news

Comedy King Dolphy dead at 83

by Rommel R. Llanes posted on July 10, 2012  STATS: 166378 Views | 88 Comments

Dolphy, 83, is dead. The report that first circulated on Twitter was confirmed by the Comedy King's partner Zsa Zsa Padilla.

CLICK HERE to reminisce Dolphy and his Journey.

Photo By: Noel Orsal / file

Wala na ang Hari ng Komedya.

Pumanaw na si Rodolfo Vera Quizon, Sr., o mas kilala sa screen name niyang Dolphy, sa edad na 83.

Naunang kumalat ang balita ng pagpanaw ng beteranong komedyante sa pamamagitan ng Twitter ngayong gabi, July 10, nang magsimulang mag-post ng tweets ng pagpapahayag ng pakikiramay ang mga artistang tulad nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Vice Ganda, at Jim Paredes.

Bagamat nagkaroon ng kalituhan sa pagkumpirma kung talagang pumanaw na nga si Dolphy, kinumpirma naman sa pamamagitan ng breaking news ng ABS-CBN, bandang alas-nuebe ng gabi, na sumakabilang-buhay na nga ito.

Ang kumpirmasyon ay mula raw mismo sa long-time partner ng Comedy King na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon naman sa inilabas na official statement ng Makati Medical Center, pumanaw si Dolphy kaninang 8:34 p.m. "due to multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease, and acute renal failure."

Kasama raw ni Mang Dolphy si Zsa Zsa at ilan sa mga anak nito nang bawian ito ng buhay.

Ang anak at nagsilbing spokesperson ng pamilya Quizon na si Eric Quizon habang naka-confine si Mang Dolphy sa hospital ay kasalukuyang nasa Bataan para sa taping ng idinidirek niyang fantaserye sa TV5, ang Enchanted Garden, nang matanggap niya ang malungkot na balita tungkol sa ama.

Dagli-dagling lumuwas pabalik ng Maynila ang actor-director para damayan ang kanyang mga kamag-anak.

Ipagdiriwang sana ni Dolphy ang kanyang ika-84 na kaarawan sa July 25.

Sa Heritage Memorial Park sa Taguig City ilalagak ang mga labi ng Comedy King.

DOLPHY'S HOSPITALIZATION. Matatandaang isinugod sa Makati Medical Center nung June 9 ang veteran actor dahil sa sakit nitong pneumonia. Kinabitan agad ito ng respirator dahil nahihirapan daw itong huminga.

Ikinabahala ng pamilya ni Dolphy ang sakit nitong Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), isang kundisyon na naglilimita ng paglalabas-masok ng hangin sa baga dahil sa paninikip nito.

Noong June 19, ibinalita ni Eric ang bahagyang pagbuti ng kalagayan ni Dolphy.

Anim na oras daw na tinanggalan ng respirator ang komedyante bago ito ikinabit muli kinagabihan. Sinusubukan daw kasi ng mga doktor ng Comedy King na palakasin ang paghinga nito.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

88 Comments

  • msTrue

    07/10/2012 | 09:27 PM
    nakikiramay po kami...salamat sa magagandang pilikula na pamana nyo sa mga pilipino.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    07/10/2012 | 09:25 PM
    Guys, listen, this is important, wala na si King of Comedy King Dolphy, so tama na muna bangayan, lets just pray for him, okay????? So good boy muna ako this week...bye. RIP Mang Dolphy!!!!
    Reply |  3 Replies
    0   0   0  
    Pedrohh
    07/10/2012 | 09:32 PM
    ako bukas na ako mag comment naka kota na ako ngayong araw heheheh joke pinapatawa ko lng mga kaposoy kasi yan ang palaging sinasabi nila binabayaran raw kaya saskayan kuna lng....
    monjuaquin02
    07/10/2012 | 09:35 PM
    shut up pedro.. love and respect
    pearl102
    07/10/2012 | 10:58 PM
    Excuse me Iambrainful, wala akong nabasang mga negative ang sinabi why mention the bangayan na ikaw naman ang nag uumpisa in the first place. Mas mabuti pa quiet ka na lang. RIP to Mang Dolphy...although nakakalungkot ang balitang ito para sa ating mga pinasaya nya mabuti na rin at nakapahinga na siya. Condolence po sa kanyang buong pamilya ma naiwan.
  • daredeviltry

    07/10/2012 | 09:24 PM
    RIP king of comedy...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ilokanang_harot

    07/10/2012 | 09:22 PM
    May he rest in peace.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapuspalad1

    07/10/2012 | 09:22 PM
    paalam mang kevin :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lady_camila

    07/10/2012 | 09:20 PM
    RIP Mang Dolphy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Mirain

    07/10/2012 | 09:18 PM
    RIP Mang Dolphy :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About