news

Dimples Romana challenged by new hosting assignment; says versatility gives her an edge

by Rose Garcia posted on June 22, 2012  STATS: 13981 Views | 5 Comments

Dimples Romana reveals secret of staying long in showbiz: “Kasi kung talented ka nga, 'tapos masama naman ang ugali mo, hindi ka naman tatagal. Kung magpapakita ka ng sama ng ugali mo, madali kang mapapalitan.”

Photo By: Noel Orsal

Ang disassociative identity disorder o DID ay ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang personalidad sa isang tao.

“So, limang tao ako. Ito naman yung… more on ang ino-nourish ko rito, is more on my acting ability.”

STAYING POSITIVE. Napaka-positibo ni Dimples at talagang very blessed daw siya ngayon.

Saad niya, “Alam mo, ang saya ngayon. Sa pamilya namin, kahit kanino mo itanong, sa in-laws ko at sa pamilya ko… sa nanay ko...

"Ngayon, kapag lumabas kami, maliit na ang beinte [katao]. Lahat kami, apat na kotse, limang kotse.

“Noong Father’s Day, nag-overnight kami sa Bulacan.

"Magge-guest ako sa isang serye. Hinintay nila ako do’n hanggang umaga. Hanggang 12 noon ng Father’s Day.

“’Tapos sabi ko, ‘Halika, punta tayo sa farm.’ Meron kaming maliit na lupa sa Tagaytay.

“Sabi ko, bisitahin natin ang caretaker ko, may sakit. Alam mo, pumayag sila—north to south, south to north…  Kain kami ng bulalo.

“Pagdating sa bahay, ang nanay ko, nagluto—beinte kami, ha—nagluto siya ng seafoods.”

MARRIED YOUNG. Nag-asawa si Dimples noong 19 years old pa lang siya at kaka-celebrate lang nila ng asawang si Boyet Ahmee ng kanilang 9thwedding anniversary.

“Actually, eleven [years] na kaming together as a couple. Kasama yung boyfriend/girlfriend.”

Aminado si Dimples na noong magpakasal siya sa napakabatang edad, marami ang nagsabing hindi sila magtatagal at maghihiwalay rin.

“May pustahan pa nga sila. Pero pinanindigan naman namin ni Boyet.

"Totoo pala yun. Ang mag-asawa, hindi naman palaging in love.

"Mahal namin ang isa’t isa, pero may mga panahon na nagkakainisan din kami.

“Pero thank God, na naga-guide kami nang maayos ng mga magulang… importante pala yun.

« Prev  1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • grazildachuvastra

    06/23/2012 | 12:49 AM
    Wala na so i Agot so sina Dimples at Iza Calazado na ang magmamana ng mga mother roles sa ABS dramas
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ugok88

    06/22/2012 | 07:01 PM
    Nakita ko na rin sya dati ngmamalling,ang tangkad nia pla talaga,lol,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • aaronick

    06/22/2012 | 11:16 AM
    Basta sa isang tao na ang ganda-ganda ng aura at pananaw sa buhay, laging GOOD FOR YOU lang ang sagot ko. Ano pa ba ang masasabi mo? Maganda ang naging takbo ng buhay niya, both sa career at sa family. We can only hope na sana ay magpatuloy lang ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fifiandtheflowertots

    06/22/2012 | 11:05 AM
    nakita ko si dimple before, naggala sa mall nag-iisa lang siya, ang cute niyang tingnan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kokuryu

    06/22/2012 | 11:03 AM
    isa tong magaling na artista si Dimples kaya hindi xa nababakante. until now, iniisip ko kung di siya nag asawang early dati, i thought siya ang magiging love team ni john lloyd noon sa kay tagal kang hinintay hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About