news

Roderick Paulate chooses not to talk about allegations against him: “Less talk, less mistakes."

by Rose Garcia posted on June 21, 2012  STATS: 17456 Views | 7 Comments

Roderick Paulate on intigues in politics: "Kasi mahirap kapag artista dahil mas pinag-uusapan. Katulad ngayon, tinatanong mo ‘ko, pero kung [kay] Juan dela Cruz nangyari ito, hindi mo tatanungin. You’re interested kasi showbiz ako. Gusto n’yo pag-usapan, ma-news. But because it’s their job to write, gusto nila.”

Photo By: Noel Orsal

Tatlong araw ginanap ang audition para sa National Capitol Region (NCR) leg ng Protégé, ang reality show ng GMA-7, sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City.

Nagsimula ito noong Lunes, June 18, at natapos kahapon, Miyerkules, June 20. 

Kahapon ginanap ang call back para sa mga napili noong unang dalawang araw. Dito na dumating at namili nang personal ang NCR mentor na si Roderick Paulate ng magiging protégé niya.

Bukod kay Roderick, ang iba pang mentors sa second season ng Protégé ay sina Ricky Davao (North Luzon), Gina Alajar (South Luzon), Jolina Magdangal (Visayas), at Phillip Salvador (Mindanao).

Nagpakita na ng excitement si Roderick nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na bumisita sa audition kahapon.

Aniya, “Actually, kaya kami excited, parang ganoon ang tema… magkakaibigan kami, pero kailangang makakuha kami ng magagaling na artista.

“Na bata pa lamang, pero masasabi nating potensiyal at panlaban talaga.

“That’s why siguro, kung makukuha ko rito ang mga breed of new stars, I will really talk to them. Mag-uusap kaming talaga. 

“Kakarerin natin ‘to at kung sino ang lalabas na magsa-shine sa kanila.”

Bilang mentor, ano ang hinahanap ni Roderick sa kanyang magiging protégé?

“Of course, ever since naman sa entertainment industry, plus factor talaga ang ganda, di ba? Plus factor talaga yung guwapo.

“Plus factor talaga yung may tindig. Siyempre, pati yung looks at height niya. 

“But ako, aside from that, hahanapin ko talaga yung may acting ability. Parang yun ang gusto kong makita rito. 

“Para naman yung character niya, hindi lang siya maganda, may texture.

“Merong kakaiba sa kanya na makikita mo na dapat ilabas doon sa batang yun.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • rich828

    06/22/2012 | 12:58 PM
    Magaling na artista yan c Kuya Roderick..Nanood ako ng audition kahapon sa MOA at napansin ko favorite ng crowd ung isang nag audition na babae., name nya NICOLE DONESA.. Gandang bata sana masali sya selection..Google nun sya!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilya_worldclass

    06/21/2012 | 11:20 PM
    anong nangyari syo roda? napariwara ka na lumipat ka lng sa syete. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    06/21/2012 | 08:58 PM
    simula ng lumipat ito sa GMA, nagka letse-letse na buhay niya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    Lieutenantcaine
    06/22/2012 | 10:51 AM
    Tama yan kase lahat naman ng galeng sa inyo pinag iinitan niyo ginagawan ng kuentong walang kwenta kaya ganyan pero sori kayo kelan man you can not put a good man down, in time kuya dick will be vindicated, u'll see.
  • bus_stop

    06/21/2012 | 01:19 PM
    MAS KADUDA-DUDA YAN!KUNG MALINIS KA 100 PERCENT KAYANG-KAYA MONG IPALIWANAG!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/21/2012 | 03:41 PM
    Matalino si Roderick, TAMA SYA! sa tamang lugar nga naman dapat pag usapan tutal nasa ombudsman na yan.. so doon na lang dapat magpaliwanag si Dick at hindi sa PEP hehehe
  • Lieutenantcaine

    06/21/2012 | 12:57 PM
    Basta may tiwala ako sayo kuya dick alam kong di mo sisirain ang pangalan mo sa gatuldok na halaga lang. Keep the faith!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    hototguy
    06/21/2012 | 03:42 PM
    korek! Mas naniniwala ako kay Dick kaya 100 percent mananalo ulit si Dick!!!
  • MissHugoBacungan

    06/21/2012 | 12:29 PM
    GOOD on you ate Roda. I agree 100 percent, less talk, less mistakes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    06/21/2012 | 12:25 PM
    no comment means YES
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About