news

Comedy King Dolphy dead at 83

by Rommel R. Llanes posted on July 10, 2012  STATS: 166275 Views | 88 Comments

Dolphy, 83, is dead. The report that first circulated on Twitter was confirmed by the Comedy King's partner Zsa Zsa Padilla.

CLICK HERE to reminisce Dolphy and his Journey.

Photo By: Noel Orsal / file

Wala na ang Hari ng Komedya.

Pumanaw na si Rodolfo Vera Quizon, Sr., o mas kilala sa screen name niyang Dolphy, sa edad na 83.

Naunang kumalat ang balita ng pagpanaw ng beteranong komedyante sa pamamagitan ng Twitter ngayong gabi, July 10, nang magsimulang mag-post ng tweets ng pagpapahayag ng pakikiramay ang mga artistang tulad nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Vice Ganda, at Jim Paredes.

Bagamat nagkaroon ng kalituhan sa pagkumpirma kung talagang pumanaw na nga si Dolphy, kinumpirma naman sa pamamagitan ng breaking news ng ABS-CBN, bandang alas-nuebe ng gabi, na sumakabilang-buhay na nga ito.

Ang kumpirmasyon ay mula raw mismo sa long-time partner ng Comedy King na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon naman sa inilabas na official statement ng Makati Medical Center, pumanaw si Dolphy kaninang 8:34 p.m. "due to multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure."

Kasama raw ni Mang Dolphy si Zsa Zsa at ilan sa mga anak nito nang bawian ito ng buhay.

Ang anak at nagsilbing spokesperson ng pamilya Quizon na si Eric Quizon habang naka-confine si Mang Dolphy sa hospital ay kasalukuyang nasa Bataan para sa taping ng idinidirek niyang fantaserye sa TV5, ang Enchanted Garden, nang matanggap niya ang malungkot na balita tungkol sa ama.

Dagli-dagling lumuwas pabalik ng Maynila ang actor-director para damayan ang kanyang mga kamag-anak.

Ipagdiriwang sana ni Dolphy ang kanyang ika-84 na kaarawan sa July 25.

Sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ilalagak ang mga labi ng Comedy King.

DOLPHY'S HOSPITALIZATION. Matatandaang isinugod sa Makati Medical Center nung June 9 ang veteran actor dahil sa sakit nitong pneumonia. Kinabitan agad ito ng respirator dahil nahihirapan daw itong huminga.

Ikinabahala ng pamilya ni Dolphy ang sakit nitong Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), isang kundisyon na naglilimita ng paglalabas-masok ng hangin sa baga dahil sa paninikip nito.

Noong June 19, ibinalita ni Eric ang bahagyang pagbuti ng kalagayan ni Dolphy.

Anim na oras daw na tinanggalan ng respirator ang komedyante bago ito ikinabit muli kinagabihan. Sinusubukan daw kasi ng mga doktor ng Comedy King na palakasin ang paghinga nito.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

88 Comments

  • 88  opinion_ko_to

    07/11/2012 | 11:00 PM
    PAALAM po TITO Dolphy...mananatili ka sa aming mga puso..maraming salamat po sa saya na naibigay mo sa amin.madaming madaming salamat po sa inyo. MAY YOU REST IN PEACE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  AVISALA_kapusO

    07/11/2012 | 03:34 PM
    R.I.P mang pidol..atleast sa ngayon nakapagpahinga kana at makikita muna ang mga taong nakasama mo noon doon kung saan man kayo naroon...magkitakita na kayo ni FPJ-PANCHITO-BABALU-NIDA BLANCA-BAYANI CASIMIRO sr lahat na nakasama mo na sumakabilang buhay na may reunion na kau doon at manatili kau sa piling ni JESUS CHRIST..lahat naman tayo ay doon pupunta..MAY THE LORD GRANT UNTO YOU O ETERNAL REST..paalam mang dolphy..paalam
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  flightforge29

    07/11/2012 | 01:46 PM
    Mula ng nagkaroon ako ng kamulatan sa mundo at hanggang ngayon na im on my early 30's Mang Dolphy's presence on tv and on movies was so remarkable. Tuamtak sa akin ang kanyang mga pagpapatawa, kumbaga Dolphy has been a part of our lives.. Pinakatumatak sa akin na naging part talaga ng paglaki ko ay ang Home Along Da riles..mula ng mag umpisa ako ng high school, nagcollege hanggang sa naggraduate ako ng college, at hanggang sa nagreview ako, ang comedy series na yan ay nandyan talaga... May you rest in Peace Mang Pidol!! The heaven is now rejoicing of your return to the hands of our LOrd Jesus... Magkikita kita na rin kayo nina Nida Blnaca, Babalu, at Panchito..Maraming maraming salamat po sa napakaraming katatawanan na binahagi mo sa amin..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  Love_love_Love

    07/11/2012 | 12:42 PM
    Nawala man po kayo,mananatili kayo sa aming mga puso.Salamat sa sayang idinulot mo sa buhay ng bawat Pamilyang Filipino.Rest In Peace po Mang Dolphy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  koneksyon_manila

    07/11/2012 | 12:05 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  MontoGawe

    07/11/2012 | 11:39 AM
    Thank you and Good night, Dolphy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  rose_petals

    07/11/2012 | 10:10 AM
    Rest in peace, Mang Dolphy... Thank you for the memories... Thank you for the laughter...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  Manster10

    07/11/2012 | 09:51 AM
    RIP Idol salamat sa magagandang alala.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  gibraltar

    07/11/2012 | 09:04 AM
    RIP Dolphy. Sana magkaroon ng rerun ang Home Along da Riles katulad dito sa States na may rerun ang mga popular TV shows like I Love Lucy, Friends, etc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  lefty

    07/11/2012 | 08:26 AM
    flags fly at half-staff for mang dolphy please
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  malaya2007

    07/11/2012 | 08:05 AM
    I remember naiyak sya non sa isang interview sabi nya isa isa ng nawawala ang mga kaibigan nya. Now i guess nagkita kita na sila and they're having a big party in heaven.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  MissHugoBacungan

    07/11/2012 | 07:58 AM
    JOHN AND MARSHA ARE NOW SO HAPPY TOGETHER. Lord, those who die still live in Your presence, their lives change but do not end. May all the faithful departed rest in peace. AMEN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  MissHugoBacungan

    07/11/2012 | 07:53 AM
    THE STREETS OF HEAVEN IS REJOICING TO WELCOME DOLPHY. There are so many good memories here, and your very outstanding PERFORMANCE in the movie Ang Tatay Kong Nanay will surely be one of those movies that will be very well remembered. May the Lord be with you and your spirit. May you rest in peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  humandynamics

    07/11/2012 | 07:02 AM
    salamat po sa magandang alaala, pahinga na po kayo. RIP
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  lefty

    07/11/2012 | 06:44 AM
    rest in peace mang dolphy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  jpcrzyluv

    07/11/2012 | 04:32 AM
    This is how my dad die copd rin he was 84...it hurts more than anything in this world... Kaya condolence sa Quizon family... Rest in peace manong dolphy
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  avidreader53

    07/11/2012 | 04:29 AM
    I will miss you Dolphy, nakakalungkot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  felixsotto

    07/11/2012 | 04:05 AM
    Condolence to the family, relatives, friends and to the entire Filipino people for the passing of our one and only Comedy King, Dolphy. We love you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  daffodils87

    07/11/2012 | 03:43 AM
    No more pain for Mang Dolphy, only eternal love, peace, and joy. May you Rest in Peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  greencardholder

    07/11/2012 | 02:35 AM
    maybe thats what he meant when he said he wants to go home.. A real home with his Creator. Rest in God's arms Pidol, Filipinos' idol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About