news

Eric Quizon requests prayers for Comedy King Dolphy

by Nerisa Almo posted on June 20, 2012  STATS: 35191 Views | 23 Comments

“He’s hanging on. But according to the doctors, he’s very critical,” says Eric Quizon about his father, Comedy King Dolphy, who is currently under observation at the Intensive Care Unit of the Makati Medical Center.

Photo By: Nerisa Almo

Muling hiniling ni Eric Quizon ang pagdarasal para sa ikabubuti ng kalagayan ng kanyang ama—ang King of Comedy na si Dolphy.

Ito ang kanyang naging pahayag nang humarap siya sa mga miyembro ng media na nakaantabay sa labas ng Makati Medical Center kanina, Hunyo 20.

“At this point, talagang kailangan namin ng dasal,” sabi ni Eric sa panayam sa kanya ng 24 Oras anchor na si Mike Enriquez.

“Alam ko na for the last couple of days ay nagdadasal ang ating mga kababayan at lahat ng mga nagmamahal sa kanya.

“Alam ko na ito ang nagpapalakas sa kanya, so sana ipagpatuloy lang nila ang kanilang pagdarasal.

"At sa lahat ng mga nagmamahal sa daddy ko, maraming-maraming salamat.”

“LUMALABAN SIYA.” Sa kanyang update, sinabi ni Eric na “very critical” na ang kundisyon ng kanyang ama.

Ito ay sanhi ng Chronic Obstructive Pulmonary Disorder (COPD) na unang nakita kay Dolphy limang taon na ang nakalilipas. Ito ay isang kundisyon na naglilimita ng paglabas-masok ng hangin sa baga, na nagiging sanhi ng paninikip nito.

“It’s a progressive disease. Para siyang cancer pero hindi kasing grabe ng cancer.

"When you say progressive, ‘yong body niya, basta patuloy lang siyang manghihina,” karagdagang paglalarawan ni Eric.

Sa ngayon, ayon kay Eric, “He’s hanging on. But according to the doctors, he’s very critical.”

Hindi naman daw masabi ng mga doktor kung ilang oras ang gagawing obserbasyon nila sa kalagayan ni Dolphy.

Sabi ni Eric, “Ang sinabi lang nila, ‘Let’s see his condition if his vitals are the same for a certain number of hours at magpatuloy lang ito, then magandang senyales ito.’

“But they said that it can change any time.”

“LAHAT KAMI AY VULNERABLE.” Samantala, sa hiwalay na panayam ni Korina Sanchez sa TV Patrol, inamin ni Eric na nasa maselang sitwasyon ngayon ang kanilang pamilya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

23 Comments

  • jagjof

    06/20/2012 | 10:26 PM
    Masakit kung masakit, pero sana matapos na din yung paghihirap nya. Mahirap yung COPD, yung maysakit hindi makahinga at parating parang nalulunod.....ipagdarasal kita mang dolphy at ipagdarasal ko din ang pamilya mo...........
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • jpcrzyluv

    06/20/2012 | 10:18 PM
    Sad to say my dad died 3 years ago here in CA copd Rin...naapektuhan na ang ibang organs...so pls no to smoking kahit huminto ka its in your system already...so lets pray for manong dolphy...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    06/20/2012 | 10:01 PM
    I wish him well pero I still prefer Mang Dolphy to rest na. Do not prolong his sufferage, and the family´s pain.
    Reply |  10 Replies
    0   0   0  
    iam_brainful
    06/20/2012 | 10:02 PM
    God bless Mang Dolphy! Truly you are a National Treasure.
    pioloangelojosef2010
    06/20/2012 | 10:37 PM
    right of sufferage ba yan???? lolzz
    iam_brainful
    06/20/2012 | 10:47 PM
    Kase sabi ni Coolet wala daw word na sorrowrity, re: in times of sorrowrity,.. kaya eto pinalitan ko ng sufferage and it sounds good nman.. I really love discovering new words and new vocabularies..
    jams_mom
    06/20/2012 | 11:04 PM
    discovering new words and vocabularies?... really now?!... is this another excuse to cover up your utter lack of brains?
    winklebee
    06/20/2012 | 11:19 PM
    hahahaha dami kong tawa kay brainful...
    kenwajapan2
    06/20/2012 | 11:24 PM
    deadma muna sa mga bloopers mo iam_brainful pero infairness naantig ako dito sa comment mong to. walang echos na halo.. puro lang.. bet kita ngayon..
    greencardholder
    06/20/2012 | 11:43 PM
    Haha mga to serious topic nagpapatawa pa. God bless Pidol.
    iam_brainful
    06/20/2012 | 11:57 PM
    Jams_mom.. come on, can we just settle aside these differences just for now? Respect naman Mang Dolphy and his family. This is not the time for arguementary fights, at sana naman naintindihan mo yun.. okay,.. quiet na lng tayo please, wag na tayong magsalita ng kung ano ano pa, nakakahiya sa mga tao dito sa article nato, nagdadalamhati yun mga tao eh, we are all in grievance...okay Jams_mom?....... humanda ka saken sa ibang articles.
    Pulmoll_0709
    06/21/2012 | 12:03 AM
    UTak brainful nga ang kampon ni satanas! hahahahhaha
    iam_brainful
    06/21/2012 | 12:21 AM
    Jamsmam, come on, pwede ba for ones, lets settle aside these differences kahit just for now. Respect naman kay Mang Dolphy and his family, nakakahiya sa mga tao dito sa article nato. Kaya please, quiet na muna tayo dito at this is not the time for arguementary fights, this is the time for grievance. At sana naman naintindihan mo yun...wag dito jamsmam okay?.. humanda ka saken sa ibang articles..
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About