news

Ella Cruz denies rivalry with fellow Kapamilya princesses Kathryn Bernardo and Julia Montes

by Melba R. Llanera posted on June 21, 2012  STATS: 15020 Views | 9 Comments

Ella Cruz on patiently waiting for six long years for a good break in showbiz: “Sobrang thankful ako, sobrang saya na ito na yung pinakahihintay na panahon ko. Ilang shows ko na rin kasi ang na-shelved.”

Photo By: Melo Balingit

Sa loob ng anim na taon, matiyagang sumubok gumawa ng pangalan si Ella Cruz sa showbiz.

At sa wakas ay natupad na rin ang minimithi niyang magbida sa pamamagitan ng fantaseryeng Aryana ng ABS-CBN.

  

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ella sa pocket presscon ng Aryana noong Sabado, June 16,  sinabi ng teen actress na napatunayan niyang may magandang bunga talaga ang paghihintay at pagtitiyaga.

   

Aniya, “Super worth it kasi simula pa nung bata ako, pinangarap ko na ito.

“Ilang auditions na rin ang napuntahan ko, pero hindi ako natatanggap.

“Para sa akin, sobrang worth it—na ito ang kabayaran sa lahat ng paghihirap na hinintay namin ng family ko.

“Nung nagsisimula ang Aryana, hindi ako makapaniwala na heto na, totoong-totoo na ito!

“Sobrang thankful ako, sobrang saya na ito na yung pinakahihintay na panahon ko. Ilang shows ko na rin kasi ang na-shelved.”

   

LONG WAIT. Mas na-challenge na maghintay at pagbutihan pa ni Ella ang trabaho kaysa mag-quit sa showbiz.

Aniya, “Hindi, mas lumalakas ang loob ko. Si Mama at ako, kahit kailan, never kami nagkaroon ng negative [attitude].

“Ang laging sinasabi ni Mama noon, siguro hindi ko pa panahon para sumikat… maghintay lang kami.”

  

Nagbunga nga ang lahat para kay Ella dahil mataas ang ratings ng Aryana.

  

“Siyempre sobrang saya ko, sobrang flattered and super thankful ako sa mga fans na sumusuporta sa show—kay God, sa ABS-CBN.

“Wala akong masasabi kundi ‘thank you,’ kasi hindi ko inaasahan na magiging ganun kataas ang ratings namin.”

   

RECOGNITION. Anu-ano ang mga pagbabago na nangyari kay Ella mula nang magkapangalan siya dahil sa Aryana?

Sagot niya, “Mas napapansin ako ng mga tao ngayon.

"Kailangan kong ingatan ang sarili ko kasi bawat galaw, salita, nakikita ng mga tao.

“Mas nag-gain din ako ng maraming followers sa Twitter saka ‘pag lumabas ako sa mall, mas nakikilala ako ngayon.”

   

TWO LEADING MEN. Sino sa kapareha niya sa Aryana na sina Paul Salas at Dom Roque ang mas malapit sa puso ni Ella?

Sagot ng dating child actress, “Parehas lang silang close sa akin.

"Si Paul, matagal ko na siyang nakakasama.

“Si Dom, first time ko siyang nakasama, nakasalamuha, at madali siyang pakisamahan.

  

“Wala akong crush kasi sa akin, friends lang, barkada, saka madalas umaalis-alis kami.”

  

ROLE MODELS. Katulad ng ibang mga nagsisimulang mga artista, may mga artistang hinahangaan din si Ella na gusto niyang sundan ang yapak o makatrabaho.

   

“Si Ms. Judy Ann Santos, Ate Angel Locsin, and Anne Curtis.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • september29

    06/22/2012 | 10:30 AM
    Mukhang 8 years old Lang sya. Di pa bagay magkaroon Ng ka loveteam.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • september29

    06/22/2012 | 10:29 AM
    Masyado pang mukhang bata para magkaroon Ng ka loveteam mukhang 8 years old Lang ang batang Ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    06/22/2012 | 08:26 AM
    marami pa syang kailangan patunayan.. si julia montes naman hindi ako nagagalingan sa kanya sa walang hanggan i think most of the viewers naman nanonood dahil kay daniel and nathan richard and dawn
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    FlyNDance
    06/22/2012 | 09:10 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
  • marchioness

    06/22/2012 | 07:49 AM
    Professional rivalry? One series does not warrant a status enough to have a professional rival in the industry. Please! It is still a long long way to China... instead of having starlets as your rival, why not compete with yourself and strive to make it better. Julia Montes will be delegated to second lead or antagonist roles. Kathyrn would most probably be derailed associating herself with another loud mouthed Padilla and you... geez, what is to become of you, I really wonder.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    fd2571
    06/23/2012 | 12:31 PM
    don't mention Kathryn if you have nothing to say nice about her, nega people get lost...check your English!!!
  • jams_mom

    06/22/2012 | 12:07 AM
    kawawang bata... matagal na sanang sikat kundi nadamay sa kamalasang dala ni becky aguila... btw, sana wag kang magaya sa ibang alaga ng manager mo na bulimic... youre sticks and bones, and very short... cute pa habang bata, pero masanay ka na sa 5-inch stilletos dahil ang liit mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexis2222

    06/21/2012 | 10:50 PM
    taray... ABS stas competing with ABS stars... puro kasi bankable at sikat... anyare sa mga ginu-groom ng kamuning station? sa kangkungan ang destination... mga wala naman kasing talent ang nasa gma... puros mga mukhang ewan pa... in other word... walang future ang mga taga-gma na yan... obvious naman... alam nyo lahat yan... mwahahahahahah... ouch!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    oskieness
    06/22/2012 | 09:41 PM
    kAPAMILYA COMMENTS....as usual...
  • red_radiance

    06/21/2012 | 08:09 PM
    good luck aryana!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • teteth

    06/21/2012 | 07:25 PM
    magaling tong bata na to, mas magaling kay kathryn..sa kathryn kasi kung minsan over the top kung umarte at nakakatulilig ang boses..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    bebet54
    06/22/2012 | 11:47 AM
    teteh...please be honest and observant, Kathryn has already proven her versatility, she is very very good actress.
  • Speed_OfLight

    06/21/2012 | 07:12 PM
    di naman pala totoong lumaki na ang Ulo ng dilis.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
    kapamilya_worldclass
    06/21/2012 | 11:19 PM
    oo naman.. kc sobrang thunders na ng idolet mong si inday marian buwang rebera. hahaah

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About