news

Part 1. Carmina Villarroel on interviewing BB Gandanghari: “Kung mangyayari, mangyayari yun, di ba?"

by Melba Llanera posted on June 22, 2012  STATS: 18511 Views | 5 Comments

Carmina Villarroel (left) on BB Gandanghari (right): “Sa akin, kung ano talaga ang makakapagpaligaya sa kanya, maligaya na rin ako. Ako naman, nagpapasalamat ako na wala siyang sinasabing masama against me, puro nice words naman. Nararamdaman ko naman talaga na masaya talaga siya for me.”

Photo By: Noel Orsal

Magkasama sa cast ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Lorenzo’s Time sina Carmina Villarroel at Rommel Padilla.

Si Rommel ay kapatid ng dating asawa ni Carmina na si Rustom Padilla, na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Sa presscon ng Lorenzo’s Time kagabi, June 21, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS CBN compound, isa sa naging sentro ng usapan ay kung hindi ba nagkaroon ng ilangan sa pagitan nina Carmina at Rommel ngayong magkasama sila sa isang proyekto.

Sabi ni Carmina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin tungkol dito, “Wala lang. Nung nalaman ko na kasama si Rommel, ang sabi ko lang, ‘A, talaga?’

“Wala lang siya sa akin kasi wala naman kaming problema.

“Kahit sino sa kapatid niya [BB] ang makita ko, hindi ako maiilang or para akong magiging uncomfortable.

"Kasi, kumbaga, wala, e. Parang I’m happy to see him.”

Napag-usapan ba nila ni Rommel ang kapatid na si Rustom/BB?

“Hindi, e, kasi parang walang pagkakataon.

“Kasi every time na nagte-tape kami, laging kami nang kami, sabak nang sabak.

“’Tapos bago pa, nakatuon sa script, nagme-memorize.''

NOT READY YET? May balitang dapat sana ay magge-guest sa showbiz talk show na Showbiz Inside Report si BB, pero hindi ito natuloy dahil hindi pa raw handa si Carmina—isa sa mga host ng programa—na harapin ang dating asawa at may sama pa raw siya ng loob dito.

“Oh, my gosh!” nagulat na reaksiyon ni Carmina.

“Very vocal nga ako na nanawagan pa ako na gusto ko siyang ma-interview.

“Kung may sama ako ng loob, hindi na ako mananawagan dati, di ba, at magiging vocal na it’s okay. Puwede rin akong magpalusot na busy ako.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

5 Comments

  • pepreader123

    06/26/2012 | 01:58 PM
    Napansin ko sa mga appearances ni BB sa tv, ang tanda na nyang tingnan. Parang ang dami na nyang wrinkles sa muka. He's only in his mid 40's.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    06/23/2012 | 08:13 PM
    Please lang Carmina ang ayos na ng buhay nyo wag nyo ng guluhin sa laging pag mention ni BB..panggulo lng yan pati na din sa mga anak nyo na ma confuse pa kung sino itong si BB sa buhay nyo. Pabayaan mo na lng ang TV5 kung gusto nilang gawin star si BB dun na lng sya. At si Zoren dapat naisip nya na ginagamit kayo ng tv5 at ni BB para pag usapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Syete

    06/23/2012 | 03:10 AM
    magka level ang beauties nila :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapalmilyaks

    06/22/2012 | 10:30 PM
    Laos na yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wa2

    06/22/2012 | 04:54 PM
    cant wait to watch this teleserye,my idol carmina,daming naka line up na maggandang teleserye ang dos ang ayoko lang yung angelito hehehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About