Unti-unti ay nagkakaroon at lumilikha na ng sarili niyang tatak sa showbiz si Paul Salas.
Kung dati’y mas kilala siya bilang anak ng dating dancer ng Universal Motion Dancers (UMD) na si Jim Salas, ngayon ay may sarili na siyang hukbo ng mga tagahanga.
Regular na ngayong napapanood si Paul sa Aryana bilang isa sa kapareha ni Ella Cruz.
Kasunod naman nito ay ang isyung siya na raw ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya ngayon.
Sa panayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) sa young actor sa pocket presscon ng Aryana sa Grams restaurant sa ABS-CBN compound noong Sabado, June 16, dinepensa ni Paul ang ama tungkol sa lumabas na balita.
Aniya, “Hindi totoo ‘yan. Si Daddy ang breadwinner sa family namin, may trabaho siya.
“Event organizer siya, hawak niya ang Visayas and Mindanao.
“Pinapa-show niya ang mga artista—Tacloban, Bacolod... iba’t ibang probinsiya.
“I’m just doing my job kasi pangarap ko talaga na maging teen star kasi gusto ko ring makilala ng mga tao… ‘Oy, si Paul Salas ‘yan.’”
FINANCES. Ayon kay Paul, ang mga magulang, partikular na ang ama, ang may hawak ng kanyang kinikita.
Ipinagmamalaki ni Paul na may 10-bedroom property na siyang nabili mula sa kanyang kinikita.
“Wala, alam ni Daddy na maluho ako lalo na sa mga sapatos… Di ba, 'Dad, nagtatrabaho naman ako, MWF? Baka puwedeng ibili mo ako ng shoes?’
"Tinanong niya ako kung magkano, sabi ko, “Ten thousand daddy—Adidas na Jeremy cuts. ’
“Hindi ko alam kung magkano ang pera ko sa bangko, pero nakatago yun.
“Bata pa ako, wala pa akong alam, wala pa akong experiences.
"Si Daddy napagdaanan niya ang lahat, 37 years old na siya…
“'Tapos nag-artista din siya, so kung ano ang mga mali na nagawa niya dati, sinasabi niya sa akin, pinapayuhan niya ako."
Dagdag ni Paul, “May rent-to-own na house na ako ngayon, ten bedrooms sa Visayas Avenue.
“Sa baba, nandun ang lola ko, mga mahal ko sa buhay—si Lola, si Lolo, Tita ko, nandun sila sa baba.
“Yung family ko, nandun kami sa baba so share-share kami.
“Yung mga kapitbahay ko, ‘Paul, wala ka bang taping? Sige sleepover kami diyan… laro tayo diyan PS3.’”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 kapamilya_na_pilya
5 hototguy
4 ka_epal
3 kapamilya_worldclass
2 tilapyangmataba
1 nugget