news

Aiza Seguerra refuses to comment about rumor linking her to protégé Krizza Neri; admits she's not on speaking terms with ex-girlfriend Chen Sarte

by Glen P. Sibonga posted on June 20, 2012  STATS: 41791 Views | 17 Comments

Aiza Seguerra on protégé Krizza Neri: "When I first heard her, ang pumasok sa isip ko is cross ni Nina at ni Juris, para sa akin."

Photo By: Glen P. Sibonga

Tuluy-tuloy ang pagtulong na ginagawa ni Aiza Seguerra para sa Protégé: The Battle For The Big Break grand winner na si Krizza Neri, kahit matagal nang tapos ang naturang talent search kung saan nagsama sila bilang mentor at protégé.

Si Aiza ang nag-produce ng self-titled debut album ni Krizza sa ilalim ng kanyang sariling label, ang Blackbird Music.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Aiza sa album launching ni Krizza na inorganisa ng GMA Artist Center kahapon, June 19, sa Whitehouse on the 84th restobar sa Scout Tuason, Quezon City.

Kaagad tinanong si Aiza kung bakit niya naisipang i-produce ng album si Krizza bilang first mainstream artist ng kanyang record label.

Sagot ni Aiza, “Oo nga, nagkataon. Hindi naman intensiyong siya yung maging first, nagkataon lang.

“Sa totoo lang, even before she won the contest, plano na namin talagang gumawa ng album kasi maganda talaga yung boses niya.

“Pero ang plano namin noon, talagang independent release, kaso nanalo.

“So, parang ang pangit naman na, di ba, nanalo siya ‘tapos hindi namin ipu-full blast.

“Kaya nagpapasalamat din ako sa Media Nation at sa GMA Artist Center para sa tulong at suporta. And sa Universal Records na magdi-distribute ng album.”

Bukod sa pagiging album producer, nag-contribute din ng dalawang original tracks si Aiza sa album at nakipag-duet pa kay Krizza.

“Yeah, I wrote two songs, pero lahat yun I co-wrote it with friends.

“The other one is ‘Look My Way,’ ang gumawa ng lyrics nun si Joel Trinidad and ako yung gumawa ng music.

“Yung isang song yung ‘Kung Malalaman Mo,’ ako naman yung gumawa ng lyrics and si Mr. Ryan Cayabyab yung gumawa ng music.

“May mga songs diyan na kasama dun sa contest, like yung ‘Narda,’ yung ‘Could Have Been,’ ‘tapos yung duet namin ng ‘If I Could’ and ‘Wind Beneath My Wings.’

“Thankful nga ako sa Star Records na pumayag para gawin ko yung duet, kasi under contract ako sa Star Records, e.”

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  gorgeous_aleck

    06/21/2012 | 10:23 AM
    i love her voice. buti naman at ilalabas na ang album niya. congrats!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  thelastpepbender

    06/21/2012 | 04:37 AM
    dapat itodo ng GMA ang pag papasikat kay KRIZZA. pag natatapos kasi sa contest dapat may mga nakahanda ng projects. I LOVE KRIZZAS VOICE pa naman! Isalang na rin sa TELEBABAD si KRIZZA dapat!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Paradigm

    06/20/2012 | 10:59 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  Paradigm

    06/20/2012 | 10:48 PM
    Kaya naman pala pilit pinapaingay ang walang career.. yun naman pala ginawan ng plaka ang palakang to. After iPod, iPhone4s naman. Thanks aiza!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  1pepaddict

    06/20/2012 | 10:36 PM
    iyong tanong na paano ipinakita ang pasasalamat sa iyo parang may sexual innuendo. bakit ganyan ang gupit ni Aiza. ang sama.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  p4n4lo

    06/20/2012 | 05:39 PM
    hayaan na yang mga bashers after all they are fond of bashing kasi they are losers in real life...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  p4n4lo

    06/20/2012 | 05:38 PM
    her voice is so lovely...sobrang linis at napaka soulful...goodluck on the new album...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapalmilyaks

    06/20/2012 | 03:35 PM
    Ayan mga kapalmiyaks tumitira na mga ingitira mga kapalmilyaks rule
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/20/2012 | 02:33 PM
    aw defense ng mechanism ang kapupuo sa baba! platinum at gold nmn iha! lol.. haha! sabihan mo kya ang GMA na iproduce sya ng album nya! ta iha, wag ka puro salitam bumuli ka! lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/20/2012 | 02:30 PM
    BIG winner itong ng kapucho pero sa kangkungan pinulot! ni hndi nila kayang iproduce ng ALBUM! lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • candicebluv

    06/20/2012 | 02:23 PM
    baka makasuhan sya ng statutory rap e!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • migu3l07

    06/20/2012 | 02:02 PM
    ayaw palang pag usapan, sana hindi na ngpa interview.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tilapyangmataba

    06/20/2012 | 01:53 PM
    you could have uttered a categorical no kung wala talaga. oh wait, she's still a minor nga pala so iwas pusoy muna si pareng aiza. at talagang tinalakay dito ang pagiging lesbiyana at pakikipag relasyon sa same gender as if it's now the order of the day. ah si aiza ka nga pala, otherwise people would have spoken ill of your liason with this teen and call you outright immoral.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • dustmyeat

    06/20/2012 | 01:35 PM
    cutex ang maging anak nila ni aiza. promise!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_worldclass

    06/20/2012 | 01:07 PM
    infairness bagay sila.. hahaha., sino yan katabi mo mr aiza? haha.. da who na naman from gme..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Honey_1046
    06/20/2012 | 07:06 PM
    hay naku, gamitin mo mata mo, basahin mo ung title para makilala mo, si aiza pa tatanungin mo..pero in fairness ha alam mo na taga GMA sya ha, katuwa ka naman, bright bright ng worldlaclass
  • alexangel

    06/20/2012 | 12:38 PM
    i like it that krizza's album has more original songs at halatang pinaghandaan. di katulad ng star records pag nanalo sa contest nila, kinabukasan may album na na puro videoke singing dahil puro revival.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/20/2012 | 12:23 PM
    bakit binigyan pa ito ng espasyo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    alexangel
    06/20/2012 | 12:39 PM
    at bakit ka nagko-comment kung ayaw mo? LOL!

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About