"Sabi nga ng doktor sa akin, 'Kung ang kapatid mo, e, hindi malakas ang katawan,” malamang daw ay bumigay na ito.
"Imagine, acute leukemia, 'susmaryosep! Na-depress nga siya for two days, gusto na niyang umuwi.
“Parang ayaw na niyang magpahawak, magpatingin, 'Uuwi na lang ako!'
"That was when I started calling friends," sabi ni Jerry.
VISITED BY OLD-TIME FRIENDS. Bagamat mahigpit ang bilin na, "No Visitors Allowed,” marami raw mga kaibigan at kasamahan sa industriya ni Mario ang nagnanais na madalaw at makita ang veteran writer-director.
"With a few exceptions, kasi mga old-time friends ni Mario nagpipilit talaga.
"Si Frank Rivera [kaibigang writer], si Nonon Padilla [veteran stage director]... si Nora Aunor.
"Si Ate Guy [Nora], unang-unang dumalaw, e. Masaya si Mario nang makita siya. Ngumiti siyang bigla!" pagbabalita pa ni Jerry.
Dalawang araw nang dumadalaw si Ate Guy sa kanyang matalik na kaibigang direktor.
Matatandaang si Nora ang bida ng pinakahuling major work ni Mario—ang mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.
Patuloy ni Jerrry, "Si Laurice [Guillen] nga, tawag nang tawag sa akin, 'Kahit two minutes lang, Jerry, alam ko 'yan. Kahit maligo ako ng alcohol, sabihin mo sa akin.'”
Kung saang hospital daw niya puwedeng dalawin si Direk Mario.
"Kasi nga, si Johnny [Delgado, Laurice's late actor-husband], cancer din,” na ang ibig tukuyin ni Jerry ay ang naging sakit ng yumaong aktor.
"Bawal talaga, bilin ng doktor 'yan. Kaya lang, nagkaroon ng depression si Mario.
"So I had to allow very close friends para mapasigla siya."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 thirstytrooper
3 daffodils87
2 hototguy
1 hototguy