hollywood ewan ko lang ang mga basurang palabs ng ABS CBN na hanggang cubao lang.
    kalika
    06/19/2012 | 03:36 AM
    actually medyo mali ka...lumalakas nga. kahit pumunta ka sa box office mojo nakakahabol ang mga pinoy movies. yun nga lang puro gawa ng star cinema...at kaepalmilya yung talent ng abs kinukuha ng ibang movie outfit sa hollywood...eh yung mga talents ngayon ng gma? iginawa ng gma7 ng movie at dinala sa hollywood ang mga talents nila pero ni hindi kumita ang the road na yan...daig pa ng local movies ng star cinema at dinadala sa u.s...tinatangkilik talaga...samantalang ang the road.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About