Naging radio talent din siya noong late 1940s nang kunin siya ng radio show writer, producer, and director na si Conde Ubaldo. Sa mga show ni Conde nabuo ang comedy duo na Dolphy at Panchito.
Sa pamamagitan naman ng kapwa niya radio talent noon na si Pancho Magalona ay nakapasok ng Sampaguita Pictures si Dolphy noong 1952.
Ang Sa Isang Sulyap Mo Tita ang unang pelikula niya sa Sampaguita kasama ang magulang ni Francis Magalona na sina Pancho Magalona at Tita Duran.
Sa Sampaguita rin sumikat nang husto ang comedy duo na Dolphy and Panchito.
Matapos gampanan ang papel ng binabaeng kapatid ni Lolita Rodriguez sa Jack en Jill (1954), sumikat nang husto si Dolphy bilang solo comedy act.
Nang magtapos ang kontrata niya sa Sampaguita ay nilisan niya ito. Mistulang walang trabaho si Dolphy dahil walang gustong kumuha sa kanya.
OWN TV SHOW. Inalok siya ng may-ari ng ABS-CBN na si Eugenio "Geny" Lopez ng isang TV show, ang Buhay Artista. Nag-air ang Buhay Artista nung 1964 sa Channel 3.
Kasama ni Dolphy sa show ang dati niyang partner na si Panchito, sa direksiyon naman ni Ading Fernando.
Naging hit sa mga manonood ang "English-Tagalog Translation" segment nina Dolphy at Panchito na nauna nilang ginawa sa kanilang guesting sa Tawag ng Tanghalan noong mid-1960s.
Bukod sa Buhay Artista ay gumawa rin ng radio programs si Dolphy.
Hindi rin nagtagal ang pagiging jobless ni Dolphy sa paggawa ng pelikula.
Nakagawa rin ng mga proyekto sa independent movie productions ang komedyante, 'tulad ng LEA Productions, Balatbat Productions, Filipinas Productions, Zultana Productions, at ang D’Lanor Productions ng kaibigan niyang si Fernando Poe Jr.
Naging hit ang mga pelikula niya sa production company ni FPJ na Captain Barbell at Daigdig ng Fantasia, na parehong ini-release noong 1964.
Naging movie producer din si Dolphy noong 1965 nang itatag niya ang RVQ Productions.
Noong 1969 ay ipinalabas ang biggest hit ni Dolphy—Facifica Falayfay.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
88 opinion_ko_to
87 AVISALA_kapusO
86 flightforge29
85 Love_love_Love
84 koneksyon_manila
83 MontoGawe
82 rose_petals
81 Manster10
80 gibraltar
79 lefty
78 malaya2007
77 MissHugoBacungan
76 MissHugoBacungan
75 humandynamics
74 lefty
73 jpcrzyluv
72 avidreader53
71 felixsotto
70 daffodils87
69 greencardholder
more comments