Binawi na ang arrest order kay Annabelle Rama.
Matatandaan na noong Hunyo 11 ay nag-isyu si Judge Eleuterio Bathan ng Quezon City Regional Trial Court ng warrant of arrest para sa talent manager.
Ito’y matapos hindi dumalo ni Annabelle sa nakatakdang arraignment para sa 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng aktres na si Nadia Montenegro noong Hunyo 11.
(CLICK HERE for related article.)
Ayon sa artikulo ni Ginger Conejero na lumabas sa ABS-CBN News ngayong hapon, Hunyo 18, nakiusap daw si Annabelle at ang kanyang abugado kay Judge Bathan.
Ani Atty. Howard Calleja, “Warrant lang 'yon kasi may time, 'yong isang beses na hindi nakadating si Miss Annabelle.
“Hindi naman niya ito sinasadya... humingi lang kami ng pag-intindi kay Judge Bathan. Nagpapasalamat [kami] sa kanyang pag-lift ng warrant.”
Hindi naman ikinaila ni Annabelle na nagulat siya sa paglabas ng naturang arrest order laban sa kanya.
Sabi ng talent manager, “Nagulat ako, shocked talaga.
“Super shocked noong sinabi may warrant... kaya sabi ko, uwi na lang ako diyan, kaya nandito ako ngayon para humarap sa judge.”
Dagdag pa nito, hindi “puntos” para kay Nadia ang utos na pagpapaaresto sa kanya, lalo na at na-lift na ito.
“Sa nangyari ngayon, walang puntos para kay Nadia.
“Ito, nagkaroon ako ng warrant kasi hindi ako sumipot.
“Sabi niya kasi sa TV, doon malalaman ng taumbayan kung sino ang nagsasabi ng totoo.
"Papa'no nangyari, wala pa kaming hearing, papa'no naging totoo ang sinasabi niya?”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
18 pearl102
17 kansilay
16 prettyasian
15 kapuspalad1
14 kapalmilyaks
13 starkings
12 celebee
11 shobizaddict
10 hhamlin
9 iam_brainful
8 bacobaco
7 kapalmilyaks
6 kapalmilyaks
5 YanLai
4 p4n4lo
3 p4n4lo
2 mewa
1 iam_brainful
more comments