news

Angeline Quinto on the latest "mother" introduced to her: “Nagulat nga po ako bakit ganoon ang naramdaman ko… parang kinabahan nga po ako.”

by Rose Garcia posted on June 19, 2012  STATS: 29275 Views | 18 Comments

Angeline Quinto hopes to meet her biological mother soon. She also hopes that her search is over with the appearance of Mrs. Veronica Tolentino who introduced herself as Angeline's real mother.

Photo By: Noel Orsal

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na hinahanap ni Angeline Quinto hanggang ngayon ang kanyang tunay na ina.

Sa huling guest appearance ni Angeline sa The Buzz, sinabi niya na wala pa siyang nami-meet sa mga nagpapakilala na ina niya.

         

Hindi pa raw niya nakikita nang personal yung huling nagpakilala kung hindi sa larawan lamang.     

Sa The Buzz kahapon, June 17, ipinakita at nakausap si Gng. Veronica Tolentino na nagsasabing siya ang tunay na ina ni Angeline.

THE “TRUTH.” Sa pagharap niya sa The Buzz, ipinahayag ni Gng. Tolentino ang diumano’y tunay na pagkatao ni Angeline.

         

Ayon kay Aling Veronica, “Si Angeline po kasi, may kaya, maganda rin ang buhay ng daddy niya noong buhay pa.

“Nasa Medical Center sa Mandaluyong ko ‘yan ipinanganak. Ang doktora ko, si Doktora Ponciano, kahit i-verify n’yo.

         

“'Tapos bininyagan po siya... noong one month siya, birthday ni Daddy niya, bininyagan siya sa Marikina.”

         

Bakit sa Marikina?

         

“Kasi, doon kami nakatira, sa may Sta. Lucia.”

         

Sinabi rin ng nagpapakilalang nanay ni Angeline na ang birthday daw talaga ni Angeline ay August 14, 1991.

At ayon pa rito, Angeli lang ang tunay na pangalan nito at hindi Angeline.

         

“Ang alam ko na namana sa akin ng anak ko—ilong ko, mata ko, pisngi ko.

“Kasi nga, matanda na ako at may sakit pa ako. Noong bata-bata pa ako, ganyan-ganyan ang ano [ilong] ko noong kabataan ko pa.

         

“Kahit dito sinasabi, kaso lang, maputi na siya.

         

“At saka ako, matanda na. Wala nang ngipin. Takot magpabunot. At saka, ang paa ni Angeline, flat-footed. Malambing sa akin.”

ANGELIE’S FATHER. Tatlong taon daw si Angeline noong mamatay ang ama nila at mag-isa nitong binubuhay si Angeline at ang bunso niyang anak na ang pangalan ay RonRon.

         

Sabi ni Gng. Tolentino, “Nagtrabaho ho ako sa printing press, sa Red Cross, kasama ko ang dalawa kong anak.

“Kasi nga, walang titirhan kami. Hanggang sa naawa sa akin yung Arse—si Jun, dinala ako sa Dau [Pampanga], sa Pamintuan Village.

“Doon ko iniwan ang mga anak ko. Gabi-gabi ho ako umuuwi roon.”

         

Dumating daw sa puntong nagkasakit siya at halos malumpo kaya hindi na nakauwi sa mga anak.

         

Nang puntahan na niya ang mga anak na nasa pangangalaga naman ng ina ni Jun sa Dau, nagulat na lang daw siya na wala ang mga anak na dinala raw sa Pangasinan.

         

“Sabi nila, binenta raw ang mga anak ko kasi wala silang mapakain— matatanda, e.

“Hindi ako nakakauwi, hindi ako nakakapagpadala ng pera.”

         

ABANDONED CHILDREN. Ang kapitbahay na lang daw niya ang nagsabi na puwede niyang mabawi ang mga anak sa Pangasinan kung matutubos niya ito sa halagang sampung libong piso.

Bukod sa kulang ang nakalap niyang pera, wala ring makapagturo sa kanya ng address na pinagdalhan kina Angeline.

Hanggang sa magkatagpo raw silang muli ni Jun.

         

“Noong time na magtrabaho na ako, dumating si Jun sa akin. Sabi ko, ‘Jun, nasaan na ang mga anak ko?’

“Ang sigaw niya sa akin, ‘Si Angeline, huwag mo nang hanapin, maganda ang buhay. Sa St. Jude daw nag-aral.

         

“’Kung nanood ka ng Little Big Star, yung kay Sarah Geronimo daw, nandoon ang anak mo, si Angeline daw.’

“Sabi ko, ‘Paano ko hahanapin, e, tapos na yung kantahan. Hindi ko rin naman nasubaybayan. Nakita ko pero huli na.’”

         

CONTINUING SEARCH. Nagkasakit daw muli si Gng. Tolentino at umuwi ng probinsiya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

18 Comments

  • 18  milomilo123

    06/20/2012 | 03:47 AM
    sabi ni direc joey reyes lahat ng box office hit ay padded.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  misstoe

    06/19/2012 | 09:36 PM
    Tsk..tsk..tsk...ganyan talaga pag nakilala na..sino sino ang sumusulpot na kapatid, ina, ama, lola, lolo, kung ano ano daw para lang magka-pera...mag-ingat ka Angeline...find out the whole truth kahit nanay mo pa siya...malay mo siya pa yung nagbenta sa iyo...tsk..tsk...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  BERNARD2010

    06/19/2012 | 05:33 PM
    She's the girl who sang the most worst version of I AM TELLING YOU..Im not going.She's also a copycat of Regine Velasquez.And the most disgusting gimmick of all time...GMA Dramaserye TIME OF MY LIFE:Angeline Quinto story.WTF!!!!!!!
    Reply |  2 Replies
    0   0   0  
    bratinella1234
    06/19/2012 | 09:29 PM
    most worst talaga? haha
    iam_brainful
    06/20/2012 | 12:50 AM
    BWAHAHAHAHAHHA OMGGGG, GRABE naro MOST WORST DAW oh??!!!! ROFL. dude, you really crack me up lmao.. kakahiya naman.
  • 15  rray

    06/19/2012 | 03:57 PM
    bakit si angeline baguhan pa lang may platinum na at nagkamovie pa.. yong iba winner ng mga singing contest kahit 4 years ago pa parang di man lang kilala..hahay malakas lang siguro dating ni angeline..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bratinella1234
    06/19/2012 | 09:30 PM
    kaya nga. sandamakmak na singing contests na din ang pinalabas ng gma pero wala man lang sumikat. yung iba nagmamakaawa pa para bigyan ng album. hay pathetic!
  • 14  bhengot

    06/19/2012 | 03:05 PM
    pano naging flop ang Born to Love You? 5 days 29M eh haba pa ng tatakbuhin sus!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  wa2

    06/19/2012 | 02:20 PM
    ang pep namumulot lang ng news sa the buzz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  kaepalmilya

    06/19/2012 | 01:58 PM
    takpan nalang ng bayong ang ulo ok na tong batang to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  candicebluv

    06/19/2012 | 01:30 PM
    Gimik to the max kase super flop ang launching movie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  pwearl108

    06/19/2012 | 01:25 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • susanboyle

    06/19/2012 | 12:29 PM
    sobra naman ang iba dito mang lait...di nga maganda si angeline maganda naman ang boses. SI regine velasquez dati super pangit naman yan, maitim at payat and super baduy. I can still remember and suot suot nya every guesting yung red pants niya. hindi pa kase uso dati na meron silang sponsors sa damit. You usually wear and bring your own wardrobe. SI angeline, maputi and not so baduy hehe. everybody improves naman. goodluck angeline. keep improving.especially your looks. always go to BELO for physical improvements.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kazumi_yumi
    06/19/2012 | 11:20 PM
    have to disagree, saw her once at the mall, nothing spectacular or stellar about her appearance, she's a plain jane and there's nothing unique about her voice, i've heard plenty of people who could belt out like regine velasquez far better than she could, it just so happens that this girl was lucky enough to be at the right moment when abs cbn was looking for a newbie to build up, and it's so darn obvious how abs cbn is trying so hard to make her a star when the appeal isn't there, she has a voice, yes, but the so called x-factor, i'm sorry to say, but nada...none..zilch...
  • elyb

    06/19/2012 | 12:24 PM
    kelangan ni angeline quinto ng gimik para makalimutan nag flop lauching movie nya. para makalimutan din ng tao na minurder nya yung i am telling..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • empress_mortal

    06/19/2012 | 11:26 AM
    Muk asim talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/19/2012 | 10:36 AM
    Sana matuloy project nila ni Zac Efron. Bagay na bagay talaga sila. Both magagaling na singers and actors and actress. Sana musical din un project. Tapos un duet nila ni Jessica Sanchez, .. CANT WAIT!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_na_pilya

    06/19/2012 | 10:14 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/19/2012 | 09:53 AM
    ANOTHER cheap gimick of cbnabs.....maraming gumawa nyan hindi kinagat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapiso68

    06/19/2012 | 09:28 AM
    this Regine copycat is coming up with a "gasgas" gimik. wake up 'day. Flop na nga movie mo, gimikera ka pa! whaTaFace!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/19/2012 | 09:25 AM
    OMG, i really love this girl. Nasa kanya na lahat.. talent, beauty, attitude, chracteristics.. full of humbleness pa.. hulog talga ng langit tong si Angeline, parang Angel Locsin at Angelica Panganiban, mga Angels. Love these girls. Congrats pala sa Super box office hit na movie!!! Hakot na naman yan ng awards.. wooo hoooo!!!! More power to you worldclass Angeline Quinto!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kazumi_yumi
    06/19/2012 | 11:26 PM
    you could've used the world full of HUMILITY...Angel Locsin and Angelica, I agree with you are talented in their field, but Angeline, world class? not really...she has yet to prove herself and her movie was not a hit...
  • nugget

    06/19/2012 | 09:16 AM
    Sana boses ka na lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About