Umaasa ngayon si Jerry na magtutuluy-tuloy pa ang masiglang kundisyon ng kapatid, na patuloy na lumalaban ang katawan sa kasalukuyang karamdaman.
Abala naman si Jerry, 'tulad ng kasalukuyang partisipasyon sa The Princess And I ng ABS-CBN at sa 8th Virgin Labfest Revisited entry na Kawala sa CCP sa July.
Kasama niya rito ang actress-wife niyang si Peewee O'Hara at anak nilang si Paolo O'Hara na isa ring aktor.
Sabi ni Jerry, "Hindi nga ako maka-focus ngayon sa rehearsals namin, e, dahil sa kapatid ko.
"Well, kami, we take it on a day-to-day [basis] kasi matindi yung klase ng leukemia na tumama kay Mario, e.
"So, a day above the ground is a good day!
"May miracle... nasa sa 'yo yun, e. He's 66 years old.
"If he lives 10 more years at 76, hindi na masama 'yon," sambit pa ni Jerry.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
4 thirstytrooper
3 daffodils87
2 hototguy
1 hototguy